Chapter 22

23 3 0
                                    

CHAPTER 22:

Narrator's Point Of View:

        Mga 9:00 AM, napadaan si Lenaiah sa isang simbahan sa Quezon City. Quezon City based si Lenaiah. Ang simbahang iyon ay sarado nun. Pero napahinto si Lenaiah at tiningnan ang istraktura ng simbahan.

Lenaiah: (nakatingin sa Simbahan)  Simbahan? Diyos? Kalokohan. Kung totoo Ka , you will never let people suffer.           

        Nag-ring ang kanyang cellphone at sinagot niya kaagad ang tawag. 

Reynalyn: Ahhmmm , Hello Lenaiah .

Lenaiah: Oh?        

Reynalyn: Lenaiah, sorry kung iniwan ka namin kahapon. Sorry talaga ...

Lenaiah: Ahh, ok, no problem. Bye. (yung normal na pagsasalita niyang seryoso) 

        Tinapos agad ni Lenaiah ang kanilang usapan.

Marco's Point Of View:

        Yun, nagpatuloy ako sa pagwawalis, pagkatapos nun umupo muna ako sa isang bench para magpahinga. Nung pagkakataong yun, unti unti kong ng nararamdaman ang init ng araw, mag-te-ten na kasi pero wala nang mas iinit pa sa nakita ko sa katapat na bench, mga 8 meters away. Nakakita ako ng isang couple (obviously, mag-jowa sila dahil sa actions nila). Yung dalawang yun ehh nagyayakapan habang nagkukuwentuhan. Hindi ko dinig ang pinag-uusapan nila. Mukhang mga ka-edad ko lang din sila.

Sa Isip Ko:  Kung ngayong umaga pa lang eh may mag-jowa na na nag------ , what if kung hapon or gabi na, siguro sobrang dami nang nag-de-date  dito. Hayys, ano kayang feeling yung nararamdaman ng dalawang yun, ang sweet kasi talaga nila at mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. Kasing-edad ko lang sila  pero halos nasa isang relasyon na sila. Hindi kaya masyadong maaga? Pero sabi nga ni Nanay, "Ayos lang pumasok sa isang relasyon basta alam niyo ang limitasyon niyo." But..... Pero na-exceed na yata nila ang limitasyon nila, sobra makayakap ehh. Pero di rin siguro, pagnagka-jowa ka na, gugustuhin mo sigurong makayakap nang mahigpit na mahigpit ang taong mahal mo. Ako din naman siguro, gustung-gusto ko rin makayakap nang mahigpit si Eunice. Yung yakap na tanging pag-ibig lamang ang bumabalot. 

        Napalingon sa akin yung babaeng nakikipagyakapan, at syempre nagkunwari akong hindi nakatangin sa kanila kasi baka mahiya siya, ayy, siguro hindi naman sila gaanong nahihiya, kadami daming taong nadaan sa park ehh. Public display of affection ika nga nila. Tumingin na lamang akong muli sa kwintas na bituin.

Sa isip ko: (habang nakatingin sa kwintas na bituin) Si Eunice kaya'y makakasama ko pa ba? Isa sana siyang bituing malapit ko na sanang maabot at ngayon tila ba biglang millions of lightyears na ang layo ko sa kanya.

        Dumating si Aleng hindi nagpapakilala sa akin. 

Ale: Ohh, Ano , tapos ka na ba!? (pasigaw)

Ako: Ahmmm O--po . 

Ale: Mukhang malinis na naman, maaari ka nang umuwi! (pasigaw)

Ako: Ahhh Maraming Salamat po!!

Sa Isip Ko: Woooh, Yes, 1 day down!!

Ale: Tatawagan na lang kita mamaya para sabihin kung saan ka maglilinis bukas hah!! (pasigaw)

Sa Isip Ko nun: (nabigla ako dun)  Ang ine-expect ko, isang lugar lang ang araw-araw kong lilinisan. Yun pala, ibang lugar naman ulit bukas .. Hayyss.. Community Service nga talaga.

Ale: Sige!! Aalis na ako!! Paalam sa'yo Iho!! (pasigaw ulit)

        Tatanungin ko sana siya kung anong pangalan niya pero nagmamadali na naman siya.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon