CHAPTER 1
Marco's POINT OF VIEW:
Pebrero 6,2010
Nakaupo ako noon isang Sabado sa may harapan ng bahay namin. Nakatulala at nag-iisip nang malalim.Sinimulan ko yun sa mga walang kuwentang malalim na pagtatanong ko sa aking sarili."Ano nga ba talagang ibig sabihin ng pag-ibig? Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin maunawaan".. Sapat na kayang tawagin na pag-ibig ang nadarama kung sa bawat sandali siya ay aking kasama...Noong sandaling iyon may narinig ako, tila umabala sa paglalakbay ko sa aking imahinasyon... Malakas, maingay,nakakairita...... Hayyyy yun pala ang aking pinakamamahal na ina, Aling Melanie ang tawag sa kanya ng iba... "Nanay" ang tawag ko sa kanya pero sa totoo lang mas gusto ko siyang tawaging "Melanie" lang. Kaya lang bilang respeto sa pinakamamahal kong nanay , "Nanay" ang tawag ko sa kanya.Gusto ko kasi talaga yung tipong magka-tropa lang kayo ng nanay mo , yung pwede mong tawaging "hoy" , yung pwede mong maka-joyride sa mga tawanan,yung puwede mong kotongan (hmmm , masyado palang malala un),basta yung tipong mag-bestfriends yung samahan niyo, yung puwede mong sabihan ng mga feelings mo.Kaya lang iba kasi ang mga nanay ehh, konting galaw at kilos mo lang alam na nila kung masaya ka ba o malungkot, bigo o panalo. Alam na nila kaagad kung anong nararamdaman mo kahit hindi mo sabihin.Hayy nako,may balak pala siyang utusan na naman ako, sa labing anim na taon kong existence, ang pangungutos niya ang pinakaaway ko. NAKAKATAMAD. Papabilihin lang naman ako ng vetsin, sayote,kangkong,bawang,sibuyas na isasahog niya sa sardinas. Masarap naman ang lasa kaya lang, may mga pagkakataon ding magsasawa ka. Isa lang naman ang hindi ko pinagsasawaan ehh , ang ibiginat pasayahin ang pinakamagandang likha ng Diyos, pinakamamahal ko, si Eunice Alcantara. Hindi ko pa siya Girlfriend,pero wala talaga akong balak na tigilan ang panliligaw ko sa kanya, mas gusto ko pa nga siyang ligawan habang buhay, yung makita ko lang siyang laging masaya, laging nakangiti, yung naririnig ko lang yung mga pangangasar niya sa akin >.< .Bwisit talaga yung Eunice na yun,lagi na lang pinagtatawanan ang dry kong buhok. Ang hinhin ng boses niya pero kung makaasar, nakakainis talaga.Pinamamahayan na daw ng iba't ibang mga lamang lupa. Eksena niya sa buhok ko? Napipikon din ako kay Eunice kaya lang bumabawi talaga. Kamukha ko daw si Coco Martin.. woooh yes ang guwapo ko talaga.May libre na kaagad siyang Kwek-kwek sa akin kapag ganoon. Yung kwek-kwek na ayaw na ayaw ipakain sa kanya ng Civil Engineer niyang ama na nagngangalang Juanito Alcantara na hindi naman marunong pumukpok gamit ang martilyo, yung nakakatakot tumingin na akala mo susuntukin ka. Kailangan ko na ring masanay sa kanya , future father-in-law ko yun ehh... Bukod pa doon, gusto ko pa namang sumunod sa yapak niya. Gusto ko ding maging Civil Engineer,kahit mahina ako sa math, atleast marunong naman ako gumamit ng martilyo.. hayyss Sa tuwing sinasabihan ko ng mga ganitong kataga ang tatay niya, KOTONG ang abot ko kay Eunice. Balik tayo sa usapang kwek-kwek,dinukot ko sa mahiwagang bulsa ko ang aking pitaka halos mabasag ang bungo ko nang makita kong kinse pesos na lang ang pera ko. Shemayy, sakto lang palang pamasaheko pauwi. Yun napasalita ako ng "Aray ko, basag bungo naman ohh, pang pamasahe ko na lang pala ito". Nagsalita naman si Eunice,"hayyy nako, huwag mo nang sabihing manlilibre ka kung di mo naman kayang panindigan , kwek-kwek na nga lang ehhh hmmmp". Alam kong wala siyang intensyong saktanang damdamin ko pero honestly NASAKTAN talaga ako dun, dugong mayaman kasi siya..Yun tumalikodako na parang babaeng nagtatampo, pumunta ako doon sa isang bench at umupo. At sumunod naman itong si Eunice. umupo sa tabi ko at sinabing "Marco naman ehh, sorry na kasi, joke lang naman yun eeeh!, ngingiti na yan , wushuuuu bati na kasi tayo, wushuuu." Para na talaga akong babaeng sinusuyo ng lalaki pero di pa rin ako lumingon!. Pumunta siya sa harapan ko,pero tumalikod ako.Sa isip ko nun, "akala mo ahh, mahirap akong suyuin." Tapos yun, pumunta na naman siya sa harapan ko! Ang kulit talaga! Sa bagay, parehas kaming makulit, yun siguro yun yung dahilan kung bakit namin nagustuhan ang isa't isa. Haha! Hindi ko pa din siya pinansin, kasi kapag siya naman ang nagtatampo, ang tagal niya akong patawarin. Sa sitwasyong iyon tinagalan ko din. Natahimik siya kaya naman nangamba na rin ako. Sumulyap ako saglit para makita ko kung bakit siya natahimik.Nakatingin siya nun sa langit tapos medyo nakangiti. Napaisip ako doon, "Ano na naman kayang kaunggoyan ang iniisip nitong si Eunice?"Tumalikod ako ulit, tapos tinawag niya ako, "Marco................... co Martin!"... Wahahha , nakuha niya na naman yung kiliti ko! Pinilit niya ako na siya na lang daw ang manlibre. Yun, pumayag naman ako. Muli naming in-enjoy ang pagkain ng kwek-kwek kahit kulay lupa ang kamay ng tindera, ayos na din yun, sa kwek-kwek naman kami naka-pokus.
"Marco, darating na pala yung service ko, five minutes na lang yata at parating na yun.",sambit ni Eunice. Tumingin ako sa kanyang mga mata nun, tila naluluha na ang mga mata ko, "Eunice, pasensya ka na talaga, ngayon pa lang, hindi ko na kaagad maibigay ang gusto mo.. Sorry Eunice,sorry talaga, promise magsisikap talaga ako,magkakasama pa tayo sa UP Diliman! Doon ko sisimulanang unang hakbang ng pag-angat ko sa buhay, para sa'yo." Sabi naman ni Eunice, "Ang drama netoh,ayos lang yun, hindi naman ang mga yaman sa mundo ang nagpapasaya sa akin eh." At tinanong kosiya, "Anong nagpapasaya sa'yo?" At ang sabi niya, "Hmmmm. Secret, bhelat!!". Agad na dumating ang service ni Eunice, hanep talaga ang kotse nila, Mitsubishi Lancer na color red, astig.
Natapos na naman ang pag-flashback ko about kay Eunice.
NARRATOR'S POINT OF VIEW: Natapos na naman ang malalim na pag-iisip ni Marco tungkol sa mga bagay bagay na kusa na lamang na tumatakbo sa isipan niya. Kinausap siya ng kanyang ina.
Nanay Melanie: Ano ba yan Marco, nakatulala ka na naman diyan! Bumili ka nga ng-----
Marco: Oooppps, Nanay, alam ko na yan ,vetsin, sayote,kangkong, bawang,sibuyas na isasahog niyo po lahat sa sardinas.
Nanay Melanie: Hindi ngayon Marco, bumili ka ng isang buong manok.
Marco: Buhay na manok po??
Nanay Melanie: Bahala ka sa buhay mo. Basta't tulungan mo ang tatay mo na katayin yan, dahil mag-lelechon kayo ng manok.
Marco: Anong pong meron ngayon?.. Kakaiba ahhh, sino po bang may birthday ngayon?
Nanay Melanie: Nagbigay kasi ng bonus sa mga construction workers si kwan ... yung si--- , yun! si Engineer Alcantara, mukhang may malaking kinita. Yun may pera ngayon ang tatay mo.
Marco: ahhhhhhh si Biyenan este yung tatay po pala ng kaklase kong maganda..
Marco: Mamaya na lang po pala ako bibili ng manok, pagbalik ko mamayang gabi, may importante po kasi akong gagawin.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...