12-Plan

820 32 7
                                    

Ruru's POV

Hindi ko na nararamdaman ang kaba na nararamdaman ko kanina. Pakiramdam ko ay kilalang kilala ko kung sino ang kasayaw ko. Bumilis ang pintig ng puso ko ng nagyakapan kami at mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa bewang niya. Pakiramdam ko ay gustong gusto ko ang babae ngayon. At kahit na blind dance lang to, nagpapasalamat na ako kina Rocco dahil nakasayaw ko ang babaeng nagpalakas ng pagpintig ng puso ko. Sino kaya siya? Napakapamilyar niya sa akin.

Baby, i'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you look a mess
I whisper underneath my breath
But you heard it, darling,
You look perfect tonight.

(Fastforward...)

Kylie's POV

Just say you wont let go
Just say you wont let go
Just say you wont let go...oh oh
Just say you wont let go...oh oh oh

Humiwalay na kami pagkatapos ng second song. May kumuha sa blindfold ko at nung una ay madilim pa ang paningin ko pero di nagtagal ay naaninag ko na ang lalaking kasayaw ko kanina na nakayuko at kumukusot pa ng mata.

Medyo blur palang yung paningin ko sa palagid pero naatinag ko siya. Matangkad siya...maputi, gwapo at higit sa lahat ay may maamong mukha.

Pagharap niya sa akin ay nakita ko kaagad siya at gulat na gulat ako. Pero parang mas nagulat siya sa kesa sa'kin.

"Nicole?"
"Ezekiel?" Sabay naming sigaw dahil sa gulat.

Napayuko nalang ako dahil sa hiya. Hindi ko inaakala na ang kasayaw at kayakap ko habang sumasayaw ay ang lalaking palaging nagpapainit ng ulo ko. Humanda ka talaga sakin Sanya ka! Talagang wala kang kawala!

Ruru's POV

Nagulat ako…nong una. Pero napangiti ako ng palihim dahil si Nicole ang kasayaw ko. Yung tipong ang gaan ng pakiramdam ko kanina. Yung sumusunod nalang ang galaw niyong dalawa sa lakas ng tibok ng puso niyo. 'Di ko inaasahan na siya 'yon.

"Oh Im sorry!" Sabi niya sakin at ramdam ko na hiyang hiya siya.

"Its ok. Its not you're fault...ano ka ba?" Pabalik kong sambit dito habang medyo natatawa.

"Pero sorry parin. Hindi ko talaga alam." Pag-ulit niya at tuluyan na kaming pinicturan ng camera at lumabas.

Paglabas namin ay lumantad sa'kin ang mga peste kong kaibigan na mala-tenga ang lapad ng ngiti.

"Kamusta sa loob pare?" Patawa tawang tanong sa'kin nina Joshua at Rocco.

"Kamustahin ko kaya mga mukha niyo kung masuntok ko na kayo?" Pabiro kong sagot sa kanila.

(On the other side...)

Kylie's POV

"Ano girl? Ano ang feeling?" Natatawang tanong sakin ni Sanya.

"Wala bang nangyari sa inyo sa lo--. Tanong ni Julia pero di niya na natapos dahil tinakpan ko ang bibig niya dahil sa likod lang namin sina Ruru.

"Kahit kailan ang dumi talaga ng utak mo Julia!" Sagot ko sa kanya.

"Tingggg! Tingggg! Tingggg!" (Bell rings.)

"Oyyy lunch time na bes. 'Likana dahil kanina pa'ko nagugutom." Mabilis na yaya sakin ni Sanya.

"Sige mauna na kayo. Yayain nyo na rin sina Josh at Rocco. Baka sasama rin sila." Sagot ko kay Sanya.

Aalis na sana sila ng pigilan ko si Julia.

"Waitt! Jul sandali lang may sasabihin ako sa'yo...importante lang." Pagpigil ko kay Julia na papaalis na sana.

"O sige mauna ka nalang Sans." Mabilis na sagot nito kay Sanya.

"Okay. Basta sunod kayo agad ha." Sagot ni Sanya at agad namang umalis na papunta kina Rocco para yayain kung sasama ang mga ito.

Pagpunta niya sa mga boys ay aalis na sana sila para mag lunch ng pigilan ko rin si Ruru.

"Mauna nalang kayo guys! May sasabihin lang ako kay Ruru." Pagpigil ko rin dito. Di ko na sinama si Joshua dahil baka mahalata kami ni Sanya.

"Pareee! Hinay hinay lang ha!" Paghabol at patawa tawang sigaw ni Rocco.

"Gong gong!" Sigaw pabalik ni Ezekiel na tumatawa.

Nagtipon na kaming tatlo para sabihin ko sa kanila ang plano ko.

"Bakit ano ba yan bes? Dalian mo dahil nagugutom na ako." Tanong ni Julia.

"Eto kasi 'yon. Gusto kong ichain sina Rocco at Sanya. Alam naman nating may gusto si Rocco kay Sanya diba? Gusto ko silang ichain. Pagkatapos dadalhin sa dating place dito sa school. Tapos sino sainyo ang may gitara?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot. Tsk ang damot ayaw magpahiram. -_-

"Ru nakita ko sa bahay niyo may gitara ka." Sambit ko kay Ruru at nagbaling ng tingin sa kanya.

"Ah? Nakita mo? Bakit ka pa nagtanong? Tsk." Sagot niya sa'kin. Aba! Loko to ah.

"Tsk...damot. Ayaw mo bang tulungan ang kaibigan mo na makapoints sa crush niya?" Tanong ko sa kanya at umoo naman ito.

"Tsk. Ok" Walang modo niyang sagot.

"Ok. Ako nalang ang bahala sa dating place. Kakausapin ko ang mga tao do'n para maghanda. Bibili rin ako ng 3 red roses para ibigay ni Rocco kay Sanya. At ano palang music ang kakantahin niya?" Tanong ni Julia.

"Tatanungin ko nalang si Rocco kung anong gusto niya. Ok ba yun?" Tanong ko sa kanila.

"Okay!" Sabay sabay naming sabi at nag clap hands kami dahil bukas pa namin gagawin ang date nila. For sure, matutuwa nito si Rocco. Ma-coconfess niya na ang pag-ibig niya kay Sanya. At alam kong matutuwa din si Sanya dahil alam kong crush na crush niya si Rocco. Hindi man ito nagsasabi pero halatang halata sa mga kilos nito na may pagtingin ito kay Rocco.

……………………
To be continue…

Sary for the short and slow update. Up next ay ang date ng RocSan.

Abangan…

XOXO >3

Dont forget to vote and comment.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon