Chapter 25: The Diliman Arc

31 3 0
                                    

                                                PUPPY LOVE TRUE LOVE 

                                                                Volume 2 

CHAPTER 25:

                                        The Diliman Arc

May 31, 2010, Monday

The adventure begins....  

Marco's Point Of View:

        Ito na, nasa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Dito, may apat na economic status: Rich, middle class, poor  at yung pinakaa-ayaw ko sa lahat ay yung feeling rich lang. Napadaan ako sa Oblation, yung naka-open arms na nude,pero nung tiningnan ko yung private property niya, may shell naman kaya di naman siya ganun ka-disturbing. Sa pagdaan ko sa oblation, sa jeep, ako'y muling napatulala at muling nag-start yung flashback sa isipan ko.

        Naalala ko yung isang scene ulit namin ni Eunice sa may garden katabi ng program hall namin. Agosto 2009 nun, pinag-uusapan namin yung UPCAT. Nakatingin kami ulit dun sa mga flowers(yung Alpine Forget-Me-Not).

Eunice: (nag-widespread arms yung parang kay Oble) Marco!! Na-fifeel ko na yung kaba .. Huhuhuhuhu (yung sad face niya na may pa-cute effect)

        Ehh habang naka-widespread yung arms niya..

Sa isip ko nun : Ahh parang ganito yung scene nina Jack and Rose sa Titanic ahh, nung nasa may dulo sila ng barko. Naka-wide spread  open arms din nun si Rose parang kay Oble, habang yakap yakap siya ni Jack sa may likuran niya. Ehh ano kaya, gayahin ko kaya sila? Barko at yakap ko na lang kay Eunice ang kulang , mala-titanic na kami.

Eunice: (mukhang nangalay, binaba yung open arms) Hoyy Coco Martin!  Magsalita ka diyan! 

Ako: Ayy sorry, may naisip lang ako. Kinakabahan ako.

Eunice: Pag tinatawag ka talagang Coco Martin, nagigising yang diwa mo!!  Nakakinis ka talaga.  -_-

Eunice: Sus, huwag kang kabahan, magpakatatag ka, magiging Civil Engineers pa tayo diba?!! (yung lagi niyang cute na smile, basta, halos sa bawat pagsasalita niya naka-smile siya)

Ako: Yeah!! Tapos nun, gagawa tayo ng tower na abot yung mga bituin sa langit!! (Tiningnan ko yung kwintas kong bituin)

Eunice: We just have to believe in magic and together we will reach all of those stars!!  Hmpp!! (nag-smile na naman siya)

Ako: Naks, English , nosebleed!! 

        Yung moment na yun, parang gusto kong i-grab yung opportunity para mambola.

Ako: Eunice! 

Eunice: (tumingin siya sa aking mga mata yung tipong may sparks talaga)

Ako: Eunice, hindi tayo tao, hindi tayo hayop ...

Eunice: Hayyyy (yung ngumuso siya na parang nababadtrip pero yung pa-cute na effect, nakakunot pa nga noo niya pero ang cute talaga)   Kung mag-pi-pick up line ka naman , dapat yung hindi sikat -_-

Ako: stars tayo, patuloy na nagniningning  (kumindat sa kanya)

Eunice: pick up line ba yan?? Kotongan kita diyan eh nang matuto kang mag-pick up line . Sige na nga Marco, stars talaga  tayo.  

Eunice: Basta pag nasa UP na tayo , tambay tayo lagi sa Sunken Garden ahh!!

Ako: Kasama yung bestfriend kuno mo? (pabiro kong sinabi)

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon