Kylie's POV
'Baby, please forgive me.'
'Ky? Mag-usap naman tayo oh.'
'Wifey, please? Let me explain.'
'Nics, di ko talaga sinasadya ang mga nangyari kanina.'
Ilan lang yan sa mga text na natatanggap ko galing kay Ezekiel. Yung puso ko nagsasabi na patawarin nalang siya dahil mahal ko siya. Samantalang ang utak ko naman ay nagsasabi na tama na dahil once a playboy, will always be a playboy. Hays ang lito.
"One glass of martini pa please." Sambit ko sa waiter pagkaubos ng margarita na iniinom ko. Nandito kami umiinom sa bar. Saan pa ba? Kasama ko sina Julia at Sanya dahil hindi daw nila ako hahayaang mag-isa sa ganitong lugar dahil baka ano pa daw ang mangyari sa akin dito. Mabuti pa sila hindi nang iiwan. Mukhang mga kaibigan ko nalang ngayon ang maasahan ko. Kaya napakaswerte ko sa dalawang ito eh. Kahit mga loka loka to. Lab ko tong dalawang to.
"Ky, tama na yan. Nakakarami ka na." Sita sakin ni Sanya pero parang bingi lang ako dahil hindi ko iyon pinansin at uminom kaagad pagka serve ng inorder kong martini.
Tahimik lang ako habang ininom nanaman ang kakadating lang na isa pang hard drink. Yung sinabi ko pala kanina before ang mga pangyayari? Yung juice lang iniinom namin dahil mababait kami? Kalimutan niyo na yon. Binabawi ko na rin yon.
"Ky naman. Sinabing tama na eh. Nakakarami ka na. Ang tigas talaga ng ulo mo." Medyo napalakas ang pagkasabi sakin ni Julia. Ano bang magagawa ko?
Kung dito lang sana si Ruru hindi niya ko hahayaang uminom ng mga ganitong klase ng alak. Baka juice lang nga yon siguro ipainom sa akin eh. Kung dito lang sana siya. Tanga ko kasi eh. Ba't ba ko naniwala don? Ano bang kasalanan ko sa kanya bakit nagawa niya kong saktan?At ito nanaman ang mga luha ko. Ang mga madadaya kong luha na hindi nagsasabi-sabi at kusa nalang tutulo. Wala eh. Ang sakit parin isipin na niloko ka ng taong minahal mo ng sobra. Ng taong pinaniniwalaan mo.
"Ky, omg. Hindi ko sinasadya. Im so sorry. Hindi ko balak na sigaw---" di ko na pinatapos ang mga sinasabi ni Julia dahil yumakap na ako sa kanya. Yakap lang talaga kailangan ko ngayon. Wala eh. Napakahina ko. Sadya talaga akong mahina pagdating sa mga taong mahal ko.
Niyakap naman ako nito at hinagod ang likod ko na parang nagsasabi na 'everything's gonna be okay'.
"Ay pasali naman ako. Group hug, yieeee!" Masiglang sabi naman ni Sanya at yumakap rin sa amin. Kahit kailangan loka loka talaga tong babaeng to. Napangiti ako while umiiyak. Diba parang timang ako? Masayang masaya talaga ako na sila ang mga kaibigan ko.
_____________
(A/N: Point of view po ito ni tatang Ruru before and after nilang magbreak ni Kakai :D)
Ruru's POV
Nag-uusap usap kami ngayon while nagtatawanan nina Joshua, Rocco, Kuya AJ and other friends nito. Except sa may birthday party ngayon. Busy kasi yon sa pag-welcome sa mga other niya pang bisita kaya naupo nalang kami dito sa couch at nagkikwentuhan. Tapos na rin yung chibugan kaya nag- iinuman na kami ngayon. Meron ding nagsasayawan. Kung gusto mong sumayaw ay pwede ka ring mag-aya ng mga babae dito. Pero wag na. Loyal ako kay Nicole. The one and only Kakai in Ruru's heart. Okay alam kong corny kaya wag niyo ng tawanan.
While kami ay nagtatawan ay abot rin dito yung tawanan nina Gabbi at mga friends niya sa isang couch malapit lang samin. Truth or Dare ang laro nila. Kanina ininvite ako ni Gabbi na sumali sa laro nila. Nakapout pa nga siyang umupo sa tabi ko at yumakap sa isang braso ko para pumayag lang ako pero inayawan ko. Alam kong cute siya mag pout, pero mas cute pa rin ang Kylie ko.
Bumalik na rin siya sa inuupuan niya kanina at nagsimula na silang maglaro. Kaya ako naman ay balik rin sa pagkikwentuhan ko kina kuya.
Ilang minuto ang nagtagal ay ganoon parin ang sitwasyon namin. Tumatawa ako ng bigla niya naman akong tabihan kaya nabigla ako. Ano nanaman bang problema nito? Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako. Yung sa lips talaga. Nagulat ako kaya di ako nakareact o kahit nakagalaw lamang ng ilang segundo. Shock na shock talaga ako. Narinig ko naman ang pag 'wahhhh' ng mga kasama niya na halatang nagulat rin sa ginawa niya. Mga five seconds pa ang naglipas ng nag uumpisa ng gumalaw ang labi niya. Nahimasmasan naman ako sa nangyari at itutulak na sana siya ng may marinig akong nagsalita. A very familiar voice.
"Masarap ba ang boyfriend ko, Gab?" Sarcastic na tanong ni Nicole. Totoo ba to? Andito siya?
Agad ko namang tinulak si Gabbi dahilan upang magpahiwalay samin. Na gi-guilty ako at di mapatingin kay Kylie.
"Ky, let me explain." Tanging nasabi ko na lamang.
"Tangina naman Ru. Ito nanaman tayo sa mga lintik na explain explain mong yan eh." Sigaw niya sakin. First time niya akong sinigawan ng ganito. Titig na titig naman sa amin ang mga tao sa palagid na animo'y may live show silang pinapanood.
"Alam mo Gab, di ako nanununtok pero baka masuntok kita sa ginawa mo ngayon." Sigaw niya kay Gabbi. Unti unti namang nagbabagsakan ang mga luha niya. Nadagdagan ang pagka-guilty ko. Nag promise ako kay tito Robin at sa sarili ko na di ko siya sasaktan tapos ngayon... Umiiyak siya sa harap ko dahil sa kagagawan ko.
"Mahal ko pa si Ruru." Biglang sambit ni Gabbi dahilan para mapatingin ako sa kanya. Plano ba nitong sirain ang relasyon namin ni Nicole?
"Ky. Let me explain please!" Pagmamakaawa ko kay Kylie pero di ako nito pinansin.
"Tama na please. Im breaking up with you." Natulala ako sa narinig ko galing sa sa mga bibig niya. Unti unti naring tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko.
Agad na siyang lumabas at tatayo na sana ako ng magsalita si Sanya.
"Ru, please, hayaan mo nalang muna siya. Masyado siyang nasaktan ngayon." Sambit sakin ni Sanya habang sa likod nito ay si Julia at dali dali ng lumabas ang dalawa para sundan si Kylie.
"Ru, tama na. Wag mo na siyang sundan. Di niya deserve ang pagmamahal mo." Sambit sakin ni Gabbi na medyo ikinatawa ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya pero ngayon ay seryoso na ang boses ko.
"Ru, sa akin ka nalang. Mahal na mahal kita. Magbalikan tayo." Sambit niya pa.
"Pwede ba Gab, tama na. Tigilan mo na yang kahibangan mo. Because of you nagbreak kami. Sana hindi ka nalang nakialam eh." Pasigaw kong sagot sa kanya. Naiinis na ako. May gana pa siyang sabihin ang mga yon?
"Bro tama na, lasing lang siguro yang babaeng yan." Sambit sakin nina Rocco kaya kinalma ko na lang ang sarili ko.
"No, hindi ako lasing." Sagot pa ni Gabbi pero hindi ko na ito pinansin at umalis na papunta sa kaibigan ni Kuya na may birthday ngayon.
Sinundan naman ako nina Rocs and Josh. Magpapaalam na ako kay Andrew---kuya's friend, ang celebrant ngayon para umuwi na. Pinagtitinginan pa rin kasi kami hanggang ngayon ng mga tao kaya naiilang na ako. Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay lumabas na ako. Nakasunod naman ang dalawa. Isa lang yong dala naming sasakyan ngayon. Si Rocco na ang nag drive. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinext ang baby ko. Di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang bilis ng mga pangyayari kanina eh. Di ako makapaniwala na nakipagbreak siya sakin. At higit sa lahat, di ako makapaniwala sa mga tinuran kanina ni Gabbi.
Tine-text ng tine-text ko siya pero hindi niya ako nirereplyan. Tinatawagan ko rin siya pero hindi niya rin ito sinasagot.
Unti unti na namang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ko kayang mawala si Kylie sa akin. Siya lang ang babaeng nagpamalas sa akin ng tunay na pagmamahal. Pero ako itong si gago, sinaktan lang siya.
"Ru, magiging maayos rin ang lahat." Pag-alo sa akin ni Joshua na nasa likod ko nakaupo. Sana nga magiging maayos rin ang lahat. Sana ay mapatawad niya ako.
__________________
Thankyouuu for reading guys! Please vote and comment! 💙💛
Few chapters to go guys!
Sorry, ito lang muna yung update ngayon. Wala ako sa mood magsulat eh kaya pagpasensyahan niyo na.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...