| A/N: Paalala guys, sa chapter na to, merong mga iilang bad words. Sorna parang medyo fit kasi sa chapter na to eh. Haha basta basahin niyo nalang para malaman niyo. <3 |
Kylie's POV
Araw ng sabado, kaya wala kaming pasok. Wala naman kasi akong lakad at hindi naman kasi nagyaya si Ruru na may pupuntahan kami. At isa pa, nakapag-bonding na kami kahapon...kaya mag aalas onse na ako ng umaga ngayon nagising. Hahaha sarap kasing kakwentuhan siya sa telepono magdamag eh.
Pagbangon ko ay agad kong inayos ang hinigaan ko at agad ng naligo.
(Fastforward)
2 pm na ngayon at nandito lang ako sa bahay, nanonood ng tv at nag iinternet ng bigla siyang tumawag.
["Hello, wifey?"]
["Yes? Ano yon hubby ko?"] Sagot ko naman sa kanya sa kabilang linya.
["Pwede ba akong magpaalam sa'yo na pupunta kami magbabarkada sa birthday ng pinsan ni Rocco? Mag te-twenty one na kasi yon kaya ininvite niya kaming dumalo. Pwede ba?"]
["Iinom ba kayo don?"] Tanong ko sa kanya.
["Oo sana, pero kung ayaw mo..."]
["Sige, pumunta ka. Basta wag magpaparami ng inom. Tawagan mo ko o itext agad kong nakauwi kana, okay?"] Sagot ko naman sa kanya.
["Ang ganda talaga ng asawa ko. Salamat wifey! I love you."]
["Nambola ka pa eh! Sige na, magbihis ka na. Bawiin ko pa diyan sinabi ko eh."]
["Sige, I love you too!"] Sagot niya at agad ko ng inend ang tawag.
Lagot talaga siya sakin mamaya pag lasing na lasing siya -_-
(Fastforward)
11pmNanonood pa ako ng tv non ng tumawag si Rocco.
["Hello, Rocs?"] Mabilis kong sagot sa kanya pag pindot ko ng green button ng tawag.
["Hello, Ky? Si Ruru kasi eh."]
["What? Ano nanaman ang nangyari sa kanya?"]
["Mukhang nasobrahan kasi siya kaya lasing na lasing eh. Si Joshua nga pinakuha ko narin dito kay Julia dahil lasing na lasing rin."]
Ts mahilig talagang magpakalasing ang lalaking to na hindi kaya umuwi mag isa -_-
["San ba kayo ngayon? Pupuntahan ko kayo."] Agad namang tinext sakin ni Rocco ang adress.
["Comute ka nalang patungo dito Ky, tapos ipapahatid nalang kita sa driver namin mamaya."]
["Sige"] Mabilis kong sagot kay Rocco at inend ko ang tawag.
Agad naman akong nagbihis at nagpaalam sa gising pa naming kasambahay na aalis ako dahil tulog na sina Mama.
(In the venue)
Pagdating ko sa sinasabing address ni Rocco ay nakita ko agad siyang naka-upo at nag uusap pa sila ng iba pang mga bisita.
Agad niya naman akong nakita kaya nilapitan niya ko agad.
"Ky, pasensya ka na ulit ah. Ang lasinggero kasi ng hubby mo eh." Natatawang sambit sakin ni Rocco at natawa naman ako.
"Loko...nasan na pala siya?" Tanong ko agad sa kanya.
Pumunta naman kami sa may sofa at agad kong nakita si Ruru ma ang himbing ng tulog. Agad namang ginising ito ni Rocco at nagising naman to bigla.
"Pare, nandito si Kylie. Uuwi na daw kayo." Paggising sa kanya ni Rocco at agad naman itong tumayo pero agad napaupo rin.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...