6-Golden Rules

998 50 4
                                    

Kylie's POV

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Ezekiel kanina.

"Bakit kasi ako pa?"
"Bakit ako pa talaga?" 'Yan ang mga salitang gumugulo sa'king isipan. Dahil nagtataka talaga ako na napakarami ang fangirls niya ay sa'kin pa talaga siya nag request.

Habang nag iisip ako, napag isipan kong mag online muna sa fb. Matagal na rin kasing 'di ako nakapag online dito dahil nasanay ako sa instagram.

Jose Ezekiel Madrid sent you a friend request.

'Yan ang una kong nakita pagkabukas ko ng facebook. Napag isip-isipan ko na i-stalk muna siya bago i-confirm.

Jose Ezekiel Madrid updated his profile picture.
July 3, 2017 at 6:25pm ●🌍

Sometimes, it's better to forgive than to forget.

Sometimes, it's better to forgive than to forget

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

6,685 👍
8,348 ❤
5,439 😮
2,486 Comments
648 Shares

"Gwaffu mo papa R😍"
"How to be yours po?"
"Akin ka nalang please!😊"
"Gwapo mo talaga!"

Ilan lang 'yan sa mga comments ng mga babae sa profile pic niya. Nakita ko rin ang comment ng Rocco.

"Pare. Move on na huy! Di na siya babalik tandaan mo yan!😂"

"May ex siyang mahal niya pa hanggang ngayon? I mean may minahal siya?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Hindi ko na pinatuloy ang pag stalk ko sa kanya dahil mag aalas-onse na at inaantok na ako.

Kinaumagahan...

7 am na'ko nagising at sabado naman ngayon kaya makapagpahinga ako. Gumawa na rin ako ng rules para sa kanya.

Ezekiel's POV

"Kringgggg! Kringggggg! Kringgggg!" Maingay na tunog ng cellphone ko. Sino ba naman kasi ang tumatawag sa'kin sa ganitong oras? Eh ang aga aga pa!

"Helloo!" Sagot ko ng pasigaw.

"Ah sinisigawan mo na 'ko ngayon Mr. Madrid ha!" Sagot ng babae sa tawag.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Kylie 'yon. Bakit niya ba kasi ako tinawagan? May problema ba 'tong babaeng 'to?

"Ikaw pala 'yan Ms. Sungit...bakit ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pumunta ka sa Villarez Mall. Sa parking lot nalang kita hihintayin." Sagot nito.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Basta pumunta ka nalang do'n. Bye." Sagot niya at pinatay ang tawag.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon