CHAPTER 18:
Marco's Point Of View:
Ang bilis ng mga pangyayari, nasa kamay na ni Justine si Polar bear, wala, kinabahan na lamang ako at halos hindi ako nakapagsalita agad.
Ako: Ibalik mo sa akin yan! (medyo nag-init na ang dugo ko mga 40 degrees celsius)
Justine: Ibibigay mo ba ito kay Eunice?! (mukhang nag-init din ang dugo niya, mga 40.1 degrees celsius)
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Masisira na naman ang isa kong plano. Hayy Kamalas ehh.
Ako: Oo, Kay Eunice! Bakit akala mo ba sa'yo? Bakit gusto mo ba niyan?? (binanatan ko na lang ng asar)
Nagtawanan sina Dexter at Reynaldo habang si Justine naman ay tila nagkikiskisan na ang mga ngipin dahil sa galit.
Nang biglang.....
Justine: (binagsak ang polar bear ko sa lupa, inapakapakan niya) Ehto ahh .. Lumayo ka na nga kay Eunice!! (inapakan pa nang inapakan ang teddy bear)
Napasigaw na lamang ako ng "HUWAG"! Yun , gumana na naman ang Theory of Relativity ni Einstein, bumagal ang oras ayon sa aking frame of reference, yung bawat pag-apak ni Justine sa Teddy Bear ay tila ba slow-mo. Ewan ko ba, nakakabata, napapaiyak na ako, hindi naman dahil sa mahal ang teddy bear na yun, dahil maaaring yun ang pag-asa ng pagkakasundo namin ni Eunice, ang graduation gift na gusto niya raw manggaling sa taong mahal niya na iniisip ko na ako. Yung apak sa mukha ni polar bear ay napakalala, pati na rin sa iba't ibang parte ng katawan niya ay napakasakit din. Slow-mo din ang pagtakbo ni Otep papunta kina Justine habang ako'y nakatunganga lang.
Tinulak ni Otep si Justine at natumba agad si Justine. LAMPA. Subalit bumawi ang dalawa niyang tropa at itinulak din si Otep, natumba din si Otep. TWO vs One, UNFAIR. Yun tumakbo ako kaagad kay Otep dahil naramdaman ko na ang maaaring patunguhan nun, isang malagim na kaganapan kaya pinakalma ko si Otep. Lumuhod ako sa may tabi niya.
Ako: Otep , relax ka lang , pakikiusapan ko na lang si Justine.
Muli ko na namang ibinaba ang pride ko, yumuko ako sa harapan ni Justine na kakatayo lamang. Nagulat si Otep sa ginawa ko, pinigilan ako ni Otep pero itinuloy ko pa din. Nakiusap ako kay Justine na ibalik na sa akin ang teddy bear na polar bear pero apak apak niya pa din iyon. Dahan-dahan kong inabot ang kamay ko sa teddy bear upang ito'y kuhanin pero sinipa ni Justine ang kamay ko. At pagkatapos, pinulot ni Justine ang teddy bear at agad na itinapon sa isang malapit na basurahan. Halos nadurog na naman ang puso ko sa ginawang iyon ni Justine. Itinapon niya ang teddy bear na polar bear na maaaring susi sa pagkakasundo namin ni Eunice!! Nakita ko na galit na galit na rin si Otep. Dumidilim na yata ang kanyang paningin.
Ako: Justine!! Bakit mo ginawa iyon??
Justine: Kasi gusto kong gawin, that's a trash. (American accent)
Otep: (biglang napa-English din, yung Filipino accent na yung pag-pronounce eh walang slang) It's not a trash! Kung alam mo lang kung gaano pinahahalagahan ni Marco yan!!
Na-touch ako dun sa sinabi ni Otep na yun pero galit na galit na din siya at hindi niya na makontrol ito. Ako din nama'y galit na galit na rin nun pero nakontrol ko pa ang aking emosyon dahil siguro, nasanay ako, pero ito yun na talaga yung pinaka-worst (redundant talaga kasi sumosobra na sila) . Idinamay pa nila si teddy bear na polar bear!!
Ako: (hinawakan ko sa may braso si Otep) Kalma lang brad.
Pinuntahan ko ang basurahan upang kunin muli si teddy bear na pinagtapunan ni Justine pero agad niya akong hinarangan at ako ay bigla niyang tinulak. Halos mapatumba na ako pero nasalo ako agad ni Otep, ang bilis ng pagkakasalo niya sa akin,pwedeng pwede siya sa cheerdance. At nang muli na akong makatayo, muli kong binulungan si Otep.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...