CHAPTER 59:
Blind Date
Marco: Ako
Lenaiah: Ako
Marco: Ang babaeng walang cute na bangs
Lenaiah: ...Ang babaeng walang cute na bangs
Marco: Pero may mala-prinsesang fess
Lenaiah: Pero may mala-prinsesang face
Marco: Fess
Lenaiah: Face
Marco: Fess!
Lenaiah: Fess
Marco: at may pangalang
Lenaiah: at may pangalang
Marco: Lenaiah Mae Maglinao
Lenaiah: Lenaiah Mae Maglinao
Marco: ay nangangako
Lenaiah: ay nangangako
Marco: sa aking sarili
Lenaiah: sa aking sarili
Marco: na hinding hindi maiinlove
Lenaiah: na hinding hindi maiinlove
Marco: kay Secret Boy
Lenaiah: Kay... kay.... Marco David Jimenez....
Napatigil silang dalawa at napatagal na nagtinginan sa mata ng isa't isa.
Marco: hahahaahahha (umubo) Hahahahaahah
Marco: Haahahah , joker ka na pala ngayon, hahaha ang galing mo nang mag-joke!
Lenaiah: Hzzzz.......
Sa isip ni Marco: Hindi ko alam kung tama ba talaga ang inad-vise ko sa'yo na huwag mo nang ibigan pa kung sino man yung Secret Boy na yun. Hindi ako expert sa pag-ibig , hindi ako mala-Otep o mala-Joseph. Pero sa pagkakataong ito, yun ang pinakamagandang advice na kaya kong ibigay, kasi may jowa na yung Secret Boy na yun ehh, ayokong maranasan mo kung gaano kasakit ang pag-ibig, kaibigan, hintayin mo na lang ang pagdating ng Prinsipe mo.
MARCO'S POINT OF VIEW:
Wala akong talent sa larangan ng pag-ibig . Yun na ang pinakamagandang kaya kong ipayo sa special friend ko, dapat lang na hindi niya maranasan kung gaano kapait ang pag-ibig. Pero natawa talaga ako sa joke niya ahh, parang sinasakyan niya ako sa pagiging Coco Martin ko.
Yun, nakaalis na si Lenaiah, gamit ang kanyang car na truly world class.
Sa kuwarto namin ni Joseph sa Kalayaan Residence Hall, nag-uusap kami ng second Joseph of my life.
Joseph:Hmmm... I guess, that guy.... ahmmmm, ginagamit ka niya para sa Research niya. (may twang
Ako: Research?
Joseph: Ya Bro, Research, baka major siya sa Psychology , pinag-aaralan niya kung ano ang response ng tao.
Ako: Kung ano man ang intension niya, hindi ako papayag na maulit pa yung muli. (hinawakan nang mahigpit ang kwintas na bituin)
Comm3 Classroom, Palma Hall, UP Diliman, 7:09 AM. September 13, 2010 Tuesday
Pumasok ang muling blooming na blooming na si Mr. Lumibao, basta , kakaiba ang aura niya, masaya yata siya, sana ganun lagi ang nakikita kong aura, masarap sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...