CHAPTER 3
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Dinala si Eunice ng mga kidnappers sa isang malaking abandonadong bahay.Iniwan siya sa isang silid na napakadumi na kahit umaga ay medyo madilim pa din. Nakakalat lamang ang mga gamit at nagmukhang isang junk shop ang silid na iyon.Nakakalat ang mga bote, karton, meron ding mga metal sa paligid.Nagsimulang umiyak si Eunice subalit pinili niya na munang manahimik at hindi sumigaw dahil sa takot. Iyak siya nang iyak. Siya Eunice ay nakahiga sa sahig habang nakagapos ang kanyang kamay at paa.
Eunice: Na--sa--an ako? (habang nangangatog ang mga labi)
Pinilit niyang tanggalin ang mga tali sa kanyang mga kamay at paa subalit hirap na hirap siyang gawin ito. Patuloy pa rin siyang umiyak at takot na takot sa kanyang kalagayan.
Eunice: Di--yos ko, tulungan niyo po ako (nangangatog at umiiyak) ... Parang awa niyo na po natatakot po ako..... (umiiyak)
Gumawa siya ng paraan upang tanggalin ang tali sa kanyang mga kamay at paa. Gumulong at kumilos siya na parang bulate upang lumapit sa isang babasaging bote na nakita niya. Pinilit niyang gumapang subalit hirap na hirap siya. Gumulong siya at sa wakas ay naabot niya ang boteng nakita niya. Ginamit ang kanyang nakataling kamay upang ibato nang malakas ang bote malayo sa kanya. Nagtalsikan ang mga bubog at nasugatan siya sa may braso.Dahan dahan siyang gumapang upang abutin ang isang bubog na gagamitin niya upang tanggalin ang nakatali sa kanya. Nahirapan siyang gawin ito dahil ang dalawa niyang kamay ay nakagapos sa kanyang likuran. Hinawakan ng nakatali niyang kamay ang bubog ngunit hindi niya ito magamit upang ipanghiwa sa tali sa kamay niya. Pinili niya na gamitin ang kanyang bibig.Hininiwa muna niya ang tali sa kanyangmga kamay gamit ang kanyang bibig at ang bubog na kagat-kagat niya. Sobrang diin ng pagkakagat niya sa bubog upang hindi siya mahiwa nito Subalit,nahirapan pa din siya sa paghiwa ng tali. Nagkaroon na din siya ng sugat sa gilid na bahagi ng kanyang labi. Tila sumusuka ng dugo ang kanyang itsura. At sa wakas,natanggal niya na rin ang tali sa kanyang kamay malipas ang mga ilang minuto. Nagkaroon siya ng kaunting kapanatagan at tumahan na muna siya sa pag-iyak. Sinunod niyang tanggalin ang tali sa kanyang mga paa.Mabilis niya nang natanggal ito. Tarantang tarantang hinanap niya ang kanyang shoulder bag at agad niya itong natagpuan. Hindi niya narinig sa sobrang pagkabalisa na tawag na pala nang tawag si Justine; at sa paghawak niya sa kanyang tablet, saktong tumawag muli si Justine.
Justine: Best, nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa tapat ng simbahan. (tonong nag-aalala)
Eunice: Justine---- Tulungan mo ako please... (nangangatog at umiiyak). May mga kumuha sa akin, basta pagkagising ko nandito na ako. (patuloy sa pag-iyak)
Justine: Puwedeng kumalma ka lang muna? I-describe mo sa akin ngayon kung nasaan ka. Tumingin ka sa labas at i-describe mo sa akin ang paligid para mapuntahan kita kaagad.
Inilarawan ni Eunice ang paligid upang siya'y mapuntahan ni Justine. Habang naghihintay si Eunice, binuksan niya ang malaking cabinet na nakita niya. Pagkabukas niya ay puro kalansay ang kanyang nakita.Sumigaw siya ng malakas dahil sa takot at muling napaupo. Siya ay yumuko at muling umiyak. Tila giniginaw siya sa labis na panginginig. Nagdasal na lamang siyang muli. Paulit ulit na sinabi, "Lord, please, please...". At tinawagan si Justine niya si Justine.
Eunice: Justine.. Bilisan mo na please..... (takot na takot)
Justine: I'm on the way na Eunice, tumahimik ka na lang muna diyan. Huwag kang gumawa ng masyadong ingay.
Eunice: Justine........ (umiiyak)
At sa sobrang kaba at sobrang pag-iyak, tila ba nanikip ang dibdib niya. Pinili niya na lamang na muli siyang yumuko at tumahan na lamang muna. Nagdasal siyang muli.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomansaBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...