45- Aatend or No?

497 24 1
                                    

( AN: fastforward ko muna to guys :D )

Kylie's POV

Recess na ngayon at tatlo lang kami ng mga bruha kong kaibigan umuupo dito sa bench. Study first daw kasi ang mga boys dahil mauuna silang kumuha ng periodic kesa sa girls. Ganun rules sa school namin eh XD either girls ang mauuna kumuha ng test or boys.

Kumakain kami habang kinikwentuhan kami ni Sanya sa mga sweet moments nila ni Rocco. Siyempre, si Rocco ba naman ang palaging bukang bibig. Inlab na inlab kasi ang bruha XD. Ng natapos na siyang magkwento ay paramg timang na nakasmile dahil kinikilig ng mag-umpisa ng magkwento naman si Julia.

"Mga bruha may ikikwento ako sa inyo." Panimula nito at bruha pa talaga ang tinawag samin -_-

"Lakas maka bruha ah?" Natatawa kong sambit sa kanya.

"Edi mga witch." Sambit naman nito pabalik sa akin. Ay ganon XD "Mga witch may ikikwento ako sa inyo." Sambit pa ng bruha.

"Sige na, kwento mo na." Parang excited na sambit naman ni Sanya.

"Kagabi kasi, may nagchachat sakin habang nanonood ako ng meteor garden. Parang stalker ko siya hihihi." Sambit niya na may kakaibang ngiti sa labi.

"Basta samin lang si Darren." Sabay na sambit namin ni Sanya.

"Oo na, sainyo na, pakinggan niyo muna kasi ako." Sambit ko sa mga ito.

"Sige na, continue mo na." Sambit ko naman dito.

"Yun na nga, kagabi kasi habang nanonood ako ng meteor garden ay may chat ng chat sakin. Una di ko siya pinapansin pero ang kulit eh. Tuwing nagchachat siya ay nagpo-pause pinapanood ko."

"Tapos?" Neexcite na sambit naman ng bruha kong kaibigan na si Sanya.

"Tapos nireplyan ko siya. At ang raming mga tinanong bes. Kung may type daw ako at kung type ko si Joshua. Ang FC niya. Tapos kakareply ko palang may reply siya kaagad sakin. Wah parang stalker ko talaga." Sambit pa nito. "Nung una sinusupladahan ko siya pero shocks mga witch...eng sweet ng keye me." Loka lokang sambit niya habang nakangiting kinikilig.

Wala na talaga ako masabi...loka loka na talaga to.

"Anong pangalan niya?" Na-eexcite na tanong naman ni Sanya. Ay parang type pa ng bruha.

"Justine Caballero yung pangalan niya sa FB eh. Malay ko nga bakit ko naging friend yon pero...Ms. Beautiful tawag niya sakin. Enebee!" Sambit pa ni Julia at nilagay ang buhok sa tainga at nagpalabas ng dimple. Hays napakaloka loka talaga nito kapag kinikilig. XD

"Anong sinabi niya pa sayoooo?" Tanong pa ni Sanya.

"Yon, inend niya kaagad conversation namin dahil malalim na daw ang gabi at kailangan ko ng matulog dahil baka lumaki eyebugs ko...pero ito pa, may pa flowers for you pa siyang nalalaman sakin. At may goodnight with heart emoticons pa." Kinikilig na salaysay nito. "Tapos sinabihan niya pa ko ng napakaganda ko raw at napakacute. Diba? Isn't amazing?" Salaysay niya pa sa mga nangyari sa kanila ng Justine na yan kagabi.

"Baka si Joshua yan?" Biglang sambit ko naman dahil kanina pa ko napapaisip na baka si Joshua talaga ang kachat niya.

"Pareho lang silang torpe ni Joshua pero imposible na siya talaga yon.

Nasa ganoong moment kami ng dumaan sina Arra sa harap namin. At nakaflip hair pa ang mga demonyita. Pero ngayon kasama na nila ang unang ex ni Ruru...si Gabbi. At ang tatlong alagad nila na sina Blossom, Bubbles at Buttercup.

"Uy nakahanap na ng grupo ang panget na ex ng boyfriend mo Ky ah." Sambit naman ni Julia sakin na nakatingin kay Gabbi.

"Haler? Dalawa kaya diyan ang ex ni Ezekiel, Jul." Sambit naman ni Sanya kay Julia na may pa tono pa.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon