46- Pagkakamabutihan

438 18 2
                                    

Aljur's POV

Hindi naman sa pagmamayabang pero except sa napakaraming babaeng nagpapapansin sakin, ay may isa akong babae na palaging napapansin. Napakatahimik niya at palagi siyang mag-isa. Mag-isang bumili ng recess, mag-isang kumain ng lunch, mag-isang magreview, at mag-isa rin itong lumalakad lakad dito sa campus para malaman-laman ang mga lugar. Napakatalino niya kasi. Napakatahimik at maganda rin ito kaya maraming mga lalaki ang nagagandahan dito kaya naiinggit siguro ang mga girls sa kanya kaya walang masyadong mga babae ang lumalapit sa kanya. Marami kasing mga inggitera dito sa KR University XD.

____________

Klase ngayon ni Ms. Altarez, isa sa mga medyo strikto na guro dito sa KRU.

"Class, since natapos nanaman natin ang lesson 6 kahapon, so today I will give a long quiz about sa mga lesson na natapos ko ng i-discuss... So please get your quiz notebook and answer page 76 to 93 in your science textbook.

"Sh*t pano na to? Di pa naman ako nakinig sa lesson niya kahapon." Nasambit ko nalang sa sarili ko habang namumurublema kung sino ang kokopyahan ko.

Agad namang nakita ng mga mata ko ang babaeng katabi ko na busy ngayon kakasolve sa problem sa number 1. Thank you Lord! Ang bilis niyo pong magbigay ng blessing.

Pasimple akong kumukopya ng sagot niya ng siguro ay naramdaman niya at tinakpan kaagad ang papel niya. Juiceko namang babae to. Lakas ng sense of touch haaaa?

"Pakopya naman." Nakangiting sambit ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin. Napaka-walanghiya ko hehe.

"Uy sige na please? Sasamahan kitang maglunch mamaya." Sambit ko dito. Pero parang  wala siyang emotion na sumagot sakin.

"Hindi ko kailangan ng kasama." Mahinang sagot nito. Ay grabi naman to ang maldita!

"Hindi ka ba naaawa sa pogi mong seatmate? Wala siyang maisagot kahit isa oh." Sambit ko naman sa kanya habang nagpapabebe na malungkot.

"Kapal mo, di ka naman kasing pogi ng ini-expect ko tsk." Mahinang sagot niya pero napakalakas nito sa pandinig ko na parang may malakas na pagsabog. Hanudawwww? Di ako kasing pogi ng ineexpect niya? -_- pero di ko na ito pinansin dahil ang mas inportante sa akin ngayon ay ang masagutan ko ang walang hiyang long test na to.

"Sige na please? Sasamahan kita mamaya kahit saan ka magpunta." Sambit ko pa dito pero parang wala paring epek. Hindi niya talaga ako pinapansin. -_-

Pero ng biglang, binigay niya na ang mga formula's na ilalagay para may plus points ka at ang sagot niya. As in kompleto talaga. Ang bait naman pala netoooo!

"Yan, kopyahin mo na. Bilisan mo lang para hindi tayo mahuli ni Ms. Altarez at mapagalitan." Sambit niya pa sakin. Yiee ang bait niya talaga.

"Uy salamat ah. Promise ko sayo sasamahan talaga kita mamaya." Sagot ko dito pero binalewala niya lang ito. Hindi siya siguro naniniwala sa akin. Pero promise ko yon, at promises are promises hindi promises are meant to be broken :D
.
.
.
.
.
.
.
Class Dismissed...

_____________

Masayang naglalakad ako ngayon papunta sa gate dahil perfect ako sa Science na test kanina ni Ms. Altarez. Ang bait at ang talino talaga ng Jilliang yon…ay este Julia pala. Saan na kaya siya?

Hinanap ko muna siya dahil sabi ko sa kanya ay sasamahan ko siya. Siyempre ang bait ko eh. Tumutupad sa usapan.

Naglakadlakad muna ako pabalik sa canteen dahil nagbabasakali na makita ko siya doon at hindi nga ako nagkamali. Doon siya nakaupo sa table ng canteen ng mag-isa. Agad ko naman itong nilapitan.

"Hi Juls!" Pa-feeling close kong bati sa kanya.

"Ano ginagawa mo dito?" Mahinang tanong niya sakin. Jusmeyo wala na bang mas mahina pa diyan? XD

"Sasamahan kita. Diba sabi ko naman sayo. Di ako nagbibreak ng mga promises." Sabi ko dito at nagwink. Mwehehe papogi points shh. "Sandali lang ha. Order lang ako. Nagugutom na rin ako eh. At ako na pala magbabayad ng inorder mo." Sambit ko sa kanya at agad ng umalis papunta canteen. Magsasalita pa sana siya pero agad na akong umalis dahil sigurado ako na aayaw nanaman yon sa palibre ko sa kanya.
.
.
.
.
Few minutes later ay natapos na kaming kumain at kukuha na sana siya ng wallet niya sa kanyang bulsa ng magsalita ako.

"Libre ko na nga." Sambit ko dito at agad na sana akong kukuha ng wallet sa bulsa pero laking gulat ko ng hindi ko matagpuan ang wallet ko. Hinanap ko rin ito sa bag ko pero di ko rin matagpuan.

"Ah eh, sige ikaw nalang pala muna...pati na rin yong inorder ko. Hindi ko kasi alam kung saan ko nilagay ang wallet ko eh." Nahihiyang sambit ko dito habang pakamot- kamot sa batok.

Kumuha siya ng pera sa wallet nito at agad na ibinayad sa naghihintay na babae sa harap namin.

"Yan kasi, libre daw pero hindi naman pala dala ang wallet." Mahinang sambit niya habang nilalagay ang kanyang sukli sa wallet niya.

Itong babaeng to, bakit di ba ako nito makausap o masabihan na nakatingin sa mga mata ko? Nahihiya parin ba siya sakin?

"Uy ito naman, babayaran naman kita bukas at ililibre kita ng wala ng palya." Sambit ko dito at tumingin ito sakin ng nakangiti.

"Joke lang, hindi ka naman mabiro eh." Natatawang sambit nito at sa ngayon ay hindi na mahina boses niya hindi gaya ng boses niya kanina. At ngayon ko lang rin siya nakitang tumawa.

"Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan." Nakangiting sambit ko dito. Sh*t di ko mapigilan ang sarili kong mabighani sa kagandahan niya kung siya ay nakangiti.

Parang nahihiya naman itong napayuko.

"Sus wag ka ng mahiya sakin, simula ngayon, friends na tayo. Ano deal?" Sambit ko dito at nag form ng parang pinky finger promise XD.

"Ano friends?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Friends." Nakangiting sambit naman nito at nag pinky promise kami. Diba para kaming mga bata? XD

_______________________

AN: guys sorry kung wala munang KyRu moments ngayon. Gusto ko kasing bago matapos ang story kong to ay natapos ko na ang storya nina Aljur and Julia at ang story rin ng JoshLia. <3

______________
To be continue...

Thankyou for reading guys! Pasensya na pala kung matagal akong di ako nakapag-update. Jusmeyo 2 weeks na sigurong di ako nakapag-update dito. Pasensya na busy talaga sa mga projects and reportings at nagreview pa dahil periodic nanamin kaya wala na akong time para mag-update. At sorry narin dahil sa boring kong ginawa ngayon. Wala kasi ako ngayon sa mood gumawa ng chapter na to dahil gumagawa ako ng powerpoint at isiningit ko lang to. Hope you'll understand. :)

Please don't forget to vote and comment :)

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon