CHAPTER 24:
Marco's Point Of View:
Yun, nakapuwesto na kami sa harapan ng mala-mansyong bahay nila Eunice. Napakalakas na ng kabog ng puso ko. Grabeh, pinagpapawisan na talaga ako nun, kinakabahan sa maaaring maging resulta ng pagpunta ko doon. Katapat namin ang napakataas na itim na gate nina Eunice. Kumapit ako sa handrails ng gate.
Otep: Brad, sisimulan ko nang pindutin yaong doorbell. Handa ka na ba? (lumapit sa may pindutan ng doorbell)
Ako: Oo, Brad. (tumingin ako sa kwintas kong bituin)
Otep: (pinindot na yung doorbell)
Yun, tila ba gumana na naman yung theory of relativity ni Albert Einstein, bumagal ang oras ayon sa aking frame of reference. Tumutulo na ang pawis ko, hindi dahil sa init ng panahon, hapon na yun, kundi dahil sa kaba. Nakita ko na may pabukas na ng pintuan, DAHAN-DAHAN. Napakabagal, ...................... 1/16 pa lang ang pagkakabukas.........sobrang bagal talaga..... At yun, nakita ko si Ate Erika. Tila ba nagulat siya sa aking presensya.
Erika: Marco?
Ako: (hinigpitan ko ang kapit sa handrails ng gate)
Ako: Ahhmmmmmm (medyo hindi ako makapagsalita) Nasaan po si Eunice?
Erika: Ahmm , teka lang ahh, tatawagin ko lang.
Eunice's Point Of View:
Nandun ako sa aking kuwarto at nag-ko-computer tapos yun bigla akong tinawag ni Ate.
Ate Erika: Eunice, hinahanap ka nga pala ni Marco, nandun siya sa may gate.
Nagulat ako sa sinabi ni Ate, ipinangako ko na sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko na kakausapin o papansinin si Marco at iiwasan ko na rin ang taong malalapit sa kanya. Pero nandun siya, ehhhh, hinahanap niya ako nun.
Sa isip ko nun: Halaaa, si Marco.... kailangan kong sumunod sa payo ni Best, masamang tao si Marco.. Kailangan ko siyang layuan.
Ako: Ate, umalis na kamo siya, ayoko na siyang kausapin kahit kailan. (may kalungkutan sa boses ko)
Ate Erika: (nabigla) Ha? Eunice? Si Marco yun, yung super crush mo diba? Bakit ayaw mo siyang kausapin?
Ako: Ate, please, pakisabi sa kanya na umalis na siya.
Ate Erika: Ahhh sige, ikaw ang bahala. (umalis na si Ate ng kuwarto at bumaba ng hagdan)
Tapos yun, sinundan ko si ate ko, at nakita niya na nasunod ako sa kanya. Kaya hinintay niya ako at sabay kaming pumunta papalapit sa nakasaradong pintuan sa harapan ng bahay namin. Umupo ako sa sofa.Yun yung upuan na malapit sa may pintuan pero ako makikita mula sa labas at habang nakaupo ako doon ay di ko rin makikita ang tao sa labas. Pero, maririnig ko naman ang sasabihin ng taong nasa labas.
Ate Erika: (mahina ang boses) Ano, sasabihin ko ba na nandiyan ka?
Sumenyas ako kay Ate na huwag niyang ipaalam na nasa may pintuan lang ako. Binuksan ni Ate yung pintuan.
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Binuksan ni Erika ang pintuan.
Marco: (nakakapit nang mahigpit dun sa may handrails ng gate)
Na-saan po si Eu-nice? (paiyak na ang boses)
Erika: Pasensya ka na Marco ahh, umalis ka na raw at ayaw ka na raw kausapin ni Eunice kahit kailan.
Marco: (nagsimula ng tumulo ang luha ni Marco sa kanan niyang mata)
Marco: Eunice!! (nilakasan ang boses) Ito, nandito na si Coco Martin! Yung kasama mo sa tinuturing nating masasayang bahagi ng buhay natin. Bakit ayaw mo akong kausapin? Alam kong naririnig mo ko.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...