39- Bar party

496 32 1
                                    

Kinabukasan...

Kylie's POV

10am na sa umaga ng nagising ako. May pinagpupuyatan kasi mga bessy >_< hihi at alam niyo na yon.

Pagbangon ko ay agad kong hinanap ang cellphone ko na naiwan kong naka-charge kagabi dahil antok na antok na talaga ako.

Pag-open ko nito ay agad tumunog ang mga notifications ko at specially ang group chat naming anim. Ano nanaman kaya ang plano ng limang yon?

TheOneNiSanya sent a message in WAO.

Lakas ng group name naming anim noh? Diba ang cool? XD We Are One daw kasi kaya WAO. Alam niyo nanaman mga kaibigan ko, may mga topak talaga sila.

TheOneNiSanya: Guys jaming naman tayo! Total wala naman tayong pasok dahil holiday bukas.

HubbyChuchuNiKylie: Sige ba, saan?

Ts, jaming nanaman. Basta pag may nalasing wala ng hatid sa bahay to ah? -_-

SanyaGanda: Game ako diyan, what time? OMGGG im so exited!

Ts exited ang bruha kong kaibigan. San na kaya yong isa? Baka hindi online? Agad akong nagreply sa kanila dahil sasama ako noh. Ano sila lang ang magjajaming? Sila lang ang magsasaya? No wayy! Luh ang OA ko XD

WifeyNiHaRuruT: Game ako pero pag may nalasing wala ng hatid hatid sa bahay to ah.

Pagsend ko ng message ko ay agad akong nagulat sa nickname ko. Sino nanaman ang pumalit sa mga nicknames namin dito? Nubayan! Pinalitan nga, parang ang babaho naman lol.

TheOneNiSanya: Sige, sige. Eh ano na plano niyo TheAdventureOfToreteBoy (refering to Joshua) at JuliaTheDyosa?

TheAdventureOfToreteBoy: Geh sama ako anong uras?

JuliaTheDyosa: Mawawala ba naman ang diyosa? Nyahahaha

TheOneNiSanya: Sige bukas ah? 8 to 1am okay na ba yon?

Sumang-ayon naman ang lahat sa binanggit ni Rocco. Mastermind talaga tong si Rocco sa mga gala eh.

Fastforward...

Kinaumagahan...

4pm na ng nag-umpisa na kong mag-ayos. Nag shower muna ako and then, pumunta na sa cabinet para mamili ng susuotin.

Jaming daw kaya alam na this! Kainan at inuman timeee!

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong nagpaalam kay Mama na aalis nako. Di na ako nagpasundo kay Ruru para makadiresto na siya don.

______

Magkita-kita daw kami sa harap ng The Barbaro's Bar. Doon daw kasi na bar sinabi ni Rocco na pupuntahan naming lima. Mag si-seven thirty palang kaya hinintay ko muna sina Julia at Sanya.

After 5 minutes ay dumating naman si Julia kaya hindi ako nainip kakahintay. At ilang sandali pa ay nagsidatingan na sila.

Pagdating naman ni Ezekiel ay agad niya kong hinalikan sa noo. Enebee eng ege pe. >.<

"Namiss kita wifey." Sambit naman niya sakin pagkatapos niya kong halikan sa noo.

"Namiss agad? Nagkita naman tayo kahapon ah." Natatawang sagot ko naman sa kanya. Nang biglang nagsalita si Sanya.

"Ehem, pasok na tayo?" Bigla niya naman sambit kaya napatigil kami sa paghaharutan namin XD hanggang kailan KJ talaga tong babaeng to.

Agad na kaming pumasok sa loob ng bar at ang raming tao. May celebration daw kasi kaya maraming dumalo at nakiparty.

Marami ng nagsasayawan pagpasok namin kaya agad na kaming dumiretso sa table na nireserve ni Rocco para makaupo na rin kami.

Habang kami ay nag-uusap usap ay napansin kong parang hindi nagpapansinan sina Joshua at Julia pero nguniti na lamang ako. Sa palagay ko kasi, parang M.U M.U na ang dalawa. Ang bagal kasing makapoints nitong si Joshua dahil napakatorpe.

Agad namang umupo si Ruru sa tabi ko pagtapos nilang umorder ng drinks.

"Anong inorder mo sakin?" Tanong ko sa kanya

"Apple juice." Simpleng sagot naman nito.

Whatttt? Apple juice? Nako naman sumama nga ako para makainom naman ng kahit konting beer lang tapos apple juice lang naman pala iinumin ko dito? -_-

"Ano bakit yon lang ang in---"

"Hep hep hep. Bawal kang uminom ng mga alcoholic drinks pag kasama mo ang gwapo mong asawa." Sagot naman nito sakin at nagpalambing pa na akbay ang loko.

____

After few minutes ay pumunta na kaming anim sa dance floor pero nakaakbay pa rin sakin si Ruru. Ayaw ba nito akong bitawan?

Wifey dito ka lang sa tabi ko
Ky wag kang umalis sa tabi ko baka mabastos ka
Wifey wag mong bitawan kamay ko ah
Wifey tumabi ka dito maraming lalaki diyan
Wag tayo diyan marami ng mga lalaking lasing diyan

Ilan lang yan sa mga katagang lumalabas sa bibig niya na patuloy kong naririnig. Jusq napakacareful talaga nitong gwapo kong boyfriend XD

"Oo na, hindi na nga aalis sa tabi mo."

"Good." Maikling sagot nito. "Umuwi na kaya tayo? Baka ano pang mangyari sa bar na to eh. Baka mapaaway pa ko." Natatawa niya pang dagdag.

"Hubby naman eh, kadarating nga lang natin uuwi na agad? Mamaya na." Sambit ko naman sa kanya.

"Pero mag-aalas dose na ng madaling araw oh. Halika na." Pagpupumilit niya sakin kaya wala na kong magawa kundi sumunod sa kanya. Hindi man lang ako nakapagsaya ng todo dahil sa conservative kong boyfriend. -_-

Agad na kaming nagpaalam kina Sanya at Rocco na sumasayaw at kina Joshua at Julia na umiinom sa lamesa namin.

Pagkalabas namin sa bar ay agad na kaming sumakay sa kotse niya at hinatid niya na ko sa bahay. Ayaw niya daw kaseng mabastos ako don dahil baka mapaaway pa siya. Haneeeep! Ang goodboy ng jowa ko ><
.................................

To be continue...

Hi guys! Simula na ng pag-uupdate ko araw araw kung hindi ako busy. Salamat sa mga bumabasa neto <3 XOXO

Votes.

Mr. Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon