Chapter 32: Freedom!

27 3 0
                                    

:

                          

CHAPTER 32:

                                                                Freedom!

NARRATOR'S POINT OF VIEW: 

Sa isip ni Lenaiah: Freedom is just a word.....

        Naglalakad na papalapit kay Lenaiah si Marvin suot suot ang kanyang white mask at all black na damit at may dalang wooden pole at backpack.

Lenaiah: (napapansin na ang lalaking naka-white mask at black na damit)

Sa isipan ni Lenaiah: Another stupid guy? Mga lalaki talaga, walang kuwenta. (masungit ang itsura)

        Nasa may gitna na ng Sunken Garden si Marvin habang si Lenaiah ay nasa may gilid ng Sunken Garden.

Lenaiah: Papunta siya dito?  (masungit ang itsura)

        Palapit na nang palapit si Marvin ( 5 meters away from Lenaiah)

Lenaiah: Sino pa itong naka-maskara na ito?? 

        Tumayo na si Lenaiah. (1 meter away na lang si Marvin, at tumigil na siya sa paglalakad)

Lenaiah: (tumingin ng deretso sa lalaking naka-maskara)

Sa isipan ni Marvin: Hmm, nice personality 

Sa isipan ni Lenaiah: Ano bang problema nito?  Men are really stupid. 

        Nagsalita na si Marvin. 

Marvin: (dala-dala ang wooden pole, suot suot ang kanyang maskara)  Sundan mo ako, may kailangan kang malaman. 

 

        Naglakad nang mabilis si Marvin papuntang North direction. Agad naman siyang sinundan ni Lenaiah.

Sa isip ni Lenaiah: What's up with this guy wearing a mask?? Ano yung kailangan kong malaman?

        Hindi man lang nagdalawang isip si Lenaiah at sinundan niya pa din si Marvin. Mabilis ang lakad ni Marvin kaya yun, sinumulan na lang din ni Lenaiah na tumakbo palapit sa kanya.

        Sa may di kalayuan, natanaw ni Marco na hinahabol ni Lenaiah ang lalaking nakamaskara na may dalang wooden pole.Tumakbo na rin nang matulin si Marvin patungong Norte, at tumagilid siya ng konti patungong Palma Hall, isang malaking building sa U.P. Diliman, at dahil sa walang klase, walang tao sa building na iyon.

Marco: (may dalang kwek-kwek, nakatingin kina Lenaiah) Ha? Anong problema? Parang kakaiba ito.  Lalamig itong kwek-kwek. Teka, kailan ko silang sundan (mga 20 metro na ang layo ng lalaking naka-maskara at ni Lenaiah kay Marco)

        Sinundan lang ni Lenaiah ang lalaking naka-maskara, pilit niyang binilisan upang maabutan niya ito subalit sobrang tulin talaga. 

        Malipas ang ilang minuto ng paglalakad, narating ng lalaking naka-maskara ang 5th floor ng Palma Hall habang si Lenaiah ay kumakaripas ng takbo sa hagdan at paakyat na ng 4th floor. Si Marco naman ay papasok pa lamang ng building.Tumayo lamang ang lalaking naka-maskara sa dead end ng fifth floor ng Palma Hall

        Kumakaripas na ng takbo si Marco at paakyat na siya ng second floor.

Sa isipan ni Marco: Mukhang hindi maganda ito. (kinain na lang ang kwek-kwek na dala dala niya)

Marco: (napahinto) Ngunguyain ko na lamang itong kwek-kwek para kay Lenaiah, pasensya na.

        Agad namang naubos ni Marco ang kwek-kwek kaya naman kumaripas siya ng akyat sa hagdan.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon