Rocco's POV
"I miss her. So much. Isang araw na na hindi ko siya nakikita o nakaka-usap. Di ako sanay ng ganito." Malungkot na turan ng katabi ko. Its Ezekiel. Nag-eemote nanaman siya ngayon. Ts napakapabebe talaga ng lalaking to.
"O yan, kunin mo." Sambit ko sabay abot sa kanya ng perfume spray at stuff toy na teddy bear. Kanina pa to sa tabi ko. Ngayon ko lang naalala na ibigay sa kanya.
Dito kami ngayon sa bahay nila. Wala daw siya kasing kasama at gusto niya ring uminom daw so, pumayag nalang ako dahil mag-aalas dyes palang naman sa gabi. Pero sa bahay nalang daw nila para walang problema dahil baka maulit nanaman ang mga kaganapan kagabi kung sa bar pa kami iinom.
"Ano namang gagawin ko dito?" Tanong nito. Medyo lasing na ito dahil masyadong nakakarami na rin ng inom.
"Inumin at kainin mo kung gusto mo." Sarkastiko kung sagot sa kanya. Kita niya naman sigurong spray at stuff toy yon. Tsk.
"Tarantado ka bro." Sagot pa nito na parang naiinis na. Haha pikon. Sarap pikonin ni Madrid kung may problema.
"Hehe joke lang. Hiniram yan nina Julia at Sanya kay Kylie 'yang teddy bear at hiningi naman nila ang perfume." Sagot ko. Mukhang hindi naman alam nito kung ano ang gagawin niya.
"Alam naming di mo alam kung bakit binigay namin ang mga yan sayo." Sambit ni Joshua kay Ruru. Sumama rin siyang mag-inuman dito kahit good boy ito. "Yung teddy bear galing yan sa collection ni Kylie. While ang spray is her perfume. Yan ang perfume na palagi niyang ginagamit. Diba sabi mo nababanguhan ka at gustong gusto mo ang scent na yan? So lagyan mo nalang ng perfume ang teddy bear para kahit scent niya manlang ay hindi mo masyadong ma-miss. Tapos yakapin mo kung namimiss mo siya ng sobra para kunyari si Kylie ang kayakap mo." Dagdag pa nito. Yeah. Hiniram nina Julia at Sanya ang pinakamalaking teddy bear ni Kylie pero hindi nila sinabi na kay Ezekiel nila ibibigay. While yung perfume ay hiningi rin nila para ibigay kay Madrid.
"Para naman akong tanga nito?" Naiiling at natatawa niyang sagot. Tsk ang arte ah? -_- "Pero salamat talaga. Kahit sa ganito lang ay masaya na ako. Miss na miss ko na talaga siya." Malungkot nanamang sambit nito tsaka uminom ng beer.
Nagkwentuhan at nagkwentuhan pa kami para mapalipas manlang ang mga nararamdaman niya. Tinuruan ko rin siya kung anong mga steps ang gagawin niya kung sakaling magkita na sila ni Kylie. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Hindi na siya ang Ezekiel dati na walang pake-alam sa mga babae dahil laruan lang ang turing sa mga ito. Siya na ngayon ang umiiyak sa babae. Si Kylie talaga ang nagpabago dito.
________________________
KINABUKASANKylie's POV
Hello world! Its a sunny Sunday morning kaya naligo na ako para makapagsimba na. Nakakapanibago lang ngayon dahil wala akong kasama. Palagi kasi akong nagsisimba na kasama si Ezekiel---ohh gosh! Nevermind nalang nga ang lalaking yon. Ayoko nanamang umiyak ngayon. Ang aga aga pa, ayaw kung mag inarte.
Agad ko ng tinungo ang banyo at naghilamos muna ng mukha. Pagtingin ko sa salamin ay nagulat ako sa itsura ng mga mata ko.
Namumugto ang mga ito bunga ng sobrang pag-iyak ko kagabi. Binalewala ko nalang ito at mabilis na akong naligo at nagbihis at pagkatapos ay nagpaalam na ko kina Mommy at Daddy para umalis na.
________________
Pagpasok ko sa simbahan ay agad akong nag sign of the cross at umupo sa bakantemg upuan sa medyo unahan. Dito rin kami palaging umuupo ni Ezekiel noong magkasama kaming nagsisimba.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagho-homily na ang pari kaya naupo na kami.
"Miss? May naka-upo ba dito?" Tanong ng lalaki saakin na masyadong paos ang boses pero medyo pamilyar ito. Napailing ako na hindi man lang nakatingin sa kanya. Hinahanap ko kasi yong panyo ko sa bag. Baka naiwan nanaman sa bahay eh.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...