Chapter 61: Marco Turns Really Really Gay

27 3 0
                                    

CHAPTER 61:

MARCO'S POINT OF VIEW:

                                        Marco Turns Really Really Gay

        Nandito pa din kami sa Star City, yun, gabi na pero maganda naman kasi yung night life doon, hindi mo feel na gabi kasi yung mga ilaw ,ang gaganda.  Nagpaalam muna ako panandali kay Lenaiah upang ako'y makapag-CR, "Men's CR". Umihi ako sa loob ng cubicle , hindi ako dun yung sa nakasabit sa wall, urinal (kung hindi mo alam yung urinal, GMU , = Google Mo Unggoy)

        Habang nakatingin ako sa salamin, nagkaroon ako ng evaluation ko sa aking sarili. "Tama ba yung sinabi ng estranghero kanina na kapag broken-hearted sa taong sobrang mahal mo ay puwedeng magbunga ng pagiging bakla?, sus, hindi yun totoo". Porket hindi ako umihi sa urinal, tagilid na?, Hindi yun, mas nagkakaroon ako ng  emotional moment kapag sa cubicle. Ako, broken-hearted ako nang sobra sa mahal na mahal kong si Eunice pero hindi naman ako nababakla? Diba? Ang magpapatunay lang na isa na talaga akong bakla ay kapag na-inlove ako sa isang lalaki at MALABONG mangyari ang ganun. Hindi ako ma-iinlove sa isang lalaki dahil hindi ako bakla.

        Nag-ikot ikot pa kami kasama ang mataray na si Lenaiah na kahit kailan ay hindi man lang ngumiti pero ok lang, kitang kita ko naman sa mga mata niya ang saya. May nakita kaming isang booth sa Star City. "Aling Shemeni's Booth",  yan ang pangalan, may description sa labas yung booth na yun pero di ko keribels na basahin pa iyon. 

Ako: Lenaiah, tara pumasok tayo dito.

Lenaiah: Hzzzz..... Ok. (mataray na sinabi)

        Pagpasok namin, may nakita kaming tatlong lalaki na nakikipag-usap sa isang manang na weird ang itsura, kulot ang buhok, ang kapal ng blush-on (blush-on? tama ba? , malamang mali kasi hindi ako bakla) , ang kapal ng foundation, yung lips niya din , red na red, kainggit este kainis. Sa paligid ng paraang maliit na bahay na booth , makikita yung parang costume ng iba't ibang mascot ng anime' characters , meron ding mascot ng  animals.(basta yung costume na matatakpan yung buong katawan mo, yung parang may makapal na something na maiinitan ka kapag suot-suot mo). "Nasaan ba kami?"

        Tapos , pinanood namin yung tatlong kalalakihan na nakikipag-usap dun sa manang, yun yata si Aling Shemeni.

Guy1: (nasa harapan ng table ni Aling Shemeni)

Guy1: Aling Shemeni, Gusto ko po talaga i-try yung Barney na mascot, customer naman ako at magbabayad ako.

Aling Shemeni: Hindi ka puwede. 

Guy2: Booom!

Guy3: Kawawa ka brad!

Aling Shemeni: Aber, Hinde ka pasok sa qualities na like ko, ang pinapayagan ko lang na magsuot ng mga mascot na ito ay yung mga lalaking sobrang guwapo, yung kayang magpatulo ng laway ko kapag tinitigan ko, yung kayang mag-boil ng ovaries ko,yung kayang magpalaki ng mga mata ko, yung tingin pa lang, artistahin na , yung may dating talaga.OMG, yung lalaking may mala-anim na pandesal na abs yung kapag hinawakan mo ay parang bato ang abs, ha-ha, na-ha-high na naman ako, syempre, yung malalaki din yung biceps at triceps , yung lalaking iisipin mo na puwedeng model ng underwear dahil sa OMG na sobrang ka-machohan, yung lalaking charming na charming , yung lalaking parang si Superman, yung lalaking ngiti pa lang , puwede ng ulam, yung lalaking kapag tumindig, OMG, hot na hot, yung lalaking dream guy ng lahat.

Guy1: Ano kaya yun, paano kayo kikita kung masyado kayong mapili sa mga customer niyo, tara na nga mga brad, nagsasayang lang tayo ng oras dito, mag-star flyer na lang tayo.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon