Joshua's POV
Hinihintay nalang namin ang mga girls ng naalala ko ang panaginip ko kagabi...hindi lang basta panaginip, kundi isang napakaganda at memorable dream.
Ang panaginip na kumumpleto sa gabi ko.
Napangiti nalang ako ng malapad ng tumatak sakin ang mga nangyari sa panaginip ko…at dahil kasama ko pa si Julia sa magandang panaginip na iyon.
Kung paano ako umamin sa kanya ng mapagbiro kong nararamdaman na'to kahit sa panaginip lang. Atleast sa panaginip kong yon di ako torpe na umamin sa kanya :-( Hayy! Sana maulit 'yon.
"Uyy pare? Tulala kanaman ah?" Nagtatakang tanong sakin ni Ruru at tsaka bumalik ang atensyon ko sa tanong niya.
"Tulala saking mata. Magtapat ng nadarama." Pagkanta pa ni Rocco. Hays kahit kailan talaga loko loko to. Kinantahan ba naman ako -_- feeling manghaharana?
"Tulala saking mata bro? Akala ko tumingin yon?" Patawa tawa namang tanong ni Ruru kay Rocco. Yes, tumpak ka diyan Ru. Ts, ito kasing lalaaking to kakanta na nga lang mali mali pa. -.-
"Oo nga. Iniba ko lang…new version ko eh." Sagot niya naman na tumatawa pa at itinuon naman nila ang atensyon sa akin.
"Oo nga pala, bakit ka natutulala bro?" Tanong ni Ruru sakin. Tss may iniisip lang eh. Ang mga chismoso naman neto. -_-
"Hindi, may pumasok lang sa isipan ko." Sagot ko naman sa nagtatakang mga kaibigan ko. Panigurado, interview nanaman to.
"Ahem ahem!" Pag ubo ubo pa ni Rocco. "Di kaya si Julia ang pumasok diyan sa isipan mo bro?" Tanong niya naman. Mind reader ba to? Bakit niya nalaman? -_-
"Oo, hindi…parang ganun na nga siguro." Paiba iba kong mga sagot. Ano ba tong mga tanong nila? Parang umiintriga talaga eh. -_-
"Luma-love life na kaibigan namin ah?" Nakangiting sabi naman sakin ni Ruru. Nagbibinata na eh XD
"Three lovers na tayo dito eh." Sabi naman ni Rocco na nakangiti na parang napa-proud pa.
"Mahal mo na ba?" Tanong ni Ezekiel sakin. Hays dito nanaman kami sa mahal mahal na yan eh. Alam naman nilang kapag pag ibig ang pag uusapan ay talo ako eh T__T
"Siguro…parang nga." Sagot ko naman na paiba iba parin.
"Hep hep. Ang totoong nagmamahal hindi pa iba iba ng sagot. Dahil ang nagmamahal alam niya ang bawat isasagot niya tungkol sa babaeng mahal niya." Sambit naman ni Rocco.
"Nag coconect ba yan Rocs? San mo nakuha yan?" Natatawang tanong ni Ruru kay Rocco. Oo nga, nababaliw na ba to? Kahit saan nakapulot ng isasagot eh.
"Sa utak ko lang." Tipid na sagot niya. Woah talino naman XD
"Pero balik tayo bro ah. Mahal mo na ba?" Tanong ulit sakin ni Ruru. "Pero dapat ngayon ang tipong sigurado na ah?" Dagdag niya pa.
Hays mahal ko na ba siya talaga? Utak please wag ka munang magpatalo kay puso T__T baka umasa lang ako eh…ako naman ang kawawa huhu.
"Oo" Nasagot ko bigla. What the? Anong nasabi ko? Ano nanamang ginawa ng puso ko T__T
"Ayan tayo bro eh!" Nakangiting sagot naman ng dalawa sakin.
Patay! Panu na to? Sasabihin ko na ba? Pero baka aasa lang ako. Alam niyo naman ang babaeng yon. Sa kutis palang habulin na ng mga lalaki eh. Baka may boyfriend na pala siya di lang nagsasabi. Pero baka wala naman? Tapos may chance pako? Hay buhay! Bahala na.
"Bro tulungan niyo ko. Anong gagawin ko?" Nakapout kong sagot sa kanila. Dahil kong ako lang? Wala kayong maaasahan sa Joshuang to eh. Isa lang naman kasi tong hamak na torpe. Eh ano pa bang magagawa ko? T__T
"Bro, easy lang yan. Aminin mo sa kanya. Dahil baka kung pinatagal mo pa, baka maunahan ka pa." Advice naman ng lover boy na si Ruru. Oo nga no? Sasabihin ko na lang kaya? Pero nakakabakla ang mga ngiti niya eh! Yan tuloy sasabihin na sana baka hindi pa matuloy :(
"Eh naduduwag nga ako eh. Pano kung di niya pala ako gusto?" Tanong ko naman sa kanya. Hays wala eh. Sadyang duwag ako pagdating sa pag ibig.
"Edi kung hindi…hindi. Di naman pinipilit ang pagmamahal eh. Tsaka kung ayaw niya, baka hindi lang siya ang right girl for you." Sambit naman ni Rocco. Ito na ba talaga ang impluwensya ng pagka-good boy slash lover boy nila? Mga mautak pagdating sa advice eh. >_<
"Oo nga pare. Basta try lang ng try." Sagot naman ni Ruru na tinapik pa ang balikat ko na laling nagpalakas ng loob sakin.
Ng bigla siyang dumating. Anak ng! Bakit tyempo talaga? T__T
"O ayan na pala siya eh" Magkasabay na sagot naman nina Ruru at Rocco. Pinagpraktisan lang, ganun?
*insert sweet song* (kung ano lang gusto niyo haha)
"Oh hi Juls!" Pagbati sa kanya ni Rocco. Puteks naman. Inunahan pa talaga ako? Sige ikaw nalang umamin! Joke haha -.-
"Oh hi? Nakarating na ba sina Kylie and Sanya?" Tanong niya naman. Hay! Ang ganda talaga ng boses niya. At parang mas gumanda siya ngayon. At ang mga ngiti niya! Hay, baka bukad bakla na ko neto eh. At ang malalim niyang dimple ay dumagdag pa. Ts lahat nalang pinuri ko sakanya eh. Pero wala eh, talagang perfect talaga ang soon to be girlfriend ko. Luh? Ang assumero ko. Akala ko babae lang ang palaging nag-aasume? Luh ang sama ko, peace! :D
"Ah wala pa naman, pero si Joshua may sasabihin sayo." Sabi naman sakanya ni Ruru. Langya! Mga kaibigan ko ba talaga to? Nanlalaglag eh T__T
Agad namann siyang napatingin sakin. Kaya mo yan Josh. Kailangan mo lang sabihin ang totoo, yun lang. Wag kasing magpakaduwag at magpakatorpe. Kaya mo yan!
"Hmm? Ano yun Josh?" Tanong sakin ni Julia at bahagyang lumapit sa kinauupuan ko. WTH? Anong gagawin ko? Juicecolored tulungan niyo po ako! Talagang di ko pa po kaya sangayon eh T__T
"Ah--eh…ano kasi...ahmm" Putol putol ko pang sabi. Gusto ko ng magwalk out pramis! Parang maiihi naku sa kaba dito eh. Dinagdagan pa ng mga maloloko at traydor kong mga pawis.
"Ano na yun?" Tanong niya naman ulit. Sa mukha niya parang natatawa siya na ewan eh. Tss, parang sa ganito palang nga natotorpe na ko eh.
"Ah, ano kase eh." Nasambit ko lamang atsaka nagkamot ng ulo. Hehe di ko talaga kaya. Sary!
"Lord, help me po! Bigyan niyo po ako ng chance kahit ngayon lang. Pramis magpapakabait pa po ako lalo!" Nasambit ko nalang sa gulong gulo kong utak. Hays! Sana may humarang naman ngayon please!
Ng ilang sandali pa ay sabay namang dumating ang kanina pa namin hinihintay. Sino pa nga ba? Edi sina Sanya at Kylie.
Lord thank you talaga! Ang bait niyo dumating agad ang savior at mga hero ko!
…………………
To be continue…Kailangan ni Joshua ng advice guys. Ano ba dapat niyang gawin?
A/N: sensya na guys yung hapon gumabi eh. Haha nanuod ako ng showtine sa youtube eh! Peace yow!
Please vote and comment! Mwah! Sana maka abot naman ako kahit 15 or 20 votes manlang para mabilis ang update! Haha ang assuming ko. Sige na nga, byeee! <3
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...