4-Ms. Sungit at Mr. Walang Modo

1.2K 51 14
                                    

Third Person's POV

Maaga pang dumating sa paaralan si Kylie dahil napag usapan na nila nina Julia at Sanya na pupunta pa sila sa salon. 7 AM ng umaga ay doon na siya sa kanilang palaging tinatambayan. Napag isip- isipan niyang mag instagram muna para hindi siya lalong ma bored.

Kylie's POV

Habang mine-message ko si Julia ay may isang lalaking tumabi saakin. Nagulat ako dahil hindi ko na malayan na sa likod na niya pala ako.

"Hi! Kamusta?" Masiglang bati niya sa akin. Feeling close siya sakin pero okay lang dahil mabait naman ako :)

"Ginulat mo pa talaga ako para lang sa tanong mo'ng iyan? Medyo naiinis kong sabi sa kanya. Nagulat rin kasi ako eh.

"Kinakamusta lang naman kita ah." Parang nagtatampong sabi niya sa akin at nagpout pa siya.

"Im okay. Ikaw?" Sagot ko sa kanya.

"Okay lang naman." Parang biglang sumaya ang mukha niya sa tanong ko sa kanya. "Im Alden... Alden Richards." Pagpapakilala niya sakin sabay kuha ng kamay ko para makipag shake hands sa kanya.

"Wow! Kinuha niya talaga yung kamay ko ha?" Natatawang sabi ko sa sarili ko.

"Im Ky--" Bigla siyang nagsalita kaya naputol ang sasabihin ko.

"Kylie Nicole Padilla or Kakai right?" Tanong niya sakin.

"Yeah! Pa'no mo nalaman?" Tanong ko sa kanya.

"Sino pa ba ang hindi maka-kilala sa dyosa dito sa school? Kilalang kilala ka dito with your group." Nakangiting sagot niya sa'kin.

"Ohh!" Tipid na sagot ko sa kanya. At kasunod naman nito ang pagdating ni Julia at kasama pa si Sanya.

"Bessssss!" Parang speaker na sigaw nina Sanya at Julia. Hays dinaig pa ang microphone.

"Oh hi!" Tipid ko'ng sagot sa kanila sabay ngiti.

"Sige, una na kami Alden huh. Nice to meet you." Sabi ko kay Alden sabay ngiti.

"Nice to meet you too." Sagot niya sakin sabay ngiti rin.

Julia's POV

Nang dumating kami sa KRU ay dumiretso kaagad kami sa 'tambayan place' namin. Tiyak na sisermonan naman kami ni Kakai nito. Hays! Alam niyo naman ang babaeng iyon... beast mode sa mga late. Ng dumating na kami sa tambayan ay nakita naming may kausap siyang lalaki. In fairness medyo gwapo rin naman.

"Juls sino iyon?" Turo ni Sanya sa lalaking kausap ni Kakai.

"Siguro Sans matagal ko ng kilala iyon noh? Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Cheeee!" Inis na sagot niya sakin na ikinatawa ko.

Pagdating namin sa table na naroon si Kakai ay tinawag namin agad siya.

"Bessssss!" Malakas na tawag namin ni Sanya sa kanya. Agad naman siyang tumayo at tinapos ang pag uusap nila ng lalaking iyon at agad siyang lumapit sa amin.

"Sa'n ba kong planeta ngayon?" Tanong ni Kakai sa amin.

"Bakit naman?" Naguguluhang tanong ni Sanya sa kanya.

"Eh makasigaw kayo wagas eh!" Sigaw niya samin. Ang babae na'to talaga.

"Bakit nga pala kayo late?" Seryosong tanong niya sa amin.

"Pasensya na girl. Nalate ako ng gising eh." Sagot ko sa kanya sabay peace sign.

"Hindi na pala matutuloy ang pagpunta natin sa salon." Sagot niya.

"Why?" Tanong sa kanya ni Sanya

"Eh ang aga-aga niyo kasing pumunta dito eh. 20 minutes nalang nalang next subject na oh. Halerr?" Sagot niya samin.

"Oh sige, para mawala ang pagiging beast mode mo bes, ililibre ko kayo mamaya sa salon. Sige ka pag tuloy tuloy ang pagiging beast mode mo papangit ka talaga niyan." Pamba-blockmail ko sa kanya. Hihi peace!

"OMG! Mas lalo kang gumanda ngayon Jul. Pumayat ka pa at sumexy. Diba libre mo mamaya?" Natatawang tanong niya sakin. Ay bruha talaga.

"Shhh. Matagal ko na ya'ng alam Kai! Chos!" Natatawang sagot ko sa kanila.

Kylie's POV

Papasok na kami ngayon sa classroom at salamat naman dahil may 10 minutes pa bago first subject namin sa umaga. Pagdating ko sa upuan ko ay nandoon na ang walang modo kong katabi. Agad kong nilagay ang bag ko sa tabi ko at kukuha na sana ako ng headset para makinig ng music ng may biglanng nagsalita.

"HOY" Tawag niya sakin pero hindi ako humarap. Bahala siya...may pangalan kaya ako kaya huwag niya akong matawag tawag na HOY.

"HOY! Tinatawag kita!" Pagtawag niya ulit sa'kin.

"My name is not HOY! Kaya huwag mo kong matawag tawag na HOY diyan ha...may pangalan ako! Likeduh?" Mala-supladang sagot ko sa kanya sabay irap at nag roll eyes pa.

"May sasabihin lang naman sana ako sa'iyo." Paawa effect niyang sabi sakin. Pero bagay sa kanya ha...parang mas lalo siyang naging cute. Nakuuu! Tumigil ka nga Kylie Nicole! Hindi siya cute!Tsk ang harot talaga ng utak mo.

"At ano naman iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Ang ganda mo!" Bigla akong nagulat sa sagot niya.

"Matagal ko ng alam iyan! Pero tigil tigilan mo 'ko ha! Hindi mo ko madadaan diyan!" Sagot ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman! Bagay saiyo ang nickname na Ms. Sungit. Natatawang sabi niya. At talagang bininyagan niya ako ah?

"Wow! Nahiya naman ako saiyo Mr. Walang Modo!" Sagot ko sa kanya. Salamat naman at mataba ang utak ko kaya nakaisip kaagad ako ng palayaw niya rin.

"Cool kaya ako" Sagot niya sa'kin.

"Cool mo mukha mo! NO WAY!" Seryosong sagot ko sa kanya.

"Cool" Sabi niya.

"Hindi!" Protesta ko.

"Cool" Sabi ulit niya.

"Hindi kaya" Sagot ko ulit sa kanya.

Dahil sa pag babangayan namin, hindi na namin na malayan na dumating na pala yung professor namin at do'n na kami tumigil sa pagbabangayan. Ito kasing lalaking to eh! Ayaw magpatalo. Hindi siya gentleman.

........................

To be continue...

Authors Note: Guys intindihin niyo nalang ang story ko kung may mga typos diyan. Sensya na...hindi kasi magaling author nyo at pasensya na rin kung boring 'tong chapter na 'to pero sana guys, suportahan niyo. Lablots. <3

Next Chapter: The Contract

Please Vote and Comment....

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon