8-Nurse Kylie

1K 40 1
                                    

Kylie's POV

Kringggg! Kringggg! Kringgggg! (Phone Rings)

Sino ba naman ang tatawag sa'kin sa ganitong oras ng gabi? 11pm na ah. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa tabi ng lamp ko. Matutulog na'ko kasi sana. Pagka check ko kung sino ang tumatawag ay napangiti ako. Dahil si Mr. Walang Modo 'yon.

"Hello?" Sagot ko ng napindot ko na ang green button.

["Hi"] Sagot niya.

"Bakit ka ba napatawag?"

["Gusto ko lang magpasalamat dahil nakipag-date ka sa'kin"]

Napangiti ako sa sagot niya sa'kin. Kahit parang weird ay kinikilig ako. Dahil hindi ko inaasahan na may kabaitan din pala na natitira sa puso nitong Mr. Playboy na'to.

"Ah sus. Maliit na bagay at walang anuman." Sagot ko. Yung jacket mo pala dito bukas ko nalang isauli sa'yo." Dagdag ko.

["At pasensya ka na rin ha, nabasa ka pa ng ulan tuloy."]

"Wala 'yon. Ako nga dapat ng magsorry sa'yo dahil ikaw pa tuloy ang nabasa dahil pinahiram mo yung jacket mo sa'kin."

"Wala 'yon. Basta ang jacket ko ha. Mahalaga iyan sa'kin." Sagot niya na parang natatawa.

"Ah sige. Ako nalang ang magsusuli sa'yo bukas sa bahay niyo. At naligo ka ba? Baka magkasakit ka niyan dahil basang basa ka kanina." Paalala ko sa kanya.

["Hindi nga eh. Parang nawalan na'ko ng gana. Bukas nalang ko maliligo."]

"O sige." Tipid na sagot ko.

["Sige na matulog ka na. Maghahating gabi na baka mapuyat ka pa."]

"Sige na goodnight." Pagpapaalam ko sa kanya.

["Sweetdreams. Love you."]

Napangiti ako sa narinig ko mula sa kanya sa kabilang linya. Pero kailangan hindi ako magpapahalata. Alam ko namang dahil fake girlfriend niya lang ako.

"Love you mo mukha mo." Natatawa kong sagot.

["Ito naman. Ayaw pa kasing aminin na kinikilig ka. Sige na nga matulog kana. Goodnight."] At pinatay niya na ang tawag.

Sa huling pagkakataon, nahuli ko nalang ang sarili kong tumatawa na parang baliw. Sino bang mag aakala na kinikilig ako sa Mr. Walang Modong 'yon. Napatingin nalang ako sa jacket niya na nakahanger dahil basa pa. Hindi na rin kasi ako inaantok kaya minabuti ko nalang na labhan ang jacket niya para pagsauli ko sa kanya ay nalabhan na at mabango na.

Nilabhan ko talaga ito gamit ng sarili kong kamay. Hindi ko nalang nilagay sa washing machine para masigurado kong malinis mabuti. Pagkatapos ko labhan ay nilagyan ko ng fabric conditioner para mabango. At tsaka nilagay ko na sa dryer.

Nag instagram muna ako para makapaglibang libang naman dahil inaantay ko na matuyo ang nilabhan ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay kinuha ko na ito sa dryer at plinantya. At pagkatapos ay hinager ko ito at nilagay sa kabinet. Nag isip isip ako sandali, bakit ko ba ito ginagawa? Eh hindi naman niya ako girlfriend. Im only his fake girlfriend and not his true girlfriend. Pero hindi ko nalang ito pinansin at natulog nalang.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon