17-Ideal Type of Guy

773 35 5
                                    

Hugot for the day: "Sa pagkarami-rami ng tao sa mundo, maswerte ka kung makatagpo ka ng tao na hindi alam ang salitang MANLOKO." ;-(

Kylie's POV

Dito na kami ngayon sa school kasama sina Julia at Rocco. Nag uusap kami tungkol kagabi habang hinihintay sina Ruru, Sanya at Joshua.

"Ano feeling na may ka-relationship na Rocs?" Tila kinikilig pa na tanong ni Julia.

"Nako! Best sa best night ata 'yon eh!" Natatawang sagot ni Rocco. "Eh ikaw ba? Kailan balak mo magka-bf?" Pabalik niyang tanong kay Julia.

"Nako! Malabo pa sa malabo eh!" Panggagaya ni Julia sa sagot ni Rocco.

"Bakit naman?" Tanong ko agad.

"E kasi naman, basta! Alam mo na 'yon. Alangan naman ako pa ang poporma sa kanya?" Sagot niya naman.

"Ah kay Joshua ba?" Pangisi ngisi pang tanong ni Rocco. Ito siguro ang nagustuhan ni Sanya sa kanya. Ang mga tanong niyang may pagka chismoso. Jokee! XD

"Sapul! Siya nga Rocs!" Sagot ko naman.

"Pinagkakaisahaan niyo nanaman ako e!" Reklamo naman ni Julia at nagpout pa. Naku! Ang cute talaga ng bespren ko. Mana sa'kin XD

Ilang minuto ang naglipas ay dumating na rin si Joshua at Rocco ng magkasabay.

"Musta pare!" Bati nilang dalawa kay Rocco na may mga lokong ngiti.

"Ayos lang pare!" Sagot rin ni Rocco sa kanila na may napakalapad na ngiti.

"Guys may sasabihin lang kami ni Ruru kay Rocco ah? Hintayin niyo nalang si Sanya." Pagpapaalam ni Joshua sa'min at ngumiti rin ng bahagya. Si Joshua talaga may pagka-romantic. 'Di na ko magugulat kung nagustuhan man siya ni Julia.

"Sige!" Tipid kong sagot sa kanya.

Umalis na sila at si Sanya naman ay hinihintay namin.

On the other side...

Joshua's POV

Dito kami sa tinatambayan naming bench palagi. Nag uusap kami tungkol kagabi sa date nila Rocco at Sanya.

"Ayos ba Rocs?" Tanong ni Ruru kay Rocco at nag iwan ng napakalapad na ngiti.

"Hahaha! Ayos na ayos pare. Pero seryoso, salamat talaga ha!" Seryosong sagot ni Rocco.

"Sus wala 'yon pare. At isa pa, plano lang naman 'to ng girls eh. Sumunod lang kami dahil siguradong malilintikan kami kung hindi kami susunod sa kanila." Sambit ko naman.

"By the way, anong oras pala kayo nakauwi kagabi? Kanino kayo sumakay?" Pag iiba ni Rocco.

"Tinawagan ni Ruru 'yung driver nila at nagpahatid kami. Ang saya pala nila kasama." Sagot ko kay Rocco.

"Hahaha! Specially si Julia diba?" Sagot naman ni Rocco sa'kin.

"Alam mo Rocs, kahit 'di aminin ni Joshua, alam naman nating masaya siya kapag kasama niya si Julia. Diba Josh?" Sagot naman ni Ruru.

Luh! Pinagkakaisahan nanaman ako ng mga loko kong kaibigan. -_-

"Oo nga pala, kayo naman Ru, musta ang relationship mo kasama si girlfriend mo?" Natatawang tanong ni Rocco. "Ah si fake girlfriend pala." Panlalaglag niya pa.

"Hahaha ulol ka talaga. Ako nanaman ang naisipan mong lokohin diyan." Natatawang sagot ni Ruru.

"Pero sa totoo kinikilig yan si Ruru Rocs!" Natatawang sagot ko naman.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon