CHAPTER 16:
Graduation Day, March 24, 2010
6:30 AM pa lang ay nasa eskwelahan na kami. Ayos na ayos ang itsura ko mala-Coco Martin talaga. Syempre, suot ko pa din yung bituin kong kwintas na natakpan ng toga Pinadala ko kay Tatay yung bag na naglalaman ng Teddy Bear. Napansin ko lang sa program hall namin, hanep, mas gumanda pa. Napakaraming palamuti,as in sobra sobra. Parang may Royal Wedding, ang astig talaga, magiging napaka-memorable talaga nitong graduation na ito.Nagtanung-tanong din ako kay eyeglasses boy kung anong mga gagawing seremonya, yung tungkol sa mga kanta, talumpati, etc.6:45 daw ay kailangan na naming pumila. Nasa may bandang unahan daw ako ng graduation march, pang-siyam mula sa pinakauna.Nakaka-proud din palang maging honor student, akalain mo, out of more than 300 graduates, pang-siyam ako sa maglalakad. Nasa unahan si Eunice. Pitong tao ang pagitan namin, medyo masaklap din pala talaga.
Sina Tatay, Nanay at Baby Angel ay naghanap na ng mapupwestuhan. Sunud-sunod na ring nagdatingan ang mga graduates at ang kanilang mga parents. Hinintay ko siya, walang iba kundi si Eunice, medyo matagal ang pagdating ni Ms. Valedictorian.Habang hinihintay ko siya, lungkot at kaba ang bumalot sa puso ko. Natakot ako na baka iyon na ang huling beses ko siyang makita.
Sa isip ko: Hala! , kailangang magkasundo na talaga kami ni Eunice, kailangan kong malaman kung anong dahilan ng pagtatampo niya sa akin. Kilala ko si Eunice, hindi magagalit iyon ng ganun ganun lang! Hindi niya nais saktan ang damdamin ko,may dahilan, ramdam ko iyon Eunice, sabihin mo sa akin. Ayokong mawalay sa'yo Eunice. Ibibigay ko ang gustung-gusto mong teddy bear maya maya. Wooooh, kinakabahan ako.
Dumating na si Justine, Wow, ang daming bodyguards, ang ma-macho ng bodyguards. Maraming sumalubong, hindi kay Justine, kundi sa Tatay niyang Mayor ng aming syudad. Nakatayo lang ako sa may malawak na daanan papasok ng program hall.Habang ang karamihan ay nagsimula ng pumila. Nakatitig lang ako kay Mayor Enrique Salvador, nakita ko ang itim na aura na bumabalot sa kanya. Basta, masama ang dating niya sa akin, habang siya'y papalapit ng papalapit, may naramdaman akong init sa aking sarili. Parang tumaas ang aking blood pressure. Pumila na si Justine at pumwesto na sa unahan bilang wala pa si Eunice. Subalit, imbes na pumunta na si Mayor Salvador sa mga upuan ng parents. Palapit siya sa akin. Hindi ako gumalaw sa aking pwesto, nanatili akong nakatingin sa kanya, mas inayos ko ang aking tindig yung parang boyscout, deretso siya patungo sa harapan ko, ang lawak lawak ng pedeng daanan pero bakit sa kinatatayuan ko pa. Iyon, nakatayo na din siya sa aking harapan, inisip ko na kung nais niyang dumaan, doon sa gilid ko, at hindi naman ako malaking harang , ang lawak lawak ng madadaanan. Nakapuwesto siya sa aking harapan, nagkatitigan kami. Kitang-kita din ang malaki niyang tiyan na mukhang saganang sagana sa mga nakurakot niya sa taumbayan. Matapang akong tumingin sa kanyang mga mata at ganun din siya. Matagal kaming nagkatitigan. Ngumisi siya sa akin, mala- Justine style lang, umalingasaw ang amoy ng masama niyang pagkatao.Imoral na tingnan ko siya ng masama, I had to show RESPECT. Ang pagpapakita ng RESPECT ay walang pinipiling tao, karapatan ng bawat isang i-respeto. Hindi ako isang tao na nag-aalis ng karapatan kaya naman bilang paggalang sa butihing mayor ay nakipagkamay ako. Medyo hinaluan ko na lang ng konting kaplastikan, konti lang naman.
Ako: (habang nakikipagkamay) Ahmm Mayor, good morning po.
Mayor Enrique: Bakit hindi ka pa pumipila Marco?
Natulala ako ng sandali nang sinabi niya iyon. "Alam niya ang pangalan ko?". Inisip ko na baka nabanggit lang ako ni Justine sa kanya.
Ako: Ahhhmmm........ May hinintay pa po kasi ako ehh, (kamot sa ulo)
Dumaan siya at kanyang mga bodyguards sa magkabilang gilid ko. Bigla ko ding na-realize na nasa pinakagitna pala ako ng daanan pero ok lang iyon, para sa pagdating ni Eunice ay kitang-kita niya ako. Dumating na ang pinakahihintay ko, ang pinakamamahal ko at ang pinakamagandang likha ng Diyos, Eunice Alcantara. Ang cute ng make-up niya. Nagtinginan din ang mga magulang sa kanya at nagbulungan sa pagdating niya. Nagandahan din sila. But for me, I prefer na huwag na siyang mag make-up dahil mas maganda sa kanya ang simple lamang. Yung kalungkutang nadama ko nung mga nakalipas na araw ay tila ba nawala at napalitan ng saya. Masaya akong makita na natupad yung isang wish niya. Kumpleto sila sa graduation day! Lagi namang nakangiti si Eunice, pero pag masaya talaga siya kitang-kita ang ligaya niya sa kanyang mga mata. Kasama niya ang Daddy niya, hawak hawak pa niya ang braso ng Daddy niya. Dream Come True siguro ito kay Eunice. Naging teary-eyed akong muli.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...