Kylie's POV
Siya ba talaga yon? Pinuntahan niya ba talaga ako dito sa totoong mundong ito? Hindi ba talaga ako nananaginip ngayon? O nag-iimagine? Totoo ba lahat ng mga nakita ko kanina? PUNYETA SANA TOTOO!
Yan ang mga tanong na pumapasok sa utak ko ngayon habang excited na excited na tinatahak ang daan na dinaanan nang lakaking parang si Ezekiel kanina. Pero malakas ang posibiliad ko at sigurado akong siya nga yon. Na si Ezekiel yong nakita kong lalaki kanina sa malayo.
Sinundan ko siya at napahinto nalang ako sa tapat ng main gate dito sa University. Andun siya. Nakatalikod siya habang nakapikit ang mga mata at nakikinig ng music sa headphones niya. Naka-hood parin ito habang nakapamulsa sa bulsa ng kanyang pantalon. Dahan dahan akong lumapit sa kanya ng nakangiti pero agad ring napawi ang mga ngiti ko sa labi ng makita ko ang isang sexy at magandang babaeng humalik sa pisnge niya. Nguniti rin siya sa babae at inakbayan ito at unti unti siyang napatingin sa kinaroroonan ko.
Nagkamali ako. Akala ko siya na yon. Akala ko si Ruru na yon. Hindi pala. Medyo may pagkakahawig lang ang mukha nila pero hindi siya ang lalaking miss na miss ko ngayon. Hindi siya ang lalaking palaging hinahanap ng puso ko at iniiyakan ng mga mata ko. Unti unti ng nagbagsakan ang mga luha ko. Akala ko siya na yon. Akala ko makikita ko na at makakasama talaga siya. Pero parang ayaw ng fate, ng tadhana o ni Kupidong mangyari yon? Parang pinipigilan nila kaming maging magkasama at maging masaya sa isa't isa. Bakit ang unfair nila? Gusto lang naman naming magkasama ah? Bakit parang hinahadlangan niyang mangyari yon? Ayaw ba nilang maging masaya nalang kami ni Ezekiel? Ayaw ba nilang ikasal ako sa kanya at magiging isang Mrs. Kylie Nicole P. Madrid nalang? Tsk siguro inggit sila sa masyadong nakakakilig na labstory namin. Mga inggitera sa life. Tsk masyadong bitter kasi si Kupido dahil wala siyang lablife.
Hindi na ako nagtagal sa lugar na yon. Kahit hindi si Ezekiel yon ay nasasaktan pa rin ako sa nga nakita ko. Agad na akong bumalik doon sa malaking puno na tinambayan ko kanina ng hindi pa rin tumitigil sa pagluha ang mga mata ko. Damn nag-assume ako na siya na talaga yon. Nag-assume ako na pinuntahan niya rin ako dito sa totoong mundo para magkasama na kami.
Umupo ako sa damuhan doon sa gilid ng malaking puno na tinatambayan ko kanina. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ipinatong ang ulo doon. Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak ng umiyak. Hanggang kailan ako mangungulila sa kanya? Hanggang kailan na lang ako magiging ganito? Minsan natatanong ko nalang sa sarili ko kung nangugulila rin ba siya sa akin? O kung naaalala niya pa kaya ako? Pero puta, kahit isang sagot lang sa napakarami kong tanong ay wala akong nalaman o narinig.
Kahit napakaingay ng paligid dahil sa mga nagkikwentuhan, nagtatawanan at nagsisigawan na nga estudyante ay hindi ko talaga mapatigil ang mata ko sa pagluha. Kahit ilang beses ko ng sabihin na dapat ay hindi na ako iiyak o magiging mahina dahil tapos na ang lahat. Na hindi talaga kami siguro bagay para sa isa't isa. Dahil tao ako at isa lang siyang character sa isang fictional na libro. Isa lang siyang imagination ng author at mga readers ng librong yon.
Hindi ko na mawari kung ilang minuto na ako sa pag-iyak at wala rin akong pakialam kung ano na ang oras ngayon. Matagal pa naman siguro ang dismissal nina ate kaya mino-moment ko nalang ang kadramahan kong pag-iyak na to. Baka kung hindi ko mailabas ang mga nagsisituluan na mga luha kong 'to ay baka mabaliw ako. Ha ha ha ganda ng joke mo Ky, ah. Na-ka-ka-ta-wa.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may naramdaman akong may papalapit sa akin pero hindi ko yon tiningnan o kahit pinansin man lang. Ngayon ang moment ko sa pag-iyak kaya walang dapat may mag-istorbo. Pero nagulat nalang ako sa ginawa niya. Naramdaman kong may nilalagay siyang bagay na wari ko ay tela sa kamay ko at dahil curious ako ay agad kong tinignan kong ano ang bagay na iyon. At ito ay isang panyo.
"Gamitin mo yan. Naiinis ako kapag may nakikita akong babaeng umiiyak dahil ayaw ko sa mga babaeng ganun. Mga mahihina ang ganoong babae para sa akin." Dinig kong sambit ng isang lalaking nagbigay sa akin ng panyo. Ughh mahina daw ang mga babaeng umiiyak? Tsk kasalanan ba naming sobrang nasaktan lang kami? At ang boses niya... Ugh! Guni guni ko nanaman yon siguro. Guni guni ko nanamang boses niya yon dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya.
Wala sana akong intensyon na tignan kong sino ang poncio pilatong nagbigay sa akin ng panyong nasa kamay ko ngayon pero na iistorbo ako dahil feeling ko andyan pa rin siya sa harap ko at tinitigan lang ako.
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan kung sino at lalaking ito pero mas dumami pa ang mga luhang pumatak galing sa mga mata ko. Kamukhang kamukha niya. Kamukhang kamukha niya si Ezekiel. Si Ezekiel na ba ito? O naiimagine ko lang na siya iyon dahil sa pangugulila ko sa kanya? Ughh damn eyes. Sa sobrang pag-iyak siguro nito ay kung ano ano nalang ang nakikita. Sa sobrang pagkabigla ko ay nasambit ko nalang ang pangalan niya.
"R-R-Ru?"
At ito nanaman ang mga luha ko, tumulo ng tumulo hanggang sa mapahagulgol ako.
_______________
To be continue...
Sorry for short and late update. Abangan niyo nalang ang epilogue dahil hahabain ko iyon sa abot ng aking makakaya. Hahaha chos. Pero i dont know pa kong kailan ko mapupublish yon. Mwehhehe pero di naman siguro masyadong matagalan.
Ano kaya ang magiging ending nito? Is it sad? Or a happy one? Hmmm? Ano sa palagay niyo mga apwes? Magiging masaya kaya ang epilogue? Or magiginv malungkot?
Please vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...