2 - Dare

1.4K 59 6
                                    

Kylie's POV

Alas dose na sa tanghali ng matapos mag discuss ang tatlo naming mga professors. Lunch time na kaya nagsilabasan na ang mga classmates ko except sa tatlong umuupo pa dito sa tabi namin at parang walang ganang lumabas. Hindi pa ba sila nagugutom? Alas dose na kaya. Pagkatapos madugo pa ang tatlo naming subjects ngayon. Science, History and Math. Diba ang saya? Enjoy na enjoy nga kami eh. Ops, with sarcastic tone yan ah!

"Lunch na tayo girls?" Pagyaya ni Julia sa amin. Pagkain nanaman ang hanap neto. Pero syempre hindi mawawala sa'min ang pagkain eh. Kung sa ibang girls diet ng diet, sa amin hindi uso ang pagda-diet. Ang panget kaya tignan ng mga babaeng parang skeleton ang katawan. At di naman kami tumataba kahit marami ang kainin namin kaya ayos lang kung lumamon kami ng isang baldeng pagkain. Tapos proper exercise naman kami palagi at sabay sabay naman kaming nag gy-gym.

Lumapit sa akin si Sanya at bumulong pa ang loka.

"Bes wala ba silang planong lumabas at kumain? Sayang parang walang mga pakialam sa world ang tatlong yan...ang po-pogi pa naman nila sana. Kaso mukhang walang mga plano sa life eh." Bulong sa akin ni Sanya. Hays basta gwapo talaga ang bilis neto. Huwag niyang sabihin na type niya ang tatlong lalaking to? Pero gwapo naman talaga ang tatlong to eh. Pero grabi naman siya kung tatlo talagang to ang papatulan niya. Pwede bang isa lang? Sa akin naman yung isa nyahahaha. Basta hindi lang ang isang walang modong yon tsk. Masakit sa bangs kapag nakikita ko yon eh.

"Pabayaan mo sila." Naiirita kong sagot sa kanya. "At yang isang katabi ko parang walang modo. Nakuu! Kainis! Siya pala ang bumangga sakin kanina sa corridor. Ang feeler niya pa. Lakas ng hangin sa ulo!" Dagdag ko pa. Kakairita niya talaga. Ang feeler! Kala niya ang pogi pogi. Konti lang naman eh tsk. Mabuti na nga at hindi na masyadong masakit ang tuhod ko at hindi na ako paika-ika sa paglalakad dahil sa pagkakadapa ko kanina. Pero pag ito masakit pa talaga. Pepektusan ko talaga ang lalaking yon! Bakit kasi may rules pa dito sa rules na bawal manakit physically? Kainis ah!

"Yan bes? Naku! Sabi ng pinsan ko kilala daw yan dito sa school bilang Mr. Heartbreaker slash Mr. Cassanova slash Mr. Playboy. Pinaglalaruan daw yan nila ang mga babae na parang mga laruan lang. At nagpapalit daw yan ng babae na parang kumakain lang dahil nagugutom." Singit naman ni Julia. Masyado siyang updated sa balita dito sa school ah?

"Eh diba isa lang yun? Natatawang sagot naman ni Sanya. KJ talaga to. "Pero sayang gwapo pa naman sana siya." Dagdag pa nito.

"Aanhin mo naman ang gwapo kung manloloko naman at kaya kang ipagpalit sa iba." Paghuhugot nanaman ni Julia. Hays! As always talaga.

"Bahala siya kung anong gawin niya sa buhay niya. Eh ano naman kung heartbreaker siya? Wala naman akong pake. At isa pa kilalang girltrends naman tayo dito kaya 'wag siyang magmataas! Lakas pa ng loob niyang banggain at iwan lang ako kanina? Hmppp!" Naiinis kong sagot sa kanila kaya nag walk out na'ko kaagad at dumiretso sa canteen. Sinundan naman nila ako.

Julia's POV

Pagpasok namin sa canteen, nagbubulungan ang mga estudyanteng mga naroroon. Kanina pa ko nakakarinig ng bulungan. Mukhang maramimg chismosa dito sa KRU.

"Ang ganda naman nila."

"Totoo ngang parang mga dyosa sila."

"Sila yung mga famous sa facebook eh!"

"Sila ang bagong transferees. Ang gaganda."

"Mga chinita."

"Ang kikinis ng mga balat." Sabi ng isang babae.

"Siguro mga habulin ang mga yan."

"Type ko yung isa." Yung maputi at color blue ang bag." Sabi ng isang lalaki na si Kylie ang tinutukoy. Pati lalaki ang chichesmoso din pala.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon