Chapter 29: Oble

38 3 0
                                    

CHAPTER 29: 

                                                Oble

June 11, 2010 Friday, 8:00 AM

EUNICE'S POINT OF VIEW:

        Ang sarap sarap damhin ang atmospera dito sa Ateneo. At ang cute pa ng condo ko ay nakaka-relax ng everyday life ko! Kuntento na ako sa shower na may hot and cold. Hihhhihi Lagi kong gustong dumaan doon sa Royal Walk  ng Ateneo, Royal Walk ang tawag ko dun kasi bihira lang ang nadaan dun kasi magmumukhang may royal blood yung nadaan eh.May panahon naman talaga sa buhay kasi naming mga babae na maramdaman ang pagiging isang prinsesa, hindi lang tungkol sa salapi kundi pati na rin sa masigasig na pag-aalaga ng pinapangarap naming prince charming. Hindi mahalaga sa akin kung mayaman man o hindi, kung guwapo man o hindi, ang importante, napapasaya niya ako at pinadarama niya sa akin na ako'y isang prinsesa. Ayyt ayyt , minsan ko lang naiisip yun, wala lang, yung may magkakalinga sa'yong Prince Charming. Pero yung gusto kong prince charming, hindi na yata magiging siya.. eh eh eh.. Tapos yun, nasa may Royal Walk nga pala ako, nakakahiyang dumaan, basta wala daw dumadaan dito eh kasi mukhang nag-fi-feeling royal blood.  Iba din talaga ang atmospera dito sa Ateneo de Manila kahit na hindi talaga ito yung University na pinangarap ko, at hindi ko kinukuha ngayon ang kursong pinapangarap ko, Civil Engineering ..Ang kinuha ko ay Architecture, medyo magkalapit naman. Tapos yun, madaming celebrities dito! Kaya lang may kilala ako isang artista, ka-batch ko, ang bad bad bad bad niya, huhuhuhu, nagpapagawa siya ng assignment sa twitter followers niya. Porket busy siya, ang bad talaga. Sa freshman orientation, pinayuhan kami na magpaka-normal lang pag nakakakita kami ng artista. Tapos yun, pag nakakakita ako, normal lang ang kilos ko. Medyo madami na nga rin pala akong acquaintance! Nilibre nila kami agad dun sa SM North Edsa , ang saya, bagong kakilala pa lang namin ehh libre na agad.Madami na akong acquaintances pero isa lang talaga yung ka-bives ko si Arlene. (bigla ko tuloy na miss yung mga close friends ko sa Perpetual Help, sina Monique at Sharlene , huhuhuhuhu, I won't forget you girls) 

        Kasama ko si Arlene sa may Royal Walk. 

Ako: Arlene, Arlene (pumwesto ako sa harapan ni Arlene)

Arlene:  Bakit Eunice?? 

        Buti na lang si Arlene , hindi siya yung conyo kagaya ng karamihan dito. 

Ako: Tingnan mo may pimple na ako sa may noo (tinuro ko, sabay ngumuso ko). Ang panget panget ko na.. Arlene, tingnan mo.

Arlene: Hayy nako, huwag mo pansinin yan, ano ka ba.

Ako: Nagka-pimples na ako, kakasimula pa lang ng college ko. Mukha tuloy akong stressed na stressed.

Arlene: Hmmm.. Ikaw ahh, siguro , iniisip mo ng iniisip yung crush mo kaya ka nagka-pimples!! Si Justine noh!! Ayiiieeeeee!!!!

Ako: (pinalo ko sa balikat si Arlene) Ayiieee ka diyan, mag-bestfriends lang kami nohh!! May iba akong mahal, ayy I mean, may iba akong minahal (bigla naging sad yung face ko, ang panget panget ko pa may pimples kasi ako sa noo)

        Hindi ko pa na-oopen kay Arlene yung about kay Marco, at naalala ko rin yung sabi sakin ni Best noon na huwag kong i-kuwento sa iba yung about sa pag-kidnap sakin ni Marco para wala daw gulo, atsaka hindi ko rin naman talaga gustong isumbong sa otoridad si Marco ehh, kasiii ehhh .. Hindi ako concerned sa kanya!! Ang bad bad niya, erase him , erase him , erase him. Hindi ko pa sure kung i-oopen ko lahat nang tungkol kay Marco kay Arlene.

Arlene: Napansin ko lang kasi lagi mong kasama si Justine, parang siya kaya yung ideal boyfriend ko. Guwapo, mayaman, mukhang gentleman, ang athletic pa ng itsura. 

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon