Chapter 19

29 4 0
                                    

CHAPTER 19:

Marco's Point Of View: 

        Isa na namang malungkot na bahagi ng aking buhay ang naganap. Ang sama nga naman talaga ng kapalaran sa akin. Yun,nakauwi na kami ng bahay, naipaliwanag ko na din kay Nanay ang lahat. Pagkadating namin sa bahay, pumasok agad sina Tatay at Nanay , siguro napagod, lalong lalo na din si Baby Angel, kasi ba naman, takbo ng takbo daw eh. Ako naman ay nanatiling nasa labas dahil may naghihintay sa akin, hindi ang amoy ng jebs ng kapitbahay kundi si Otep na noong panahong iyon, tinuring ko pa yatang mas malala siya kaysa sa amoy ng jebs. Nakatitig lamang siya sa akin, nagkaroon na naman ng awkward silence.Tiningnan ko ang aking kwintas na bituin na suot suot ko pero nakatago sa loob ng damit ko. Madalas ko kasing tinatago para hindi masyadong expose. Yun, sa pagtingin ko ng kwintas eh, ano pa ba, kawalan ng pag-asa ang bumalot sa akin.

Otep: Anong nangyari sa'yo Marco kanina?

Ako: Dapat hindi mo ginawa yun! (galit na sinabi ko kay Otep)

Otep: Tangining yaan Marco, mga sira-ulo sila! Inaapi ka nila!! Hindi nila dapat ginagawa yun sa'yo!!

Ako: Wala kang pinagkaiba sa kanila! Marahil mas malala ka pa nga sa kanila!! (sumbat ko kay Otep)

Otep: Bahala ka sa buhay mo! Ikaw na nga ang pinagtatanggol! (nag-walk-out)

        Yun, umalis siya, tumingin na lamang akong muli sa kwintas na bituin.

Sa isip ko: Ito na yata ang isa sa pinakamalungkot kong araw, wala na, nagtampo na rin sakin si Madaam guidance counselor at magkaaway naman kami ngayon ni Otep at hindi pa din nareresolba ang kung ano mang problema ang meron samin ni Eunice. Naalala ko pa, nung naaksidente ako, hinintay kita Eunice, pero di ka dumating, sabi nga sa akin ni Otep galit ka raw sa akin at nung panahong magkikita na sana tayo sa school nung araw ng exam ehh ilang meters away ka na lang sana sa akin pero si Justine ang kumausap sa akin dahil nakita ko sa'yo na ayaw mo nga akong kausapin, nakatungo ka lamang,Sabi nga ni Justine eh nais mo raw iparating sa akin na pinagsisihan mo daw na kinaibigan mo ang isang katulad kong squatter, isang pulubing kagaya ko, na ayaw niya na sa'yo at ayaw mo na akong lumapit sa'yo. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan ka Eunice, hindi ko alam. Pero pati ang tadhana ayaw na din tayong pagtagpuin kasi pati ang teddy bear na ibibigay ko sana sa'yo na gustong gusto mo eh, nawala pa. Ohh Eunice ko, kay sakit naman!

 

        Yun, halos mabasag na ang aking bungo sa kakaisip. Bigla ko ding naisip ang sumbat ko kay Otep na marahil ay mas malala pa siya kina Justine. Muli tuloy nag-flashback, ang mga pangyayari sa amin ni Otep nung ako'y grade 3 pa lamang.

        Nasa Bataan pa kami nun, lumipat lang kami sa Bacoor, Cavite bago ako mag-high school. Iba ang environment dun,di tulad dito, punung puno ng polusyon, doon punong puno ng puno. Ang sarap ngang pakinggan ang tunong ng kalikasan doon eh,yung mga huni ng ibon, yung tunog ng dahon , yung agos ng ilog, basta payapang payapa ang kapaligiran namin siguro may isang exemption, yung kaguluhang dinudulot ni Otep sa buhay ko. Pinahuli ako ni Nanay ng palakang bukid (hindi siya bukol bukol,kadiri kaya yun) ipang-uulam namin, napakasarap nun, lasang fried chicken. Atsaka mas trip ko pa yata ang manghuli ng palaka kaysa sa mga gawaing bahay. Si Marvin naman, ang aking twin brother eh wala, hindi masyadong inuutusan ni Nanay, favorite child, pero wala naman akong reklamo sa trato niya sa akin, ok lang sa akin yun, iba kasi talaga si Kuya Marvin.  Lagi pa nga akong sinusumbatan ni Nanay na ako daw talaga dahilan ng malaking gastos na hindi naman daw karapat dapat para sa akin kasi ako lang ang pumapasok sa eskwelahan. Eh si Marvin naman ang ayaw pumasok dahil hindi siya tinatanggap sa grade 3 at sa grade six na siya agad ipinapasok ng mga guro. Yun, habang ako ay nanghuhuli ng palaka, si Marvin naman ay nandoon sa isang public library, ang dakila niyang tambayan. Mga ilang minuto ng aking pag-hunting ng palaka sa bukid,

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon