Kylie's POV
Nandito kami ngayon at kumakain sa Sea food restaurant malapit sa resort. Nagkwekwentuhan kami sa mga bagay bagay tungkol sa buhay namin ng naalala ko ang nangyari kanina. Sino kaya ang babaeng 'yon? Bakit parang baliw na baliw si Ruru sa kanya.
"Maiba ako Ru, bakit pala ako ang napili mo para magpanggap na girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya. Patay na ang daldal ko T__T
"Bakit mo naman na tanong Ky?" Tsk bakit kasi ang daldal mo Ky! Dakilang mouth chika doon chika dito ka talaga -_-
"Wala lang. Pumasok lamg sa isipan ko." Sagot ko naman sa kanya.
"Ahm...ikaw ang napili ko dahil katabi kita. Pero except doon, wala lang. Parang magaan loob ko sa'yo eh." Sagot niya naman. Yieee! Namimiktima na naman si Mr. Heartbreaker. -_-
"Ahmm o-ok." Naiilang na sagot ko sa kanya.
Agad ko namang pinatuloy at tinapos ang pagkain ko dahil wala ng nagsasalita sa'min.
"Topic naman diyan Ky!" Pagbasag niya ng katahimihan.
"Wala ngang maisip eh. Katulad sa pagmamahal, pag nagmamahal ka, hindi mo iniisip kung ano o sino siya dahil ang importante mahal mo siya." Sagot ko. Luh? Sa'n ko nakuha ang mga galawang hugot ko? Siguro pinamana nanaman sakin ni Julia -_-
"Hahaha hinde yan uso ah. First time?" Natatawang tanong ni Ruru at sinamahan pa ng malokong ngiti.
"Shunga! Hinde ko nga alam kung saan 'yon nanggaling eh." Sagot ko naman. "Ru pasyal naman tayo!" Pagyaya ko sa kanya.
"Shh, easy lang Ky dahil bago mo yan sinabi ay naplano ko na yan." Sagot niya naman na nakalagay pa ang isang daliri sa bibig.
"Chee! Sige na." Sambit ko naman.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming sumakay sa kotse niya.
Dinala niya ko sa parang isang park na napakaganda. Ngayon lang ako nakarating dito kaya hindi ko pa alam kung saang lugar ito. Basta isang napakagandang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Puno ng bulaklak at nagliliparang mga paro paro. Parang...disaster? Woah! Mga kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko.
"Ru anong lugar ito?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito at tiningnan ako.
"Ito ang lugar na hinding hindi mo malilimutan." Sagot niya lamang.
Loko to ah? Siyempre hindi ko malilimutan, napuntahan ko eh -_-
Humiga kami sa malinis na damuhan at nanonood sa mga nakahugis na ulap.
"Ky oh!" At tinuro niya ang isang ulap na nagkokorting babae at lalaki. "Parang tayo diba?"
"Pano naman yan magiging tayo? Eh wala namang tayo!" Pagbibiro ko.
Napatingin siya sa'kin.
"Walang tayo?" Tanong niya.
"Wala joke lang!" Sagot ko.
"Ky kung liligawan kaya kita sasagutin mo ako?" Tanong niya sa'kin. Ano na naman bang paandar ng Mr. Madrid na to? -_-
"Ano namang klaseng tanong 'yan?" Tanong kong pabalik sa kanya.
"Basta! Sagutin mo nalang." Sagot niyang muli.
"E diba nga, rule number nine, bawal kang mainlove sakin at lalong lano ng bawal akong mainlove sayo!" Pagpapaalala ko.
"Eh kung labagin ko ang isang rule?" Tanong nanaman niya. Ano bang kababalaghang nangyayari sa lalaking to?
"Ipapalapa kita sa aso namin. Diba takot ko sa dogs?" Sagot ko naman sa kanya at ngumiti pa ng napakalapad.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...