CHAPTER 55:
The Broken Promise
MARCO'S POINT OF VIEW:
Labis na kaba ang naramdaman ko sa pagsigaw ni Lenaiah na yun. Siya lang ang nag-iisa sa room na yun at natakot ako na baka may masama nang nangyayari sa kanya. Naglakad ako nang sobrang bilis papunta sa room na yun, dinaig ko pa yata si Flash. Sa pagpasok ko sa kuwarto na yun , nakita ko si Lenaiah na nakaupo sa sahig at tila ba hinang hina. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya, lumuhod, at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi dahil sa labis na pag-aalala.
Ako: (hawak hawak ang mukha ni Lenaiah) Lenaiah!! Anong nangyari sa'yo?? Ok ka lang ba, ha? .
Lenaiah: Nanghihina ang katawan ko. (medyo nahihirapan magsalita)
Ako: Bakit, anong nangyari? Saglit lang akong nawala , napahamak ka na, ayokong nakikita kang nahihirapan. Ano bang nangyari sa'yo? (alalang-alala ang tono ng pagsasalita ko)
Lenaiah: A device was used on me, it caused a mild electrocution. (hinang-hina)
Sa isip ko: Basag-bungo naman ohh, tagalog na lang friend.
Ako: Ha--- ahmm, ano yung ginamit sa'yo?
Lenaiah: Isang gadget na nakakakuryente, dinikit niya sa braso ko... at dahil doon napaupo ako at hindi kita natawag kaagad dahil halos hindi ako makasigaw. (hinang hina)
Hindi ko alam ang pakiramdam yung paano makuryente at ayokong maramdaman. Base sa pagkakakita ko sa sitwasyon ni Lenaiah, halos hindi siya makatayo at hinang hina talaga siya. Malayo naman ang kalagayan niya sa mga taong nakukuryente talaga ng bongga, dahil sila, nasusunog at naninigas ang mga buhok. Sa kabutihan palad, si Lenaiah ay nanghihina lamang, mas mabuti na yun kaysa sa masunog siya. Alam kong mapang-api si Lenaiah pero hindi ko kayang tanggapin na makita si Lenaiah na nahihirapan at nasasaktan, syempre, special friend ko siya, siya ang second UP friend ko. Hindi ako papayag na masaktan ng kahit sino ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Lenaiah. Hindi ko alam kung anong klaseng gadget yung ginamit niya, basta, alam kong hindi maganda ang dulot nun, hindi ko alam kung anong purpose ng pagka-imbento ng mga sandatang gaya nun na walang iba kundi pasakit lang naman ang dinudulot. Ang dapat na purpose na electricity ay makatulong sa mga tao, hindi para makapanakit.
Lenaiah: That guy!! Grrrhhhhhh...
Ako: Sino ang may gawa nito sa'yo? Walang pwedeng manakit sa'yo Lenaiah hanggang nandito ako. Walang puwedeng manakit sa isang prinsesa. (tumingin siya sa aking mga mata, taglay din nang kanyang mga matataray na mata ang panghihina)
Sinabi ko sa kanya at sa sarili ko na hindi ko na siya tatawaging prinsesa , pero , hindi ko mapigilan dahil sa puso ko ay isa talaga siyang tunay na prinsesa na hindi pa rin natatagpuan ng kanyang prinsipe.
Ako: Sabihin mo na..... Sino?!! (galit na galit akong nagsalita)
Hindi ko sure kung natural lang sa akin ang magalit nang sobra pero nung nakita ko ang kalagayan ni Lenaiah, dinaig ko pa yata ang galit na mga kontrabida sa mga panoorin.
Lenaiah: The idiot guy named Arthur....
Ako: Villanueva? Yung classmate natin sa Comm3??
Lenaiah: Yup, that guy (kumunot ang noo ni Lenaiah)
Sa isipan ko: Siya pa naman ang sponsor ng cartolina na ginamit ko nung debut ni Lenaiah. Hayop siya , isa siyang unicorn na minalas at nagkaroon pa ng pangalawang sungay. Tatabasin ko ang isa pa para maging normal na unicorn na lang siya ulit. Bakit niya ginawa ito kay Lenaiah!!! Hayop siya, dudurugin ko ang fess niya!!!!
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...