CHAPTER 50:
MARCO'S POINT OF VIEW:
Isang napakabigat na mga salita ang sinabi ni Lenaiah na parang isang napaka-importanteng bagay.
Ako: Princess Lenaiah, ano po yung sasabihin niyo?
Princess Lenaiah: Marco, ang pasmado ng mga kamay mo.
It feels like, ughhhh, napapa-conyo na din tuloy itong si Marco David Jimenez, akala ko pa naman kung anong importanteng bagay ang sasabihin nitong si Princess Lenaiah.
Ako: (bumitaw sa kanya at pinunas ko sa aking kasuotan na hineram ko sa isa ko pang dormmate, yung sa kabilang kuwarto lang,ma-pride ako, hindi ako nangheram kay Joseph ng kasuotan , kung ayaw niya akong tulungan na ipadama kay Lenaiah na isa siyang prinsesa eh di wag)
Ako: (muli kong hinawakan ang kaliwa niyang kamay at itinaas ko ito at inikot ko siya, basta yung tradisyonal na bahagi ng sayaw kung saan iniikot ng lalaking ang babae niyang kasayaw)
Princess Lenaiah: (seryoso ang itsura pero ramdam ko ang saya sa kanyang mga mata suot suot niya pa din ang korona, ang galing , anong klaseng ulo ang meron siya at hindi basta basta natatanggal ang koronang karton na ginawa ko)
Habang iniikot ko siya, unti-unting naging blurred ang paningin ko, at nang naibalik ko na si Princess Lenaiah sa puwesto niya, mukha ni Eunice ang nakikita ko, teka, muli lang pala nag-pa-flashback sa isipan ko ang first dance ko, ang sayaw namin ni Eunice.
flashback starts........
Hindi man lang tumagal sa ulo ni Eunice ang korona, pinulot ko ulit,isinuot ko at nung nagsayaw kami, hinangin ulit, ano ba yan, ganoon katanga ang isang Marco David Jimenez, isa akong malaking bobo ng lipunan. "Basag bungo naman oh" , sabi ko sa sarili ko habang masalimuot kong pinagmamasdan ang korona ni Eunice.
Eunice: Ano ba yan , Marco David Jimenez... Ehh
Ako: Sorry Eunice, natatanggal, hahaha Sige, hayaan mo na, mukha ka naman talagang prinsesa may korona ka man o wala.
Hindi ko na pinulot yung walang kuwentang korona ko na gawa ko mula sa papel, oy, bond paper naman yun. Yun, patuloy pa din kami sa pagsasayaw.
Eunice: (nakangiti) Sus, hay nako Marco David Jimenez, nagpapalusot ka pa diyan ,kotongan kita diyan ehh.
Ako: Sige nga, gawin mo nga. Hahaha
"Aray", yun, kinotongan nga ako ni Eunice, hindi naman sobrang sakit, keri lang.
Nakatingin ako sa magandang mukha ni Eunice, ayun , nakangiti siya sa akin, ang sarap sa pakiramdam na kasayaw ko siya, gumagana na naman ang Theory of Relativity ni Albert Einstein, bumabagal na naman ang oras. Nag-iislowmotion yung pagngiti niya, ahhh, ang bawat lyrics ay tumatagos talaga sa aking damdamin. Ang bawat movement ay tagos puso sagad to the bones, pati bone marrows ko kinikilig. At alam kong ganun din siya nung pagkakataong yun, chos, "Eunice, wala ka talagang kasing ganda", sabi ko sa sarili ko. "Eunice, hindi ko man nasasabi sa'yo na I Love You, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa dulo ng aking hininga", sabi ko sa isipan ko. Na-bother din ako sa sinabi kong iyon sa isipan ko, ano kayang dulo ng isang hininga. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang mga kamay, "Ayoko nang matapos ang sandaling ito" , sabi ko sa isipan ko. Walang mapaglagyan ang tuwa na aking nadama, ayoko nang matapos pa, gusto ko lagi kaming ganun. Inikot ko si Eunice kagaya nung pag-ikot sa mga traditional na pakikipagsayawan.
flashback ends......
Nakatulala lang ako sa magandang mukha ng friend kong si Princess Lenaiah. Natapos na pala ang pag-flashback sa isipan ko. Ganun pa din si Princess Lenaiah, hindi naka-ngiti pero kita ko naman sa mga mata niya ang labis na saya na nararamdaman niya. Patuloy lang kaming dalawa sa pagsasayaw nang bigla akong pumiglas sa pagsasayaw namin.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...