Chapter 64: Lenaiah or Eunice?

23 3 1
                                    

CHAPTER 64:

                                        Lenaiah Or Eunice?

MARCO'S POINT OF VIEW:

Math Building, 2:OO PM, Friday, October 21, 2010

          "The time will come that you have to choose between them, at ma-coconfirm mo sa sarili mo kung sino talaga ang mahal mo. Remember that Bro.." , kalokahan yan ng first UP friend ko na nag-pipiling expert sa love. Ito ako sa Math Class, pinag-aaralan ang polar form na kaunggoyan, hindi na ako nakapag-focus, buong klase ay napapatingin lang ako sa kwintas na bituin ko, sinasariwa ang magagandang ngiti ni Eunice. Si Lenaiah naman, katulad ng lagi, natutulog na naman sa klase ito pero ang kagandahan nun,pumapasa siya. Paano pa kaya kung lagi siyang gising, malamang, Summa Cum Laude na yun. Hindi ko na nga pala muna sinabi sa kanya ang pakikipagkita ko ka Eunice, i-susurprise ko yung friend ko, at sasabog na naman ang eardrums niya sa magiging paulit-ulit kong kuwento. 

        Malapit na kaming magkita, wala nang makakapigil pa. Isa sa dahilan ng paglalayo ng tadhana sa dalawang nagmamahalan ay upang maramdaman ang sidhi ng pagkasabik sa isa't isa. I miss Eunice.

UP Diliman, Sunken Garden, 5:03  PM,

        Minabuti kong pumasok pa din ng PE class kahit badtrip ako kay Ma'am Cockroach na may bangs. Pagkatapos ng PE class ko ay dumeretso ako sa Sinking Garden kung saan ko na naman makikita si Lenaiah. "Malamang nag-pe-painting na naman yun ng hell hell, basta ako, excited na ako sa pagkikita namin ni Eunice. 6:45 PM, Marco-Eunice love team is back!", sabi ko sa isipan ko. Pagdating ko sa Sinking Garden, nakita ko si Lenaiah na natutulog na naman pero hindi siya nakahiga, naka-upo siya taos yung tuhod niya ay ginagawa niyang sandalang ng ulo niya.  Pero pagdating ko at nung tinabihan ko siya, napansin ko na nanginginig siya. Labis na pag-aalala ang naramdaman ko.

Ako: Lenaiah!! Anong nangyayari sa'yo? 

Lenaiah: (hindi nagsalita at tumingin lang sa akin)

        Napansin ko na nananamlay ang kanyang mga mata at namumula nang konti yung kanyang mukha. Hinawakan ko yung noo niya at leeg niya, at naramdaman ko na sobrang init niya, mga 37.01 degrees celsius siguro (sana tama estimation ko. lol). Sa lagnat, isa sa pinakamabisang gamot ay ang haplos ng ina. Kaya lang, hindi niya naman ako nanay, di ko sure kung effective ang haplos ko.

Ako: Lenaiah, ang init mo, nilalagnat ka yata.

Lenaiah: Marco............ (hinang-hina sa pagsasalita)

Ako: Dadalhin na kita sa ospital, ang taas ng lagnat mo ehh...

Lenaiah: Huwag na......

Lenaiah: Gusto ko nang mamatay.....

Ako: Bakit, huwag mo nang isipin yan...

        Naiiyak si Lenaiah bunga ng sakit ng ulo niya. Hinawakan niya nang mahigpit na mahigpit yung kamay ko, yung grip talaga, yung nasasaktan na yung kamay ko.

Lenaiah: Marco.... gusto ..... ko .. nang ... mamatay ....

        Pumewesto ako at hinawakan nang kamay ko yung magkabila niyang pisngi, ang init din ng pisngi niya.

Ako: Wag mong sabihin yan, tingnan mo yung mukha ko, artistahin diba, de joke.

Ako: Tingnan mo yung mukha ko, yung taong ito, makinig ka sakin, yung taong ito, gustong-gusto ka laging makitang masaya, maabot ang mga pangarap mo at magkaroon ng kulay ang mundo mo. Paano mangyayari yun mamatay ka? Ha? Sabihin mo nga sakin!

        Tamlay na tamlay ang mga mata pero pilit na dumidilat 

Lenaiah: Marco...... bakit ka ba kasi dumating? Gusto...... ko nang ..... mamatay... Matagal na akong sumuko, Marco..

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon