Chapter 36: Getting Closer Na Talaga

23 3 0
                                    

CHAPTER 36:

                                GETTING CLOSER NA TALAGA

June 22,2013, Tuesday

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Ito na, papasok na ako sa Comm3 class ko under kay Sir Lumibao. Nag-discuss siya ng theories and models of communication na hindi ako interasado, gusto ko nga siyang tanungin kung interesado si Mr. Lumibao sa commercial model tulad ko pero mukhang nakatuon lang talaga ang atensyon niya dun sa models of communication na hindi ko alam kung para saan, ayun, hindi ako nakinig at lumutang na naman ang isip ko.

Sa isipan ko: Anong okasyon bukas!? , Anong okasyon bukas?! Ano ? Ano????? Birthday ko, ,isang araw na lang at mag-17 na ako. Iiwanan ko na ang edad kung saan nahahaluan ng konting asim ang tamis, ang sweet 16. Ngayon, magiging bitter 17 na ba? Saan, ano, kanino ako bitter? Sa Justine na kumag na yun. Susss, hindi ako bitter.

        Natapos na lamang ang klase namin pero wala akong naintindihan, buti na lang hindi ako natawag para sa recitation.Yun, nakita ko ang aking U.P. friend na si Lenaiah, yun, sinabayan ko na naman siya sa paglakad, hindi ko talaga ma-explain kung bakit pero feeling ko talaga gusto ko siyang maging close, maging totoong kaibigan.

Nilapitan ko si Lenaiah.

Ako: (habang nag-mala-Coco Martin walk, yung walk na may swagger , naks.) Lenaiah, naaalala ko tuloy ulit bigla yung lalaking naka-maskara, nababagabag talaga ako.

Lenaiah: (deretso lang ang tingin) Actually, ako din, pero we don't have to bother ourselves, let's just accept the fact that there are too many weirdos here in UP like you.  (slight na mataray ang boses)

Sa isipan ko: Ikaw nga yung weird diyan eh, nagpe-painting ng Sinking Garden na nagliliyab, laging mataray, laging naninigaw, parang may sariling mundo ayaw nang may kasama, palaging inaantok ,sadyang antukin talaga. 

Ako: Ok ok, kahit pa mala-near death experience yun, mag-move on na tayo friend.

Ako: Lenaiah, Lenaiah, (nilapit ko yung ulo ko sa mukha niya, at nagsalita ako ng medyo pabulong) Hulaan mo kung anong meron bukas. (masayang pagsambit ko kay Lenaiah)

Lenaiah: (tumingin sa akin tapos umirap, yung tipong ang bilis ng pag-move ng pupils niya basta yung pang-mataray na movement ng pupils) Hzzzzzz... What?! (medyo mataray)

Ako: (pababa na kami ng hagdan) Ahmmm grabe ka naman, siret ka na agad , ano ba yan, try mo namang hulaan.

Lenaiah: Ahh, titigalan mo na yung paglapit sa akin?? Eh di maiigi. (mataray ang pagkakasabi)

Ako: Gusto kasi kitang maging kaibigan kaya ako ganito, nung una kasi kitang makita , may nagtulak sa aking bagay na hindi ko alam kung na kaibiganin ka. 

Lenaiah: Hzzzz, I'd rather be alone. (slight na mataray)

Ako: (patuloy pa din kami sa paglalakad) Hmmm... bilis na , hulaan mo na kung anong meron bukas.

Lenaiah: Hindi ko alam. (slight na mataray)

Ako: Sige, gusto mong bigyan kita ng clue?  

Lenaiah: Hzzzz .. Bahala ka, o anong clue? (medyo mataray pa din yung pagkakasabi pero atleast, medyo interesado siya kasi tinanong niya kung ano)

Ako: (ipinakita ko yung kwintas na bituin na suot suot ko) Nakikita mo ba ito? Bakit ko ito nakuha??

Lenaiah: Ahh, bigay sa'yo yan ni ng Eu----nice mo nung birthday mo stupid guy, is it your birthday tomorrow stupid guy?

        Medyo nagulat ako at alam niya na na binigay sa akin ni Eunice yung kwintas nung birthday ko, ibig sabihin , nakinig pala si Lenaiah sa mala-nobela kong pagkukuwento tungkol sa love story namin ni Eunice, akala ko para lang akong nakikipag-usap sa hangin, may tenga pala na binabaling ang atensyon sa masaya at kalauna'y maslimuot kong love story.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon