Kylie's POV
Magkasama kaming anim nagbabyahe patungong bahay nina Ruru. 10:30 na kasi sa gabi natapos ang graduation ball kaya malalim na ang gabi ng magsiuwian kami.
Si Ezekiel ang nagdadrive at ako naman sa front seat katabi niya. Si Sanya at si Rocco sa likuran namin nagtatawanan at sina Joshua at Julia naman ang nasa likuran nina Sanya at Rocco. Magkayakap sila habang nakikinig ng low music. While kami naman ni Ezekiel ay tahimik lang pero ang mga kamay namin ay magkahawak. Paraparaan din eh no?
Mabilis ang pagpapatakbo ni Ruru ng sasakyan dahil baka hindi raw namin maabutan ang celebration dahil malalim na ang gabi at baka tulog na sina Mama.
Mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya ng kotse ng isang malaking truck ang paparating sa pwesto namin at mabilis rin ang pagpapatakbo ng driver. Napatingin ako sa gawi ni Ruru na sinusukang iwasan ito at bakas na bakas sa mukha ni niya ang takot. Nakarinig kami ng malakas na busina ng malaking truck na iyon na parang walang balak na iwasan ang sasakyan namin. Napatigil ang lahat sa likuran sa mga ginagawa nila at gulat na gulat na napatingin sa malaking rumaragasang truck na papalapit na talaga sa amin.
"What the f*ck bro. Iwasan mo! Mababangga tayo." Sigaw ni Rocco at bakas na bakas na rin sa mukha niya ang matinding takot.
"I can't, nawalan ng preno ang kotse." Sambit naman nito pabalik at nangiginig na ang mga kamay na nakahawak sa akin.
Ililiko na sana niya ang kotse para kung mabangga man kami ay hindi sa malaking truck pero huli na ng magawa niya ito. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Ruru sa mga sandaling iyon.
*BOOOGSSHHH*
Unti unti ng kumukurap ang paningin ko pero maaninag ko pa rin ang mga duguan kong kaibigan kasama ang nakayakap na fiance ko sa akin. Malalim ang sugat nito sa noo dahil sa malakas na impact ng aksidente.
Naramdaman ko rin ang mga tumutulong dugo sa noo ko. May sugat rin sa noo si Rocco while sina Sanya, Joshua at Julia ay may mga sugat sa kamay at paa.
Napatingin nalang ako sa direksyon ni Ezekiel na nakayakap parin sa akin. Nagsituluan ang mga luha galing sa mga mata ko habang inaaninag ko ang maamo niyang mukha habang ang kamay ko ay humahaplos sa kanyang pisnge magkabilang pisnge. At mas lalong bumigat ang dibdib ko ng makita ko ang singsing niyang binigay kanina sa akin. Pagkatapos non ay unti-unti ng nag-blur ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
___________________
"Bestieeee!" Narinig ko ang pagtawag nina Julia at Sanya sa pangalan ko. Kaagad kong binuksan ang mga mata ko. Sila nga. Nakatingin sila habang nakangiti ng malapad sa akin. Nasa tabi rin nila sina Rocco at Joshua. Pero nasaan si Ezekiel?
"Nasaan si Ruru?" Tanong ko sa kanila.
Napatingin naman ako sa lalaking pumasok sa kwarto ko.
"Hi beautiful!" Nakangiting sambit niya sa akin pero alam kong may tinatagong kalungkutan ang mga mata niya.
"Salamat sa Diyos at ligtas ka." Sambit ko sa kanya at akmang tatayo na sana ng pigilan ako ng mga kaibigan ko.
"Bumalik kana sa mundo mo, Ky! Sa tunay at totoo mong mundo." Sambit ng mga ito sa akin ng nakangiti pero mababakas mo talaga ang kalungkutan sa mga mata nila. At babalik ako sa mundo ko? Sa tunay at totoo kong mundo? Dito lang naman ang mundo ko ah? Bakit ang weird nila?
"Hubby? Anong ibig nilang sabihin? Wala naman akong ibang mundo kundi dito lang ah? Naguguluhan ako."
"Shhhh" Nilagay niya ang hintuturo niya sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...