18- Crush

728 41 1
                                    

Ruru's POV

Gagawin ko kaya yung plano ni Rocco? Wala namang masama kung mag try diba? Pero paano kung magalit siya? Pero wala namang care 'yon sa'kin eh? Ah basta bahala na...wala namang pakialam 'yon sa'kin. At isa pa, maka points pa'ko kay Maureen 'non eh. Sayang na crush at first sight pa'ko sana sa kanya. Pero may boyfriend na siya eh.

Flashback...

"Ru! Rocs! May bagong transferee raw dito!" Nahihingal na balita sa'min ni Joshua. Sa'n na naman to nanggaling? Nakinig nanaman siguro sa balita ng mga nagchichismisan do'n sa school. -_-

"Girl or Boy?" Tanong agad ni Rocco. "Sana chicks bro." Dagdag pa nito.

"Good news mga bro. Girl siya at balita ko, german eh." Pagbalita ni Joshua.

"Woww! Good pa sa good talaga. Akalain mo bro? Taga Germany. Siguro sexy 'yon at maganda." Pag-iimagine ni Rocco sa babaeng transferee. Gong gong talaga to eh! Basta chicks ang bilis.

"Anong pangalan?" Na eexite ko ring tanong.

"Maureen Wroblewitz daw eh. Mamaya ipapakilala siya sa classroom kung ano siyang section at sana ka-section natin dahil same grade din tayo non eh." Sambit ni Joshua.

Fastforward...

"Ok class, bago tayo mag umpisa ng lesson natin, ipapakilala ko muna ang bagong transferee natin." Sambit ng teacher namin sa amin.

"Baka siya na'yan!" Naeexite na sambit ni Rocco.

"Hija, get inside and introduce yourself." Sabi ng profesor namin sa new transferee.

Agad naman itong pumasok at nagpakilala sa'min.

"Hi and good morning everyone! My name is Maureen Wroblewitz, Mau for short. Im from Germany and Im 18 years old." Pagpapakilala ni Maureen at tiyaka ngumiti ng napakalapad.

Unang kita ko palang sa kanya ay nagagandahan na'ko. Para siyang anghel na bumaba sa kalangitan. At ang mga ngiti niya...napakatamis.

"Ru siya na nga!" Sabi agad sa'kin ni Rocco pero hindi ko ito napansin dahil nakatulala ako sa magandang babae sa harap ko.

"Marunong ka bang magtagalog hija?" Tanong ng professor namin sa kanya.

"Konti lang po." Sagot niyang may pagka-slang pa.

"O sige. Take your sit beside Mr. Madrid's seat para maumpisahan ko na ang klase ko." Utos ng professor namin sa kanya.

Agad naman itong lumakad papunta sa...

Sandali...sa'n daw siya uupo? What the? Tabi kami? :-0

"Hi!" Sabi niya sa'kin pagdating niya sa tabi ko.

"He-llo!" Pautal utal kong sagot sa kanya. Shit mas gumanda pala siya sa malapitan!

"Uyyy! Mukang si Mr. Boyband and number one heartthrob ng school ay naka-hanap na ng kapartner ah." Sigaw ng isang classmate naming lalaki at nagtawanan naman silang lahat.

Aba! Mga loko to ah! -_-

Ilang araw ang mga nagdaan, pinapadalhan ko na siya ng mga bulaklak and stuff toys. Mukang nagustuhan niya naman ito dahil tinatanggap niya. Hanggang sa nagtapat na'ko sa kanya na gusto ko siya at kung pwede ba kung manligaw sa kanya pero sabi nga ng iba, kung hindi para sa'yo ang isang tao, gagawa at gagawa ang tadhana para makahanap ka ng para sayo. At yun nga, nabusted ako dahil may boyfriend na daw siya at 4 months na sila. Tsk! Mag bre-break lang rin naman sila non.

Present time...

At yun nga, hindi naging kami pero close naman kami at sa katunayan nga closest friend ko siya eh. At ngayon, 2 years na siya dito sa Philippines at LDR sila ng boyfriend niya dahil nasa Germany yung bf niya. German rin kasi eh.

"Eh ano na pre? Gagawin mo na ba ang plano natin?" Pagsira ni Rocco sa katahimikan.

Bwisit to ah...gusto ba ako nitong magka-heart attack?

"Pinag-iisipan ko nga eh!" Sagot ko sa kanya.

"Eh ayan na pala siya oh. Mukang dadaan dito. Sige na lapitan mo na. At ikaw na ang bahalang magpa-points sa kanya." Sambit naman sa'kin ni Joshua.

Ang ganda talaga niya...hindi kumukupas.

"Hi Mau!" Bati ko sa kanya. Ano ba to! Bakit kinakabahan ako?

"Oh hello Ezekiel!" Sagot naman niya at ngumiti.

"Wala ka na bang pupuntahan today? Total tapos na naman ang klase." Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Actually nga papauwi na rin ako eh." Sagot niya ulit. Wow magaling na siya magtagalog ah. Hindi pareho ng dati na kung magtagalog siya ay pa slang-slang pa.

"Aww! Can I ask you a question?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Eh nagtatanong ka na nga eh!" Sagot niya naman at ngumiti na parang tatawa na.

Shit! Nakakahulog talaga ang mga ngiti mong malalapad Maureen Wroblewitz.

"Pilosopo ka rin pala minsan Mau noh?" Sagot ko rin sa kanya at nagtawanan kami. "Pero seryoso na talaga to ha. Can I ask you for a dinner tonight?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Hala! Pinag-usapan namin nina Rocco at Joshua na bibigyan lang siya ng flowers, letter o stuff toys eh. Bakit humantong sa dinner? Siguradong malilintikan ka talaga non kay Nicole Ezekiel! Hala ka...ah basta bahala na. Suntok lang naman at sampal siguro ang aabutin ko don eh. Sanay naman akong masampal ng mga girls eh at sanay rin naman akong masuntok kapag mapa-away ako sa mga bars. Pero sana hindi lang manipa yon. Dahil masakit talaga yon at sana, hindi ako ipalapa sa malaking aso sa bahay nila dahil takot na takot talaga ako don. Takot kaya ako sa mga aso. Nakagat na'ko non ng bata ako eh. At tiyaka masakit kaya ma-injectionan. Parang kagat lang daw ng langgam pero p*ta pagturok na ng injection parang kinagat ka ng aso paulit-ulit.

Back to reality... XD

"Oh sure. Dinner lang pala eh." Sagot naman ni Maureen. Anobayan? Patay na'ko nito. Pero kung ano mang mangyari, atleast naka-date ako sa long time crush ko noh.

.................................
To be continue...

Hala ka Ru! Baka magselos niyan si Kylie. Talagang ipapalapa ka niya sa aso niya. Ang laki pa naman non at nakakatakot. XD

Kylie on selos mode na ba up next?

ABANGAN...

Authors note: Sensya guys ha. Ki-nut ko nalang muna kasi eh. Pero abangan niyo nalang ang next chapter. At sa mga linyahang english pal diyan, sensya na lahat ng tao nagkakamali rin XD Labyu.

Please dont forget to vote and comment. XOXO <3

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon