Chapter 27: Kulitin Para Sa Friendship

25 3 0
                                    

CHAPTER 27:

                                                                         Kulitin Para Sa Friendship

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Natapos na ang nakakadugo sa ilong na klase ko sa Comm3. Madami akong nakitang bagong kakilala, pero hindi ko ramdam yung karamihan, may isang tao lang talaga na tila ba gusto ko talagang kilalanin, gusto kong maging kaibigan. Hindi ko talaga mapaliwanag kung bakit ko gustong maging kaibigan yung Lenaiah na yun, kahit napakataray ng dating, ehhh, medyo kakaiba din pumili ako ng kaibigan ,ang weird. Naiisip ko si Lenaiah bilang isang tao na may masamang ugali, pero sigurado ako sa isang bagay, may tinatago siyang kabutihan. 

        Nasa 3rd floor ako ng Palma Hall, naglalakad (malamang), nakita ko si Lenaiah na nasa bandang unahan ko. Nakita ko rin yung kagaspangan ng ugali niya sa mga nakikipagkilala sa kanya, yung mga nagpapakilala sa kanya eh yung mga tipong nag-sososyal-sosyalan , pero kung sumagot si Lenaiah eh tila ba ayaw niyang kinakausap siya ng iba, yun tuloy, iniwan siya nung inunahan siya sa paglalakad nung mga nag-sososyal-sosyalan. Ehh ako, tumigil muna ako sa paglalakad at kinuha ang digital camera ko na bigay sakin ni Tatay, pinicturan ko yung labas ng Palma Hall mula sa 3rd floor, yun makukuwento ko sa paraang iyon ang adventure ko sa UP Diliman, tulad ng sabi sakin ni Tatay. At medyo malayo-layo na pala si Lenaiah, pababa na siya ng hagdan, marami ding estudyanteng pababa ng hagdan kaya medyo namroblema ako sa pagpapakilala sa taong gusto kong maging kaibigan, si Lenaiah. Bukod pa doon, hindi ako marunong makisalamuha sa mga bagong kakilala, wala akong talento sa communication. Ayun, ayun , naglalakad na ako papalapit sa kanya.

Sa Isipan ko: (habang mabilis na naglalakad papalapit sa kanya) Ahmmm, anong sasabihin ko.. "hello, I'm Marco,".. Teka ang panget ... ahmmm ... "Hey, saan next na klase mo?" .. Ay ay ay, medyo di bagay , di pa nga kami magkakilala...(medyo nasa may likuran niya na ako, sabay na kaming pababa ng hagdan).. Ahhmmm.... "I want to be your friend, Lenaiah" ... ehh ang baduy naman ng naisip ko..... (iyon , nasa may gilid na namin ang isa't isa).

        Yun, ginaya ko yung lakad niya, (left right left right) . Ginaya ko yung motion, at sabay na sabay ang lakad namin.Yun, napahinto tuloy siya.

Lenaiah: (nakakunot ang noo at pumamewang, yung dalawang kamay niya ay nasa may baywang niya at ang taray ng tingin sa akin)

Lenaiah: Ano ba? Sinusundan mo ba ako? Lumayo ka nga! Naiirita ako sa'yo!!

Ako: (ginaya ko siya, pumamewang din ako)  Lenaiah! Ako nga pala si Marco David Jimenez! Gusto lang kitang maging kaibigan,sa gayon , isa ka sa pinakaunang UP friend ko. (nakapamewang pa din ako)

        Mukhang naasar siya sa paggaya ko sa kanya at inialis niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang baywang.

Lenaiah: (mataray pa din ang itsura , medyo may konting pagtataka sa kanyang mga mata or feeling ko lang) Huh? Kaibigan?? you are so pathetic!! Abnormal. Madami diyang puwede mong kaibiganin, stupid guy. (masungit ang pagkakasabi)

        Yun , binilisan niya ang paglakad at iniwan ako. Hindi ko talaga alam kung anong problema niya o sadyang meron lang siya. Pero kasabay ng kagaspangan ng ugali eh may kalungkutan dumadaloy .. hayy . Hindi ko alam. "Ang sungit mo Lenaiah Mae Maglinao!" , sabi ko sa sarili ko. "Pero Gusto pa din kitang maging kaibigan, dapat mabago ko siya", sabi ko sa sarili ko.

        Yun, nakalabas na ako ng Palma Hall, hindi ko na alam kung nasaan si Lenaiah. Yun, napatingin na lang akong muli sa Sunken Garden , yung dapat na lagi dapat naming tatambayan ni Eunice, subalit parang malabo nang mangyari. Kinuha ko ang aking digital camera, pinicturan ko ang Sunken Garden, at itinago ko na ulit sa bag ko yung camera. Tiningnan ko ang suot suot kong kwintas na bituin na lagi ko nang i-eexpose. 

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon