CHAPTER 33:
EUNICE'S POINT OF VIEW:
Ehhh yun, sinira ko yung promise ko kay Best , huhuhu, kinuwento ko kay Arlene lahat lahat about kay Marco.Kasunduan namin ni Best na hindi ko ikukuwento yun kahit kanino eh. Ehhh, mapagkakatiwalaan naman kasi si Arlene kahit saglit ko pa lang siyang nakilala. Tapos yun, ang sad ko tuloy sa Independence Day.
Arlene: Ahhh Tama din naman ang Bestfriend mo Eunice, kailangan mong lumayo dun sa Marco na yun! (hinahawakan ang balikat niya)
Ako: Alam ko, nakinig naman ako kay Best!
Arlene: Bakit ka malungkot? Ok na ang lahat diba? Malayo ka na sa kanya uy.
Ako: (sad ang face ko) Ehhh ......
Arlene: Uy, siguro , gusto mo pa siya nuh!? Atsaka, familiar sa akin yung name niya ahh... Never mind...
Ako: Of...... Of course not! Ang bad bad niya . (ang sad ng face)
Arlene: Tama yan Eunice, dun ako boto kay Justine. (sinuklayan niya ako, inayos niya yung buhok ko)
Arlene: Ayusin mo ang itsura mo uy.
Arlene: (hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay) Huwag kang malungkot Eunice, hah!? Lagi kang nakangiti diba? Yun ang pagkakakilala ko sa'yo, Ha! Smile na!
Ako: (ngumiti ako kay Arlene) Ohh yan!!
Arlene: (tumayo si Arlene at pumunta sa may table niya) Sige, mag-facebook lang muna ako ahh... Tawagan mo na lang si Justine uyyy, ayiieee. hahaha
Ako: Mag-bestfriends nga lang kami! Ang kuliiiiiiiiiiit!
Nung nakatalikod na si Arlene, naging sad na ulit ang face ko. Nung moment na yun, ehhhhh, feeling ko may kaba sa heart ko na hindi ko maunawaan,ano ba yan, bakit ang dami kong hindi maintindihan. Anong klaseng babae ba ako, sumasalungat lagi ang sinasabi ng isipan ko sa pinaparamdam ng puso ko. Sometimes, the heart and the mind are not in a perfect harmony and in rhyme with each other. O.... Baka ako lang. Napatingin akong muli sa salamin. "Wala na akong pimple", pampabawas ng sadness ko. Kinuha ko rin yung teddy bear na binigay sakin nung bata sa lansangan. Ang cute nga ng name na binigay ko dun ehh . "Coco" , tapos yun, niyakap ko ito nang mahigpit.
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Sa bahay nina Marco, sa Bacoor, kasama ni Melanie si Baby Angel, at kakarating lang din ni Frederiko.
Baby Angel: Nanay, andiyan na po Tatay!!
Melanie: Oo, alam ko Baby, kiss mo na si Tatay.
Baby Angel: (lumapit kay Frederiko at yumuko si Frederiko upang maka-kiss si Baby Angel)
Frederiko: (naglabas ng pagkain mula sa kanyang bag) Ohhh , anak, may pasalubong si Tatay sa'yo na Hopia.
Baby Angel: Wow, kain tayo tapay.
Frederiko: (inabot kay Baby Angel ang Hopia) Sige , anak, kumain ka na. (humingang malalim) Pagod na pagod ako kanina Anak, hindi ako nakapag-pahinga dun sa construction.
Baby Angel: (umupo sa upuan at sinimulang kumain)
Lumapit si Ferdinand na kay Melanie na nakatingin sa labas ng Bintana.
Frederiko: Lanie, Ok ka lang ba? Mukhang ang lungkot mo ahh .
Melanie: May naalala lang ako.
Frederiko: Si Marvin, uuwi din yun, naniniwala ako.
Melanie: Oo, miss na miss ko na si Marvin, at si Marco , miss na miss ko na ang kambal ko.
Frederiko: Si kwan, si Marco, sana'y bisitahin din tayo dito.

BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...