32-Gabbi is Back

790 32 3
                                    

(After 2 weeks)

Kylie's POV

Since na kilala naman nina Mommy and Daddy si Ruru simula pa nong una ay palagi niya na akong hinahatid sa bahay at sinusundo. Ayaw niya daw kasing mapagod ako at ayaw niya ring gabihin ako sa daan kaya palagi niya akong hinahatid.

Ganon parin siya na sweet na sweet at palaging nagpapa-cute sa akin kung may problema ako.

Palagi ko ngang naiisip, hindi pala ako ang maswerte sakanya kundi siya ang maswerte sa akin.

From: Hubby kong gwapo♡
09090909090

Good morning wifey kong sobrang ganda! Gising na baka malate ka naman mamaya at magdamagan naman akong maghihintay sayo. Hihi syempre joke yun hindi ako napapagod pagdating sayo. Haha. Sunduin kita mamaya wifey ah? Pakisabi nalang kay tita Liezel na ang Cappuccino ko wag niyang kalimutan. Haha joke lang. Sige na bye. Iloveyoutoo <3

SMS 6:00

Yan nanaman siya sa Iloveyoutoo niya. Haha sabi niya daw kasi Iloveyoutoo nalang ang palagi niyang sasabihin sakin dahil alam niya naman daw na mahal ko siya kaya Iloveyoutoo. Ang cheesy niya diba? Haha

To: Hubby kong gwapo<3
09090909090

Goodmorning naman sayo hubby kong panget! Wag kang mag alala gising na ko. Haha bakit si mama ang gustong mong maghanda ng cappuccino mo? Di mo ba gustong ako? :( Sige na, kita nalang tayo mamaya. At sige na Iloveyou na.

SMS Sent 6:02am

Reply ko sa kanya. Hays siguro vibes vibes na nga sila non ni Mama dahil palagi siyang ginagawan ng cappuccino. Ito kasing boyfriend ko parang siya pa ang anak sa closeness nila ni Mama. Minsan mga na a-out of place na ko sa kanila.

Agad naman akong nagbihis na ng uniform ko dahil sabi ni Mam Ocampo ay 8am daw ngayon magsisimula ang klase dahil may bagong transferee at iwe-welcome daw namin siya. May pa "be friendly and nice to her" pa nga siyang nalalaman eh. At yon nga, babae yung transferee...sana panget XD

Pagkatapos kong magbihis ay agad na kong bumaba para kumain ng agahan.

"Good Morning baby girl! How's your morning?" Salubong na tanong sakin ni Mama habang umiinom ng tea at nagbabasa ng dyaryo.

"As sweet as sugar Ma!" Sagot ko pabalik sa kanya habang nakangiti ng matamis.

"Naku baka langgamin yung tea ko ah!" Sambit niya naman sakin. "At yung agahan mo pala andyan na sa mesa, nakahanda na, nakaset pa, Kasabay ng gatas mo at cappuccino ng sweet mong Ezekiel." Sagot pa ni Mama habang nakatingin sa dyaryo niya.

Agad naman akong nagtungo sa mesa para makakain na at umalis agad...pero bago yon, may naisipan na naman akong kalokohan.

"Pano kaya kung inuman ko kahit konti lang yung kape niya? Di niya naman siguro malalaman yon. Haha di pa kasi ako nakainom ng kape, para ma try ko naman." Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakangiti na parang baliw sa kalsada.

Kumain muna ako ng mabilis bago inuman ng konti ang kape niya. Minabilis ko lang dahil mahirap na...baka mahuli ako hehe.

(Few minutes later...)

Kasalukuyang nag-totooth brush na ko ng may biglang dumating na gwapong bisita. Charot! Bigla namang dumating si Ruru at nag-kiss agad kay Mama.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon