CHAPTER 48:
Mga Kaunggoyan ni Marco
July 28, 2010
MARCO'S POINT OF VIEW:
5:39 AM
Pagkagising ko, mukha na naman ni Eunice ang naalala ko,mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwintas na bituin ko, hindi na nga pala ako dumaan ng Arrheneo nung mga nakaraang araw dahil nakinig ako sa payo ng aking friend na si Lenaiah. Oo nga pal, ngayon ko nga pala isasakatuparan ang pinaplano kong kaunggoyan. It's Lenaiah Mae Maglinao's 18th birthday!! Yehey!! Debut niya na. Yung mataray na babae na yun, isa ng ganap na dalaga, adult na siya, hahaha ako bata pa din. 17 pa lang.
Sa Comm3 Class namin,
Sa isipan ko: Basag-bungo naman itong Lenaiah na ito, natutulog na naman sa klase, buti na lang at pinapabayaan ka na lang diyan matulog ni Sir, sa bagay, demokratikong institusyon itong UP.
Pagkatapos ng Comm3 class namin, naglabasan na sina Sir Lumibao at yung ibang classmates namin, yun, ginising ko si Lenaiah pero hindi ko muna siya babatiin ng 'Happy Birthday' , wala lang trip ko lang mangasar atsaka hindi niya din naman ako binati nung birthday ko. Ang hindi binabati sa birthday nila, gumaganti. Hahaha. In fairness,bagay sa kanya yung classical na skinny jeans na suot niya pati yung brown boots niya, parang pinag-isipan talaga , tapos yung shirt niya, bagay talaga sa kanya, mint green na may floral print. May karapatan naman talaga ang magaganda na magsuot ng magaganda ring damit. Hindi naman talaga ang damit ang nagbibigay ng ganda, taga-support lang yan. Kung nagkataon na ang damit mo lang ang nagpapaganda sa'yo ay mag-direct to the point na ako, ibig sabihin nun panget ka. Oo, panget. Hindi naman nakakahiyang maging panget, ang nakakahiya, kung panget na ang pagmumukha mo, panget pa ang ugali mo.
Ako: Ate Lenaiah, Ate Lenaiah, (tinatapik ko sa ulo si Lenaiah) Gising na po...
Lenaiah: (nag-unat , humikab, yun, parang gusto ulit mag-lie down)
Ako: Ate, extend ka pa? Time na. (nakakaasar na boses)
Lenaiah: (tumayo na) Huwag mo nga sabi akong tatawaging Ate.
Ako: Ehh di , sige, tara na friend.
Lenaiah: Sige,tara na sa next class.
Ako: Uyy, gusto talaga na 'friend' ang tawag ko sa kanya. hahha.
Lenaiah: Bahala ka nga diyan (masungit ang itsura)
Ako: Oooppsss, huwag magsusungit... (napatigil ako sa pagsasalita)
Ang sasabihin ko sana ay, "Oooppsss, huwag magsusungit, birthday na birthday eh, debut pa"
Sa isipan ko: Dapat , magmukhang nakalimutan ko na birthday ni Lenaiah.
Naglalakad na kami papunta sa next class, magkatabi kami sa paglalakad, sabay na sabay, para kaming mga sundalo.
Ako: Lenaiah, yang mundo mo, pangako ko sa iyo, bibigyan ko ng kulay yan. (masaya kong sinabi)
Lenaiah: Hzzz... Yan ka na naman sa mga ganyan mo Marco.
Ako: Ibibili kita ng kagamitang pang-painting para magkaroon pa ng kulay ang mundo mo. Haahaaha
Lenaiah: Oo, tapos , ibubuhos ko sa pagmumukha mo ahh... (masungit ang itsura)
Nakababa na kami sa Palma Hall, tapos , naglakad kami sa biker's lane para sa next class namin.
Habang kami ay naglalakad sa kalsada
Lenaiah: (pa-deretso na si Lenaiah, pero bigla ko siyang hinila paatras, hinila ko ang kamay niya) Arrrgghhh, bakit ba Marco?
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...