CHAPTER 4:
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Noong saktong alas-kuwatro ng araw na iyon, mabilis na naglakad si Marco pabalik ng tambayan. Ninais niyang makipag-usap muli sa tropa niyang si Otep.May bitbit bitbit siyang gitara na nakalagay sa kanyang likuran. Nakangiti at malalim na naman ang kanyang iniisip.Mayroong pagkasabik sa kinilos niya. Kumakanta pa siya habang naglalakad ,masayang masaya ang aura niya at nang siya'y tumawid... Mayroong isang humaharurot na kotse at sa kasawiang palad ay sinugod siya sa ospital. At ang masama pa, nagpatuloy sa pagharurot ang kotseng iyon na tila ba ay walang nangyari. Buti na lamang ay may mga mabubuti ang kalooban at agad siyang isinugod sa ospital.
Sa kabilang dako naman, patuloy na nag-usap sina Justine at Eunice.
Justine: Ohh my God, how f*cking great God is. Ang bilis nga naman ng karma Best, kita mo na? Pinarusahan na siya agad ng langit sa ginawa niya. Buti nga sa kanya...
Eunice: (nangamba ang itsura) Best ... ano ba yan, nasagasaan na nga yung tao ehh...
Bakas sa mga mata ni Eunice ang pag-aalala, tila gulong gulo na siya sa mga pangyayari.. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na maramdaman kung awa ba o sukdulang galit, pagkamuhi o pagmamahal..
Justine: Oo nga, nakakaawa, nasagasaan ang demonyo...... Malapit ng kunin ni Satanas yung Marco na iyon.
Eunice: Justine! Stop it!
Justine: Kanina kanina niya lang ginawa ang kahayupan.
Eunice: Ahhhh!! (hinampas hampas niya ang kanyang ulo)
Justine: So, sasabihin mo ba sa mga magulang mo ang nangyari?? Huwag mo na lang sabihin nang hindi sila mag-alala. Ilihim mo na lang ang mga nangyari. Ako na ang bahala na panagutin ang mga kasabwat niya , ako na ang bahala Best.
Eunice: Wala naman talaga akong balak sabihin sa mga magulang ko at kahit kanino....
Justine: Tama yan Best..... At kung sakaling mabuhay pa yung f*ckshit na yun .. Huwag ka nang magkaroon pa ng kahit ano pang komunikasyon sa kanya....
Eunice: ...... (tumungo lamang)
Justine: Natatakot ka pa ba Best? Huwag kang mag-alala, mas lalo na kitang sasamahan lagi mula ngayon.
Eunice: Salamat sa lahat Best..
Biglang dumating ang isang bodyguard ni Mayor na kasama ni Justine nung tinulangan niya si Eunice.
Bodyguard: Sir Justine, ito po pala ung mga gamit ni Ma'am Eunice, nakuha po namin kanina.
Justine: F*ck you, bakit ngayon mo lang binigay toh?? .. Sige na umalis ka na sa harapan ko.
Justine: Tara na Eunice, ihahatid na kita pauwi.... Stay calm Best. Act as if nothing happened. Basta't tandaan mo na ligtas ka na mula ngayon.
EUNICE'S POINT OF VIEW:
Habang papauwi ako nun, sumasakit ang ulo at gulung-gulo. Bumabalik-balik sa aking isipan ang ginawa ni Marco. Isang kriminal na gawain ang kanyang ginawa. Nasa isip ko nun kung iyon ba ang sinasabi niyang surprise niya sa akin. Na takutin ako sa mga pinakakinakatakutan kong mga daga? At ang malala pa ay iharap ako sa isang naagnas na bangkay? Ikulong ako sa isang silid? Ipadukot ako na parang kikidnapin?.. Unti-unti nang nawala ang takot na aking nadama. Napalitan ito ng labis na galit , pagtataka at nagkaroon din ng ideya na hindi si Marco ang gumawa nun.Pero kitang-kita ko siya!! Bakit iyon magagawa ng taong pinakamamahal ko!? ... Nagsimulang lumuha na naman ang aking mga mata, ngunit nang papalapit na kami sa bahay pinili kong maging kalmado at sundin ang sinabi ni Best. Ayaw kong may nag-aalala sa akin. Atsaka, nawala na rin ng tuluyan ang takot na naramdaman ko. Mas nangibabaw na ang sakit at galit kay Marco. Sinabi ko sa sarili ko na sana'y hindi ko na lang siya nakilala. Pero ipinanalangin ko pa din sa Maykapal na nawa'y maging ligtas siya. Masakit sa damdamin, buti pa kung ibang tao ang gumawa, pero si Marco na taong mahal ko .... Bakit? Bakit?....
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...