CHAPTER 67:
Finally
MARCO'S POINT OF VIEW:
Deserving ba ang mundong ito para makatanggap ng ating mga ngiti? Puno man ang mundo natin ng iba't ibang klase ng disorder, hindi pa rin natin maaalis ang katotohanan na ang mundong ito'y nagtataglay ng mala-langit na ganda. Gayunpaman, masakit sa bangs dahil may kilala akong tao na hindi man lang hinahandog ang ngiti niya sa mundong ito at sa mga taong naninirahan dito. Para sa kanya, this world doesn't deserve her smile because this is hell daw. Well, ano man ang kanyang pananaw, siya pa din ang kaibigan ko, si Lenaiah Mae Maglinao, hindi ko man alam ang dahilan ng galit niya sa mundo, tutulungan ko siyang mabigyan ng kulay ang mundo niya at mahanap niya ang tunay na kaligayahan. The girl who doesn't smile, allergy siguro sa kanya yung ngiti niya, de,joke.
October 28, 2010, Friday , 8:07 AM
Nasa may likuran kami ng bahay, pinilit ako ni Lenaiah na siya na lang daw ang maglalaba ng mga damit niya...
EUNICE'S POINT OF VIEW:
Tinuring ko siyang Bestfriend pero nagawa niya kong ipadukot at pinalabas niya pa na si Marco ang may gawa nun., Ang bad bad niya. He's not a true bestfriend. Tapos yun, nagpasama ako kay Mang Roland papunta sa Barangay San Luis para makapag-sorry na sa super crush kong si Marco sa paglayo ko sa kanya. Kahit na hindi mo ko sinipot sa Dagohoy Park, sure akong may marahil na dahilan kaya Marco, panahon na para tayo'y muling mag-meet, "I miss you na super crush".
Ako: Mang Roland! Samahan niyo na po ako!!
Mang Roland: Sige po Ma'am.. (lumapit para buksan yung gate ng garahe namin)
Bigla kong na-notice na papasok na din ang kotse ni Daddy.
Daddy: (bumaba ng car)
Lumapit sa akin , yun, naging excited na rin ako kaya nung ina-approach niya ako , lumapit na din ako sa kanya.
Ako: Daddy!!
Daddy: Saan ka pupunta , Anak??
Sa isip ko: Daddy!! Totoo po ba yan!??? Anak!??
Ako: (ngumiti ako) Daddy, pupunta lang po ako sa friend ko.
Daddy: Sinong friend yan, Anak?
Ako: Ahmmmm yung na-mimiss ko na pong friend, si Marco po.
Daddy: Marco David Jimenez? (ngumiti)
Ako: Daddy! Kilala niyo po siya!?? (masaya kong sinabi)
Daddy: Oo. Pumasok ka na sa bahay at hindi mo siya puwedeng puntahan.
Ako: Daddy, bakit po? (na-sad ang face ko)
Daddy: Basta, makinig ka na lang sakin kung gusto mo pang ituring kitang anak. Pasok sa loob! Bilis!!
Sa isip ko: Bakit Daddy?? May kinalaman ba si Justine dito?!! Huhuhuhu
Daddy: Tandaan mo ito, huwag kang lalapit sa Marco na yun kahit kailan!
MARCO'S POINT OF VIEW:
Nasa may likuran kami ng bahay ni Lenaiah. Habang naglalaba si Lenaiah ay nakikipag-usap ako sa kanya.
Ako: Lenaiah, bisita ka dito, ayaw kitang pagtrabahuin. (nag-Coco Martin Smile)
Lenaiah: Ayoko namang mag-prinse-prinsesahan dito. (blangko ang emosyon)
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...