Special Chapter 1

923 46 20
                                    


Thank you sa mga nag vote para sa special chapter na to! So here it is. Dahil gusto niyong malaman ang love story nina Aemarrah and Xander. Eto na po, enjoy!

Ito po ay yung 2nd time na nagmeet sila hanggang sa naging sila. <3

*Sorry po sa super duper late update—busy po eh. Atsaka tiniming ko nalang sa summer hehe.*

_______________________

Aemarrah's POV

Gusto niyong malaman labstori namin noh? HAHAHA talagang gusto niyong makichismis ah. Joke! Eto na, eto na!

________

–SPECIAL CHAPTER I - Nag-umpisa sa ???–

2 years ago...

"Ma, Pa, Ate, Kuya, alis na po ako!" Pagpapaalam ko kina Mama na ngayon ay kumakain ng agahan. Inisa isa ko silang hinalikan sa pisnge at si Kuya Marx naman----asawa ni Ate Beatrice ay nginitian ko while si Baby Kate----6 month old na anak nilang babae ay hinalikan ko sa noo.

4 years na rin ang lumipas. Parang kailan lang at sariwa pa sa akin lahat ng mga alaala. Sina Julia, Sanya, Rocco, Joshua at siya. Hinding hindi ko pa rin sila nakakalimutan. At yung poncio pilatong nagngangalang Xavier na kamukhang kamukha niya at binigyan ako ng panyo noong third year college ako. Actually first name niya lang yung nalaman ko pero siyempre nakichismis ako kaya nalaman ko full name niya. In-add ko nga siya sa facebook eh, kaso masyadong famous ang isang yon at di parin ako inaacept.

Ay oo nga pala, daldal ako ng daldal at hindi ko parin sinasabi kung saan ako pupunta ngayon. Well, today is my first day in job of being a licensed nurse.

Maraming hirap at sakripisyo rin ang dinanas ko para makamit ang pangarap ko. Na maging isang nurse. At ngayon, ito na nga. This is it.

9am ang schedule ko sa trabaho at dahil tanga ako ay 7am na ako umalis ng bahay. Di ko pa inisip na lunes pala ngayon at nakalimutan kong grabe pala traffic sa edsa sa mga ganitong oras. Parang papaliparin ko na nga ang kotse ko sa pagpapaharurot para di lang ako ma-late. Pero pagminamalas ka nga naman, matinding traffic ang dumungaw sa akin.

Naghintay lang ako hanggang sa gumaan na rin ang traffic. May 10 minu—shettttt? 10 minutes nalang at late na talaga ako. Putakte sira ba orasan ko?

Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko. Putragis di ko pa alam ngayon kung saan pupunta ang mga baguhang nurse tulad ko. Huhu patay talaga ako nito! Sigeee na, ihanda niyo na ang kabaong bilis! Punyeta!

Pagdating ko sa harap ng ospital ay dumiretso kaagad ako sa parking lot para ipark doon ang sasakyan ko.

Nagtatatakbo na ko ng pumasok ako sa main door ng ospital. Naghahalong hiya, takot, at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hiya, dahil first day pa naman ng trabaho ko tapos late pa ako. Takot, dahil baka i-fire kaagad ako sa trabaho dahil late ako sa first day ko. At kaba dahil baka napaka-istrikto ng boss ko at magsitaasan ang mga balahiho ko kapag magalit siya. Huhuhu san ka na batman? Tulungan mo ko dito, wag mo kong pinapabayaan! Sige ka magsusumbong talaga ako kay darna. Taragis parang maiihi pa naman ako tapos sakit pa ng puson ko.

Pagpasok ko ay agad namang tinuro ng guard ang conference room kung saan nandoon daw ang mga bagong nurse. May short orientation daw ng mga rules at regulations.

Agad kong pinihit ang door knob para makapasok. Di na lang ako magpapahalata na nalate ako. Konting kembot lang okay na! Go Aemmarah! Yakang yaka to!

"Rule number 12: This rule is also one of the important rules. Don't be late—."

Kaagad naputol ang pagsasalita ng isang doktor sa harap at nagsitinginan silang lahat sa akin na nakatayo sa pinto. Maraming mga doktors ang nandoon at mga nurse rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon