Kylie's POV
"Ang ganda ng mga fireworks no?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang yakap yakap niya ako patalikod. Ang saya lang kung palagi kaming ganito. Yung masaya lang kaming dalawa at malayo sa lahat problema. Tanging mga sarili nalang namin ang iisipin namin.
"Oo... Ang gaganda nila... Kasing ganda mo." Napatingin naman ako sa fiance kong hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. Nakatingin rin siya sa akin. Namula ako sa mga sinambit niya. Ilang beses niya na ba akong sinabihang ang ganda ko? I can't control my face na maging kasing pula ng pinaghalong kamatis at apple dahil sa mga papuri niya.
"Ikaw ha... Ba't ang hilig mong bolahin ako?" Natatawa kong tanong sa kanya at marahang hinampas ang dibdib niya. Ngayon ay magkaharap na kami. Nakayakap na siya sa bewang ko at ako naman ay nakahawak sa dibdib niyang matitipuno. Sheyt konti nalang mahahawakan ko na ang matitigas niyang abs! Hays ang yummy. Pwede kainin? Mweheheh tsk ayan nanaman ako. Nagi-green nanaman ang utak ko.
"Hindi yon bola no. Totoo yon. At ikaw... Namumula ka nanaman diyan. Masyado kang nababaliw sa mga puri ko sayo. Ang gwapo ko talaga." Ngiting abot tengang sambit niya. Ang hangin talaga dito sa labas. At oo na, ako na tong mahina. Tsk ba't kasi masyadong obvious ang pagbu-blush ko? Tsk kainiss.
"Tsk mapang-akit talaga ang mukha mo kapag namumula wifey. Kaya mahal na mahal kita eh." At ito nanaman muli, namumula nanaman ang pisnge ng ateng niyo.
Napapout ako. "Mahal mo ko dahit sa pamumula ko lang? Hmp hmp kainis ka talaga baby." Sambit ko dito. Hays oo na alam ko ng napakapabebe ko, pasensya na nagmamahal lang po.
"Hindi noh. Siyempre mahal kita dahil mahal kita. Mahal na mahal ko ang buong pagkatao mo. Kaya hindi ko na maantay na magpakasal na tayo." Sinabi niya ba yon? Kyahhhhh kilig to the bonessss! Panagutan mo talaga ako dahil sa pagpapakilig mo, Madrid!
"Mahal na mahal din kita." Sambit ko dito at hinalikan siya sa pisnge niya. Pero medyo malapit rin sa labi.
"Tsk tigil na nga natin to. Naaakit ako lalo sayo Baby. Baka makain pa kita diyan eh." Shetttt anong kain gusto niya? Huehue namamanyak ako. Pakain rin pwede? Hmp ang manyak ko talaga.
Napapout naman ako lalo. Magsasalita pa sana ako kaso boom! Nakain labi ko ng wala sa oras. Hinalikan niya ba naman ako ng walang pasabi. Kaya ayan hindi prepared ang kumare niyo. Dilat na dilat ang mga mata ko kaya kitang kita ko ang pagpikit niya. Ang passionate ng paghalik niya sa akin kaya napapikit na rin ako. Tskkk nakakabaliw siya talaga!
Ng biglang....
Kringgggg kringgggg kringggg!
"PUNYETANG HINAYUPAK NA ORASAN TOOOOO. TUMAHIMIK KA KUNG AYAW MONG BALATAN KITAAA!!!" Napasigaw nalang ako dahil sa napaka-KJ na alarm clock na sumira sa napakaganda kong panaginip. Wala siyang awa sa akin. Moment namin yon eh... At tsaka, minsan ko na lang siya napapaginipan. Tapos sinira lang ng hampas lupang orasan na yan. Huhuhu.
Agad kong tiningnan ito para malaman kung ano ng oras. 6:30 na pala kaya sinira niya talaga ang masaya kong panaginip. Tsk bakit ba kasi nag set ako ng alarm na 6:30? Sana 7:30 nalang para may oras pa kaming makipag loving loving ng mahal ko. Wait tekaaa! Anong oras ba klase ko? Ay oo nga pala 7am napakabobita ko talaga. Waittttt 7am????? Hala na nale-late late na talaga ako nito.
Unang araw ng pasukan pero parang ayaw ko pang bumangon mula sa pagkakahiga ko dito sa kama ko. Medyo masama pa rin kasi ng pakiramdam ko kahit mag-iisang buwan na ang nakakalipas simula ng malaman ko ang katotohanan.
"Good morning li'l sis! Bumangon ka na diyan at nagluto si Mommy ng napakasarap na breakfast. Dali naaa! Excited ka ba dahil first day of school ngayon? Yieee third year college ka na." Nakangiting usisa sa akin ni Ate Biatrice pagpasok niya sa kwarto ko. Siguro narinig niya ang pagsigaw ko kanina. Pero ito talagang babae na to oh. Pumapasok lang agad agad sa kwarto ko ng hindi manlang kumakatok sa pinto. Kaya minsan nagugulat nalang ako dahil bigla bigla nalang siyang papasok sa kwarto ko para chumika ng hindi man lang kumakatok sa pintuan ko. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
BINABASA MO ANG
Mr. Heart Breaker
Fanfiction;a KyRu fanfiction for all the KyRuNatics out there. --- Meet Jose Ezekiel Madrid the well known "Mr. Heartbreaker". He is a jerk casanova na walang alam gawin kundi ang kumain, maglaro, uminom, maglaro ulit at matulog. Halos ito na ang routine niya...