27-The Start of Courtship

823 35 4
                                    

Ruru's POV

Paggising ko sa umaga ay agad kong kinuha ang cellphone ko dahil magtetext lang naman ako sa babaeng mahal ko.

To: Masungit kong Wifey❤
09000000000

Hi wifey ko! Kamusta gabi mo kagabi? Gising ka na ba? Gising kana kung wala pa ah? Baka malate ka sa school. Huwag ng mag cp muna wifey baka malate ka at pagalitan ka nanaman ng teacher natin mamaya. Always remember na mahal na mahal kita at maghihintay ako hanggang sagutin mo ko. I love you masungit kong wifey! Mwaa ♡ See you mamaya.

SMS 6:17 am

Pagtext ko sa kanya ay agad ko ng nilagay ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet at kumuha ng towel para maligo na.

After 5 minutes...

Tapos na'kong maligo at agad kong chineck ang cp ko. Napalapad nalang ang ngiti ko sa nakita ko.

1 message receive...

Agad kong binuksan ito.

To: Masungit kong Wifey❤
09000000000

Oh goodmorning rin sa'yo hubby! Mukang napakapanibago noh? Hubby na at wifey ang tawagan natin. Pero ngayon totoo na to HAHAHAHA. Pero ligaw muna bago lambing ah. Ano ka chicks? HAHAHA sige na mukang susundin ko naman long message mo eh. Ang sweet naman ng Madrid na'to oh. Umagang kay ganda may message na agad sa magandang diwata nato. Sige ligo na ako. Byeee!

6:21 am

"Luh wala manlang I love you?" Sambit ko nalang sa sarili ko. Pero pagsisikapan ko yun noh? Sa ganda at bait pa naman niya? Nako mas lalong nakakainlove.

Agad na'kong nagbihis dahil dadaan pa ako sa flower shop.

After 15 minutes...

Nag dadrive nako ngayon at on the way narin papunta sa flower shop.

Pagtapos kong magbihis ay agad na kasi akong nagpaalam kina Mom and Dad na aalis na.

Hindi naman nagtagal ay agad na kong nakarating sa flower shop na palaging binibilhan ko ng bulaklak.

"Hi sir! What can we do for you?" Tanong ng nakangiting cashier sakin.

"Oh hi din! Oorder sana ako ng pink roses with sunflowers." Sambit ko din sa kanya at bahagdang ngumuti.

"Oh mukang bago to sir ah? Noon parang tulips pa ang palagi niyong binibili dito." Tanong naman ng cashier. Tss may pagka chesmosa din ito enoh? :-/

"Oh past na kasi yon eh. Ngayon present and future na'to." Sagot ko naman sa kanya at tumango lang ng nakangiti ito. Agad niya namang inutusan ang mga assistant niya na e-set na yung i-norder ko.

After 5 minutes ay natapos na rin ito. Salamat nga at hindi pa ko late dahil 7 palang naman at 10am pa yung klase namin.

Pagkuha ko ng bulaklak ay agad na kong sumakay sa kotse ko para mapaaga pa ako sa paaralan. Magpapaset nalang ako mamaya para sa surprise sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas...

Nakarating na'ko sa paaralan at tsakto naman at nandoon na rin ang mga loko kong mga kaibigan.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon