Chapter 74: Kwintas na Bituin

19 2 0
                                    

CHAPTER 74:

                                Kwintas na Bituin

6:00 AM Sunken Garden, UP Diliman.

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Nakahiga kaming dalawa ni Lenaiah pero hindi sa damuhan, may blangket kaming hinihigaan.Suot suot namin ang aming jogging attire. Nakatagilid ang paghiga namin at nakaharap kami sa isa't isa.  Sa wakas, muli ko na namang nakikita ang isang gandang bihira lamang mapagmasdan sa mundong ito, ang ngiti ni Lenaiah. Natututo na ulit siyang ngumiti, pero alam ko, hindi pa rin nabubura sa kanya ang sugat na dinulot sa kanya ni Juanito Alcantara.

Ako: Hmmm..... Gaano kaya kayo kasaya ni Francia pag nag-aadventure kayo sa panaginip niyo? Hahaha

        Ang awkward nga lang kasi magkatabi kami ni Lenaiah tapos magkaharap pa pero hindi ko na nais pahalagahan pa kung anong isipin ng iba, basta't masaya akong kasama ko siya.

Lenaiah:  Syempre, super saya!!! (ngumiti) .. 

Ako: Nakanaks

Lenaiah: Pero alam mo....

Ako: Ano?

Lenaiah: Ang makita at makasama ka ay mas masaya pa sa kahit anong magandang panaginip. (mala-langit na ngumiti)

Ako: Hahhah nakanaks, ganun din naman ako , walang mapagsidlan ang ligayang aking nararamdan kapag kasama kita. 

        Ngumiti ako sa kanya, yung bihira na full smile ko (half-smile lang kas lagi, Coco Martin smile).

Lenaiah: If it takes hell para makilala kita , ayus lang..

Ako: Ano ka!! (pasigaw kong sinabi buti na lang hindi tumalsik ang laway ko) Hindi ok yun!!

Lenaiah: Hzzzz...

Ako: Pero kung..... Kung impyerno ang pagitan nating dalawa, hindi ako papayag na ikaw ang magdusa, ako ang tatawid para makapunta sa'yo...

Lenaiah: Marco.. bakit ka ba kasi ganyan!??

Ako: Bakit ako ganito? Bakit ako guwapo?? Haahhaa

Lenaiah: Mukha mo..!!

Ako: Hindi ka makapag-kembot stance nuh!??

Lenaiah: hahaha kembot stance , Duhh, I never did that.

Ako: Hindi talaga ako maka-move-on na hindi ka aware na lagi kang nakakembot stance! hahahaa

Lenaiah: (kumunot ang noo) Hindi naman talaga ako nagkekembot stance! Haahhaha

Ako: Hahahah

Lenaiah: May sasabihin ako sa'yo Marco.

Ako: Hahaha basag bungo naman ohh, ano na namang kadramahan yan?? Hahaha

Lenaiah: You proved to me that heaven is real...... 

Ako: Yeah! Totoo yun!! (nag-Coco Martin smile) Ako din , may ipagtatapat ako sa'yo..

Lenaiah: Ano??

Ako: Gusto.....

Lenaiah: (napapangiti si Lenaiah)

Ako: Gusto ko pang magkuwento nang magkuwento sa'yo!!

Lenaiah: Hzzzz....

Ako: Madami akong gustong ikuwento sa'yo.. Kakaiba ka nga eh, kasi kapag kasama kita nagiging akong ako ako. Hahaha gets??

Lenaiah: Huwaattttt??? Nagiging ikaw na ikaw, ikaw? Ahhhh gets!!

Ako: Hahaha ganun nga , tingnan mo ang kwintas na suot ko.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon