51- Pain

587 29 21
                                    

Ruru's POV

"Malapad ang ngiti ah?" Tanong agad ng nakangiting si Rocco sakin. Nandito kami ngayon sa gym. Break time namin dahil kanina pa kami practice ng practice. Baka nga mawalan na ko ng boses neto sa kakapractice eh -_-

"Loko!" Natatawang sambit ko dito. Yung medyo pasigaw.

"Alam mo, pareho lang kayo ni Joshua. What's happening to the men nowadays?" Natatawang sambit pa nito.

"Eh kasi naman... Pinayagan ako ni Nicole!" Nakangiting sambit ko dito.

"Kami rin." Masiglang sambit naman ni Joshua.

"So ngayong gabi?" Tanong ko sa kanila at tumango agad ang mga ito.

__________________

Kylie's POV

Gabi na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Ewan ko ba pero parang ayokong matulog eh mag aalas-diyes na. Siguro namimiss ko lang si Ezekiel... Ay ang OA ko, kanina lang kami nagkita eh. Parang di kasi ako mapalagay sa party na sinasabi niya.

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at kinuha agad ang cellphone ko sa study table malapit sa kama ko. Inopen ko ito at tinawagan agad si Ruru. Agad niya naman itong sinagot.

"Yes baby?" Ani nito pagsagot niya ng tawag.

"Sa hotel ka na?" Tanong ko naman dito. Ayan parang mas na miss ko pa siya lalo.

"Yes, why?" Turan pa neto sa pinakamalambing niyang boses.

"Nope. Just enjoy the party, okay? I love you!" Sambit ko dito habang nakangiti. Luh pereng tenge eke.

"I love you more baby."

"I love you most. Sige na, end ko na ha? Enjoy and ingat. Tawagan mo ko kapag nakauwi ka na, okay?" Ani ko habang suot parin ang mga malalapad kong ngiti. Kinikilig ako whyyyy.

"Copy lahat. I love you most. Bye!" Pagtapos niyang magsalita ay agad ko ng binaba ang tawag. Feeling ko kasi parang kinikiliti ako sa tiyan lol. Luh baka may bulate ako? Noooooo way! XD

Sunod ko namang tinawagan ay sina Julia at Sanya. Group videocall kaming tatlo para masaya. Gusto ko kasing maglibang ngayon kaya to lang ang naisip ko lol.

"Sup, guys?" Sambit ko pagkasagot nila ng tawag.

"Watsupp?" Ani Julia sakin.

"Bored ako dito sa bahay." Sambit naman ni Sanya.

"Any plan?" Tanong ko sa kanila dahil nabobored na rin ako at di rin makatulog.

"Pano kung mag bar kaya tayo? Hindi na tayo nakakapagparty ng tatlo lang tayo eh." Sambit naman ni Julia na tinanguhan naman naming dalawa ni Sanya.

AT THE BAR...

Dito kami ngayon sa Amigos Bar. As usual, dito lang naman kami umiinom.

"Kamusta na pala kayo ni Joshua?" Tanong naman ni Sanya kay Julia na may nakakalokong ngiti.

"Ok lang naman." Sagot niya ng nakangiti. Ay sus! Pavivi XD

"Eh ano naman ang endearment niyo? Ikaw ah, di mo chini-chismis sa amin." Sambit ko naman dito habang nakangiti ng nakakaloko.

"Yon nga eh. Wala pa kong naiisip. Ano bang maganda?" Tanong nito.

"Ahmm... Honey?... Ah alam ko na. Honey Pancake Salad nalang." Sambit nito na animo'y ang sinabi niya ay ang pinakamagandang endearment sa balat ng lupa.

"Siraa. Pero may naisip ako Juls. Pero parang ang corny." Sambit ko sa kanila sabay inom nitong juice na inorder namin. Juice lang binili namin dahil mga mabait kami.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon