19-Operation: Selosan

844 41 8
                                    

Kylie's POV

Pagkatapos ng klase, pumunta muna kami sa 7/11 malapit dito sa school namin.

"Guys? Sinong maghahatid sa inyo?" Tanong ni Sanya sa'min.

"Papahatid nalang ako kay Ruru. Ikaw Jul?" Tanong ko naman pabalik sa kanila.

"Mag-cocomute muna kami ni Sanya. 'Di kasi namin dinala ang kotse namin eh." Sagot naman ni Julia.

"Sandali texan ko muna si Ruru." Sambit ko sa kanila.

To: My fake boyfie❤
        09090909090

Mister kong fake? Ihatid mo ko sa bahay please! Dito ko sa 7/11 hintayin kita dito. 😊

SMS 4:32 pm (sent)

"Mamaya nalang kayo umalis girls please! Samahan niyo muna ako dito." Pakiusap ko sa kanila.

"Ok fine. Matitiis ka ba namin?" Sabay nilang sagot sakin.

Wow! Kailangan talaga sabay? Pinagpractisan ba nila to?

"Yey! Ang ganda niyo talaga." Pambobola ko XD

1 message receive...

"Oh wait lang. Nag text na siya." Sambit ko ulit.

From: My fake boyfie❤
              09090909090

Comute ka nalang muna. Busy ako.

SMS 4:39 pm


"Bwisit. Mag comute nalang daw ako. Naku! Kumukulo dugo ko sa lalaking 'yon ah." Inis kong sabi sa kanila.

"Eh kukulo at kukulo talaga ang dugo ko kapag nakita mo 'yon oh." Sagot naman nina Sanya at Julia sa'kin at may tinuro.

Agad ko namang sinundan kung ano ang tinuturo nila at laking gulat ko na may halong inis.

Syempre nakita ko lang naman ang magaling kong fake boyfriend na may kasamang ibang babae. Bwisit!

"Lintik na lalaki yon ah. Lagot siya sakin. Nilabag niya ang 3rd rule ko." Inis kong sambit ulit sa kanila.

"Wow may pa 3rd rule pa ang ate niyo." Natatawang sambit ni Sanya.

"Ano ba yung 3rd rule mong yan?" Tanong naman ni Julia. Tsk! Buti pa siya seryoso.

"Simple lang naman. Rule #3: Kahit na nagpri- pretend lang kami, gusto ko ako lang at wala ng iba. At kung mambabae siya, iihawin ko siya na parang lechon." Sambit ko na may mapagplanong ngiti.

"Hala! Hanep ang girlalou niyo. May pa ihaw ihaw pa eh." Sambit ulit ni Sanya.

"Tsk! Seryoso ako ngayon ha!" Seryoso kong sagot kay Sanya. Nanggigigil talaga ako eh.

"Baka naman girl pinapaselos ka lang niya. Kung pinapaselos kalang niya, paselosin mo rin siya. Kung sa iba yung tinatawag na its your turn to play back." Sambit naman ni Sanya sa'kin.

"Oo nga girl. Total, popular ka naman dito sa school. Group kaya natin ang GTRENDS at isa pa, kilalang dyosa ka dito, so maraming pagseselosan ang Mr. Walang Modo mo." Sagot naman ni Julia.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon