Ruru's POV
Naglalakad kami ngayon ni Kylie at walang kumikibo sa'ming dalawa. Siguro inis na inis talaga siya kanina kay Arra. Eh kung alam niya lang na si Arra ang pinakamasungit ang ugali dito sa school. Napangiti ako sa kanya. Bilib ako dahil hindi siya nagpatalo kanina. Ang ugaling 'yon ay isa sa mga gusto kong ugali ng ideal girl ko. Kailan ko ba siya makikita? Ang babaeng magmamahal sa'kin ng sobra at mamahalin ko rin ng wagas? Nag iisip ako ng mga sagot ng magsalita siya.
"Zeke 'di mo naman sinabi na ga'non ka suplada ang girlfriend mong urghhh!" Panimula niya at ramdam na ramdam ko ang inis niya dahil 'di niya man lang matapos tapos ang sasabihin.
"Na shock ako kanina Ms. Sungit ah! Ganon pala ugali mo?" Sagot ko sa kanya at ngumiti with matching dimples look.
"Eh kung suntokin kaya kita diyan para malaman mo ang totoong ugali ko?" Naiinis na sagot niya sa akin at iniwan ako dahil nagdali dali itong lumakad papunta sa canteen.
"Ang suplada naman ng Ms. Sungit kooo!" Pahabol kong sagot. Alam na alam ko 'yan eh. Gutom lang kasi 'yan kaya ganyan kung magsungit.
Pumunta ako sa canteen at naabutan kong nandoon na si Kylie na nakaupo at may patawa tawa pang nalalaman kay Sanya at Julia...pero sa'kin wagas kung magalit.
Lumapit ako sa kanya at hinila siya papasok sa canteen.
"Ano baa! Bitawan mo nga ako!" May pagkamataray na sagot niya.
"Ayaw mo ng libre ko?" Sagot ko sa kanya at nagpout.
"May pera ako dito noh."
"Ok kung ayaw mo 'di 'wag." Sagot ko sa kanya.
Wala akong sinabing ganyan Mr. Walang Modo. 'Likana libre mo na 'ko. Gusto ko ng carbonara, pineapple juice. 1 slice of pizza pepperoni flavor and a chocolate and straberry sundae. Bayaran mo yan ha. Libre mo. K thanks." Sagot niya at iniwan ako dahil bumalik ito sa kinauupuan nina Julia. Napangiti ako bigla dahil 'di ko inaasahan na ganito pala katakaw ang babaeng to.
"Bes una na kami ha." Rinig kong sabi ni Sanya kay Kylie.
"Aww. Iwan niyo ko?" Sagot ni Kylie.
"Si Julia kasi bes sasagot pa daw sa assignment sa Science eh." Sagot ni Sanya kay Kylie.
"Basta bes copy copy ha!" Sagot ni Kylie.
"Wag na sa'kin ka nalang copy Ms. Sungit may answer ako do'n." Sabi ko sa kanya.
"Pa copy-hin mo'ko ha." Sagot ko sa kanya at tumawa.
15 minutes later...
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang order namin. Beefsteak with rice, ice tea and french fries lang yung inorder ko para sa sarili ko...diet ako eh.
"Thank you Ezekiel!" Pasasalamat sa'kin ni Kylie pagdating ng mga pagkain na inorder niya. At dapat lang siya magpasalamat noh! Ang takaw niya kaya.
"Di ko alam na ang takaw mo pala Ms. Sungit"
"Anong matakaw? Regular meal ko lang to noh."
"Ah cge na. 'Wag ng maraming daldal."
Ilang minuto ang nagdaan ay nakita kong may pumasok sa canteen na isa sa mga fangirls ko.
"Diba si fafa Ru yun?" Rinig kong tanong ng babae sa kasama niya.
"Lapitan natin tara." Sagot naman ng kasama niya. Naku! Bakit ngayon pa? Eh nagugutom pa ko at gusto ko pang kumain. Tsk...wala talagang pwedeng gawin sa buhay nila kundi magpapicture sa'kin.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...