Chapter 63: Letter to Eunice

31 3 0
                                    

CHAPTER 63:

                Letter To Eunice

October 18, 2010, Tuesday, Freshie Walk , UP Diliman

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Gaano mo katagal kayang mawalay sa isang taong mahal na mahal mo, segundo, minuto, araw, linggo, buwan , taon? Ako, napakasakit sa damdamin ko ang mawalay sa taong mahal ko kahit saglit man lang pero kailangan itong tiisin dahil sa iba't ibang sirkumstansya. Dahil sumabog na ang puso ko sa kagustuhan na makita at makasama si Eunice at upang luminaw sa akin ang dahilan ng galit niya sa akin, gumawa na ako ng isang liham. Sa paraang pagsusulat ng liham ko ito gustong gawin, dahil sa sulat kamay ay mararamdaman mo ang sinseridad ng sumulat, kasama na rin ang pagmamahal niya. Dala-dala ko na sa bag ko yung liham, at dadalhin ko na lamang sa Ateneo de Manila. Nalaman ko na rin pala ang tamang pronunciation ng school nila. Nung High School ako ang pagkakaalam kong pronunciation ng school nila ay 'Ateneo De Manila' at sa pagsisimula ng semestre ngayong kolehiyo nalaman ko na ang pronunciation nun ay Arrheneo De Manila, at sa wakas , nalaman ko na rin ang tamang pronunciation ayon sa mga conyo na nakita ko sa tabi-tabi, "Arrneo De Manla". 

        Nakasama ko naman si Lenaiah, everyday naman kaming magkasama pero hindi naman kami nagiging magkamukha. Hindi rin naman kami nagiging parehas kasi hindi ko naman nagagaya ang kembot stance niya. Hindi ko rin sinabi sa kanya an pagpapadala ko ng liham kay Eunice Alcantara.         

        Pagkatapos ng PE class ko kay Ma'am Cockroach na may bangs, dumeretso ako sa Arrneo De Manla, makakagawa siguro ako ng paraan para kausapin kaagad ng harapan si Eunice subalit kapag ginawa ko yun, magagalit siya at maaabala ko ang tahimik niyang mundo, yun ang sinabi niya sa akin doon sa tapat ng bahay nila noon na huwag ko na siyang guguluhin kahit kailan, dahil mahal ko siya , sinunod ko siya, pero ngayon sumabog na ang puso ko kaya gumagawa na ako ng paraan para makausap siya, pero sa paraang hindi siya mabibigla, sa paraan ng pagpapadala ng liham. "Miss na miss na kita Eunice".    

        Sa padalahan ng sulat ko sana gustong ipabigay ang liham ko ngunit sinubukan ko muna sa mga tao na binibigyan ko ng sobrang taas na respect, sa mga guards. Nandun ako sa gate three, kinausap ko yung guard na naka-toka dun. Nagbakasakali ako na baka kilala niya si Eunice Alcantara, ang shunga ko nuh, sa dami daming estudyante ng Arrneo De Man University, makikilala niya si Eunice? Ano yun, sakto?

Ako: Manong guard, kilala niyo po ba itong nasa litrato? 

        Wala akong picture ni Eunice, pero meron akong class picture nung 4th year high school. Kahit maliit lang ang pagmumukha ni Eunice, makikilala naman siya siguro ng taong nakakakilala sa kanya.

Manong Guard na may nunal sa noo: Ahh oo, Eunice yata ang pangalan niya, mabait yan, binigyan ako ng mais niyan noon, lagi ko yang nakikita dito.

        Hindi ko na kailangan pumunta sa padalahan ng sulat. Ano yun, sakto? Karamihan sa mga inaakala nating coincidence ay tinadhana pala talaga. Bigla ko ding naaalala yung moment na natambay pa ako sa tapat ng Ateneo para makita si Eunice pero wala akong napapala. Lagi naman pala siyang napapadaan sa gate three pero kahit kailan di ko man lang sya natiyempuhan.

Ako: Ohh talaga po!!?? (labis na ligaya ang natambak sa mga mata ko)

        Pinabigay ko sa guard na may nunal sa noo yung liham ko at syempre, sinabihan ko siyang wag na siyang maki-tsismis pa. Yun, sa awa ng Diyos, pumayag siya na ibigay yun sa pinakamamahal ko, ang pinakamagandang likha ng Diyos, Eunice Alcantara. "Ito na, nararamdaman ko Eunice, malapit na kitang makasama". Sinabi ko rin kay Manong Guard na babalik ako  2 days after (sa Thursday) para hintayin ang response niya.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon