Chapter 15

32 5 0
                                    

CHAPTER 15:

Marso 20, 2010

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Nagising ako pero hindi ko maidilat ang aking mga mata, nagdikit yata yung bukasan ng aking mga mata. Ayy napuno pala ng muta ang aking mata, nanigas yung mga luha, kaya yun, tinanggal ko muna yung aking mga muta. Buti pa ang muta madaling tanggalin, pero yung hapdi sa damdamin, mahirap tanggalin. Hindi pa din maganda ang gising ko. Puno ito ng pagtataka at sakit at pagka-miss. Malaki man ang ngiti ng haring araw, opposite naman ito ng aking pinakita. Ginawa ko ang daily routines ko, punta sa CR, kain, basta yung ginagawa ng ordinaryong taong katulad ko. Maski pala si Coco Martin, namomroblema din. Hayyy, naisip ko nun si Coco Martin, nakaka-miss ding tawaging Coco Martin. 

        Yun, tulog pa din si Baby Angel, hindi naman sa bugnutin siya, ganun lang talaga ang mga bata, they need long rests. Umupo ako sa tabi ng kinahihigaan niya at hinawakan ko ang kanyang ulo. 

Sa isip ko: Ikaw, Baby Angel, pag naging Civil Engineer na ako, itatayo kita ng malaking bahay.! Isumbong mo lang sa akin kapag may nang-api sa'yo, uupakan ko. Kapag nagdalaga ka naman at may nanligaw na sa'yo, pakilala mo muna sa akin susuriin kong maiigi. Dapat mas guwapo sa kuya mong toh ahh! tsk. Atsaka huwag na huwag mong iiwan si Nanay, alagaan mo din siya, sige ka, mahihirapan yun pag nawala ang mahal na mahal niyang Baby.

        Medyo pagising na si Baby Angel. Kaya naman iniwan ko muna siya kasi baka nakaabala ako sa mahimbing niyang pagtulog.

 

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Sa safe house ni Mayor Enrique Salvador, pumunta si Justine. 

Bodyguard: Ahhmm, Sir Justine, wala po ngayon si Mayor, may pinuntahan po Sir.

Justine: Ahh, hindi naman siya ang pinunta ko dito. Si Marvin nandiyan ba.

Bodyguard: Opo Sir, nag-tatarget shooting na naman po ulit.

        Pumasok si Justine sa bahay at pumunta sa bakuran sa likod. "Bang,bang,bang". Narinig niya ang mga putok ng baril.

Justine: What the f*ck!, Hindi ka ba nagsasawa diyan Marvin? 

        Ganoon pa din si Marvin, blangko ang emosyon.

Marvin: Mahirap pagsawaan ang isang bagay na gustong-gusto mo talagang gawin. 

 

        Ngumisi lamang si Justine.

Marvin: Sige, magpapahinga muna ako, tamang tama ang dating mo, sabayan mo na akong kumain.

Justine: Ayos lang, busog naman ako.

        Tumungo si Marvin sa may dining area at inihanda niya ang kanyang kakainin,...

Marvin: Sa Martes na pala ang graduation niyo, parang gusto kong manood ahh... (mapang-asar na sinabi)

        Tumingin ng masama si Justine kay Marvin at lumapit.

Justine: Subukan mo lang, at hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo.

Marvin: (kalmado lang) .. Eh di gawin mo, hahaa, biro lang Justine, hayaan mo, matatagalan pa bago malaman ni Eunice ang katotohanan. Alam mo minsan kusang nalapit ang katotohanan sa mga taong nabubulag sa mga kasinungalingan. Kaya wala akong gagawin, hihintayin ko na lang ang mga masasalimuot na mangyayari sa'yo. 

Justine: (nanggigil ang mukha).

        Sa bahay naman nina Eunice,

Felicia: Good morning Eunice, I have a good news for you.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon