Chapter 14

33 4 0
                                    

CHAPTER 14:

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Nakauwi na ng bahay si Marco, pagkatapos niyang kumain ay nagpahinga siya sa kuwarto.Hindi na nag-aral si Marco para sa pagsusulit niya kinabukasan. Naglublob lamang siya sa kanyang kuwarto.

        Sa kabilang banda naman, sinamahan ni Justine si Eunice sa bahay nito.

Eunice: Ahmm Best, ano nga palang sinabi mo kay Marco kanina?

Justine: Wala yun Best, basta lumayo ka sa kanya ahh, mag-iingat ka.

Eunice: Huwag kang mag-alala Best, marunong na akong pumili ng mga taong pakikisamahan ko.

Sa isip ni Justine: Tama lang yan Eunice!! Hahaha! , Buti naman, ganyan lang dapat ang pananaw mo.

 

Justine: Basta Best, wala ka dapat ikabahala, kasi po-protektahan kita.

        Ngumiti lang si Eunice.

Eunice: Tara pumasok na tayo sa bahay. 

        Pumasok na sila sa bahay at kumain ng lunch.

        Sa bahay naman nina Marco, nanatili siyang nakalublob sa kuwarto. Tiningnan niya ang Teddy Bear na binili nila ni Otep na balak niyang ibigay sa graduation day nila nina Eunice.

Sa isip ni Marco: (hawak hawak ang teddy bear) Ito, gustong gusto mo ito Eunice, matagal kong pinag-ipunan ito. Kahit na ayaw mo man akong maging bahagi ng buhay mo. Nawa'y maging tanda ito ng ating malalim na pagkakaibigan at......pagmamahalan??.... Nag-iilusyon nga lang ba ako na may gusto ka rin sakin?.. Kahit kailan hindi ako nagtaka, ngayon lang, kasi ramdam ng puso ko ang pag-ibig mo. Pero ngayon, may ganyan ka palang pananaw sa buhay, akala ko tanggap mo ako ng buong buo.

        Nagtungo si Otep sa bahay nina Marco. Naabutan ni Otep na naglalaba si Melanie.

Otep: Aling Melanie, nandiyan na po ba yaong si Marco?

Melanie: Ahh, Otep, nandun siya sa kuwarto, nag-aaral yata. Pero, puntahan mo siya, mukhang may malalim na problema.

Otep: Ahh sige po Aline Melanie, salamat po.

        Pumasok sa loob ng bahay si Otep at agad na tumungo sa kuwarto. "Toktok toktok"

Marco: Bakit po Nanay?

Otep: Si Otep toh Marco.

        Binuksan ni Marco ang pinto.

Otep: Oyy Brad, bakit ganyan ang mukha mo, para kang namatayan. Ayy brad, galing ka sa yaong eskwelahan mo diba? Anong nangyari sa inyo ni Eunice!??

Marco: Mawawalan na ako ng isang kaibigan, medyo choosy pala siya sa friends niya. Hahaha

        Tumawa man si Marco, ito'y pilit lamang upang maitago ang kalungkutan.

Marco: For 4 years... Ganun pala ang turing niya sa akin.. Hahahha Squatters  .. Hahaha squatters, the term, pwede namang informal settlers. HahahahaPero kahit kailan hindi ko naramdaman na may diskriminasyon pala siya sa mga mahihirap gaya natin.. Hindi niya siguro alam na mayaman ako, hahhaha

        Bagaman tumatawa si Marco, hindi tumawa si Otep, dahil alam niyang may malalim na hinanakit na nararamdaman si Marco.

Otep: Tangining yaan Marco, gamitin mo yan para mas maging matatag ka, tingin ka lang sa kwintas mo, bituin oh.

Marco: Hahahaha , ang sakit sakit,  yung taong mahal mo, nilalayuan ka...? (unti-unting nag-iba ang boses ni Marco na tila paiyak na)

Marco: Madami pa naman kaming mga pangarap, marami kaming pinagsamahan at higit sa lahat, mahal na mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Kaya lang .. (hindi nagsalita upang mapigilan ang pagluha)... lalayo naman siya...

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon