13- His Feelings

868 35 2
                                    

Ruru's POV

Pagkatapos sabihin sa amin ni Kylie ang plano niya ay pumunta na kami agad kina Rocco, Sanya at Joshua para hindi sila magtaka. Tsk...eto kasing fake wifey ko ay may pa date-date pang nalalaman. Alam ko namang gusto niyang gumanti dahil si-net kami nina Sanya sa isang blind dance. At pustahan tayo, nagustuhan niya 'yon. Bakit pa kasi nagpapa hard to get to eh? Sa palagay ko naman ay gustong gusto niya yung sayaw at dahil nakachansing pa siya sa akin. XD

"Bakit ang tagal niyo? Sa'n kayo galing?" Seryosong tanong samin ni Sanya pagdating namin sa mesa na inuupuan nila.

"Bes naman! Yung beauty mo! Sige tatanda ka niyan!" Pananakot ni Julia kay Sanya.

"Wag kang mag-alala Sans...may pinuntahan lang kami." Reply ko dito dahil baka ano ano pa ang sasabihin.

Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok na kami sa loob ng canteen para mag order ng pagkain nakita ko si Arra na kumakain rin sa loob. Agad ko namang hinawakan ang kamay ni Kylie para umakting nanaman kami na mag boyfriend at girlfriend.

"Ohmygash si fafa Ru nandito!"

"Papa Ru! Notice me please!"

"Ang gwapo niya talaga!

"Papa Ru! I love you to the moon and back!"

"Wag nga kayong mga ulol diyan! Pa'no ka niyan maririnig eh may kausap na babae."

"Hindi naman siya maganda."

"Mas maganda pa nga ako diyan."

"Basta I love you fafa Ru."

Naririnig ko nalang na mga sigawan ng babae dito sa loob ng canteen. Pero si Kylie ay tinititigan parin ako na parang naghihintay ng sagot mula sa'kin kung bakit ko hinawakan ang kanyang kamay.

"Easy Ky! Diyan yung mga fangirls ko eh! Malamang." Sagot ko sa kanya at tango nalang ang sagot niya. Waww namang babae to.

Maraming nakapila kasi dito kaya siguradong matatagalan kami. Nakita ko namang papalapit sa'min sina Arra at mga kaibigan niya kaya mas hinigpitan ko pa ang paghawak ng kamay ko sa kamay ni Nicole. Nag-iinterwine ito.

"Hi Zeke!" Narinig kong bati sa akin ng kararating na si Arra.

"Oh Hi!" Walang gana kong bati sa kanya pero hinawakan niya talaga ang kamay ko. Yung kabila kong kamay. (Holding hands)

Nakita naman iyon ni Kylie at agad niya akong nilapitan at kinuha ang kamay ni Arra na nakahawak sa'kin.

"Don't you dare touch my hubby! Wala kang karapatan!" Mala supladang asta nito kay Arra. Uy first time kong nakita siyang ganun.

"Wow hubby? At umasa ka naman? Gumising ka sa katotohanan na walang kayo!" Matigas na sagot nito kay Kylie. Agad ko namang pinigilan sila dahil alam ko na kung hindi ito matigil ay mauuwi na naman sa away.

"Ru ano ba! Bitawan mo nga ako! Mukhang hinahamon ako ng walang hiyang babaeng to eh! Pambihira naman kasi ang mga linta. Kapit lang ng kapit. At isa pa girl, wait lang ha! Nakalimutan mo na siguro eh. Para ipaalala ko sa'yo, pinaglaruan ka lang niya pala noh? Ilang weeks lang nga kayo? 1 and a half? Mahiya ka naman sa'kin oy! Kung pinapaasa niya ako, hindi naman ako tanga para hindi malaman 'yon. At kung pinapaasa niya ako, bakit naman kaya kami tumagal ng 3 weeks and 4 days...huh? At sa pagka alam ko, 3 weeks lang ang mahabang karelasyon nito. Mukhang ang dali lang ng panahon noh? Hanggang ngayon kasi sariwa at naaalala ko pa ang mga araw na nagkakarandapa siya sakin para sagutin ko siya!" Maangas niyang sagot kay Arra at umalis na. Anu? Nagkandadarapa ako sa kanya para sagutin niya lang ako? No way! In her dreams. Sumama naman sa kanya ang nakatangang si Julia papunta sa mesa na inuupuan nina Sanya.

Wow? Grabi siya ah. Ako? Nagkakarandapa sa kanya? Tsk! Ang lupet talaga ng babaeng 'yon. Nagawa pang gawan ako ng storya.

Agad naman akong umalis sa harap ni Arra at pumunta kina Kylie.

"Bes kalma! Ang beauty mo!" Narinig kong pagpapakalma ni Sanya kay Kylie.

"Eh kasi yung babaeng 'yon eh! Nakuuuu! Nanggigigil ako sa kanya!" Inis na sagot naman nito sa mga kaibigan.

"Buti nga lang ay na-order ko na ang pagkain natin. Naku kung hindi ay matatagalan tayo nito...ang haba kaya ng pila." Sagot naman ni Julia.

"By the way Rocs may sasabihin nga pala kami sa'yo mamaya." Singit ko sa kanila.

"Parte saan?" Sagot niya sa'kin.

"Basta!" Tipid kong sagot.

"Mauna nalang kami mamaya nina Sanya at Joshua huh! May gagawin pa kasi kami eh!" Singit naman ni Julia.

"Huh? Wala naman tayong assignment o ano ah? At wala naman tayong gagawin sa classroom. Ang boring kaya do'n." Reklamo ni Joshua.

"Oo nga Jul...mamaya na!" Sagot ni Sanya.

"Diba may gagawin pa tayong project Josh?" Tanong naman ni Julia kay Joshua at pinandilatan ng mata. Alam ko na naiintindihan niya ang plano ko.

"Ah oo! Sige bye. Halika na San!" Pagyaya nito kay Sanya at inakbayan.

"Hoy! 'Wag kang magpapoints sa bestfriend ko huh! May Rocco na 'yan!" Pagsuway ni Julia kay Joshua.

"Oyyyy! May nagseselos!" Patawa tawang sabi naman ni Kylie at umalis na sila.

"Bakit ano ba ang gusto niyong sabihin?" Tanong naman agad ni Rocco.

"Sagutin mo muna tanong namin!" Sabat ni Kylie.

"Ge!" Tipid niyang sagot.

"May feelings ka kay Sanya o wala?" Diretsong sagot ni Kylie at lumaki naman bigla ang mga mata ni Rocco.

"Anong klaseng tanong 'iyan?" Natatawang sagot nito.

"Tsk...sagutin mo nalang." Sagot ni Kylie na parang naiinis na.

"Ayaw ko nga! Ano ka siniswerte?" Sagot naman nito.

Agad namang lumapit si Kylie kay Rocco at nilapit ang mukha kay Rocco. Habang ako ay tulala lang na nakikinig sa kanila.

"Ah ayaw mo?" Tanong ni Kylie ulit.

"Hoy! Nahihibang ka ba talaga Ky? Itigil mo nga yan!" Suway ko. Tsk! Ang lagkit na kasi ng tinginan eh! Parang maghahalikan na eh

"Sagutin mo na kasi Rocs!" Sabi ko kay Rocco.

"Sige na! Oo na! Meron." Sagot ni Rocco!

"O to the M and G! OMG totoo ba? Siguradong matutuwa nito si Sanya." Sagot agad ni Kylie na kinikilig pa. "At siguradong magugustuhan mo ang surprise namin sa'yo at kay Sanya." Dagdag niya.

"Bakit ano ba 'yon?" Tanong ulit ni Rocco. "At please Ky, 'wag mo munang sabihin kay Sanya na may feelings ako sa kaya huh." Pakiusap ni Rocco sa kanya.

"Ah sige! Nagpaplano kasi kami na eh set kayo sa isang date ngayong students week. Tapos pili ka ng kanta na gusto mong ikanta para sa kanya. Ok ba 'yon?" Sagot ni Kylie kay Rocco.

"Kaso nahihiya ako sa kanya." Sagot ni Rocco.

"Tsk. 'Wag kasing torpe. Ayaw niya 'yon. Tapos kaming bahala. Basta ikaw 'yong kakanta sa kanya." Sagot niya kay Rocco. "Diba hubby?" Tanong niya sa'kin na nakangiti. Wew bakit ako dinadamay ng babaeng to?

..................
To be continue...

Sorry guys kung hindi ako nakapag-update kagabi. Nagloloko ang internet eh. Up next na talaga ang RocSan moment. Wala pa kasi ngayong pumapasok na topic sa utak ko eh lol XD

Don't forget to vote and comment! Labyah! >3

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon